THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO
WARNING: Erotica, steamy, explicit contents and adult languages.
"Wear a blindfold. A mask. Anything! I don't want to see your eyes!"
Masakit ang kontratang pinasok ni Maxi, magpapanggap siyang ibang babae habang nasa kama ni Marco De Guia. Isang babae na kahit mabuhay siya uli hinding-hindi niya magagawang tapatan sa puso ng bilyonaryong ranchero, si Anna Medrano.
Ang kapalit, impormasyon na halos dekada niyang hinahanap na parang maliliit na puzzle lang nitong ibinibigay. Parang masarap na lason na unti-unting sumisira sa kanyang katinuan.
May hangganan nga ba ang kanyang pagtitiis sa kamay ng lalaking walang pagtingin sa kanya?
******
Malupit na parusa.
Iyon si Anna para kay Marco dahil tuluyan siyang nabaliw sa babaing ito sa puntong isusugal niya ang lahat ng yaman niya at sarili niyang buhay makuha lang niya ang puso nito na may iba nang nagmamay-ari at matalik pa niyang kaibigan, si Jared Mendez.
At para matakasan ang sobrang sakit na pinagdadaanan niya, kinailangan niya si Maxi. Ang tanging babae na matindi ang galit sa kanya sa hindi niya malamang dahilan.
May lugar ba ito sa miserable niyang buhay kung pag aari na ng ibang babae ang puso at kaluluwa niya?
At mapapatawad ba siya nito sa dami ng kalupitang ipinaranas niya dito?
Karapat-dapat ba siya sa puso nito kung may ibang lalaki nang naghihintay dito oras na matapos ang kanilang kontrata?
55 viewsOngoing