Mommy To The Billionaire's Daughter
Si Bianca Batista, isang barista, lumaking ulila matapos mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente noong bata pa siya. Pinalaki siya ng kanyang lolo’t lola, ngunit palagi niyang hinahangad ang pagmamahal ng kanyang mga magulang at ang magkaroon ng isang buo at masayang pamilya.
Nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas Alcaraz isang gabi sa isang bar—isang guwapo, mayaman, ngunit napaka-aroganteng lalaki. Kinaumagahan matapos ang kanilang one-night stand, hindi inaasahan ni Bianca na mababangga niya ito sa isang insidente, at mas lalong hindi niya inaasahang mapagkamalan siyang ina ng anak nito.
Dahil sa sitwasyon, napilitan si Lucas na alukin si Bianca na magpanggap bilang ina ng kanyang anak.