Nahulog sa Bata, Kasama Ang Daddy
"Marry me. I would rather spend one lifetime with you – than face all the ages of this world without you," sabi ng isang green-eyed, six-year-old little boy sa harap niya.
"Liam, bakit mo ako gustong pakasalan?" tanong ni Scarlett sa bata.
"Gusto kong may nandiyan para sa akin," sagot ni Liam. "Papatulugin ako, ihahatid ako sa school, at someone na makakalaro ko pag nasa malayo si daddy. I want someone nag magpapasmile sa'kin at kay daddy. I want someone na love ako at love din si daddy ko."
Bumuntong-hininga ang bata at idinagdag, "Gusto kong maging masaya din ang daddy ko."
Tumingin si Liam kay Scarlett at nagtanong, "Miss Scarlett, mabibigyan mo ba ako ng kapatid na boy at girl?"
"Teka. Teka. Bakit parang... si daddy mo na ang gusto mong pakasalan ko kung ganyan," sabi ni Scarlett, nalilito.
Ang mga mata ng bata ay kumikinang. Sagot niya, "Oh tama, Miss Scarlett, gusto ko ang proposal mo. Sasabihin ko yan kay daddy."
Scarlett, “???”
***
Si Scarlett Barnes ay inabandona ng kanyang mga magulang, at pinahiya ng kanyang kaibigan at kasintahan noong bata pa siya. Nang malabel siya bilang ang bitter ex, hinangad niya ang kanyang nararapat na paghihiganti. Ano pa nga ba ang mas mahusay na paraan para makamit ito kung 'di ang mapunta sa piling ng ibang lalaki, isang taong tunay na nagmamahal sa kanya.
Ang kanyang future love life at happiness ang dapat na anyo ng kanyang paghihiganti, pero pagkatapos ng isang taon, ang kanyang surprise marriage proposal ay nagmula sa isang six-year-old na batang lalaki. Ito ba ang pagkakataon niya sa kaligayahan?
Hindi nagtagal ay nalaman ni Scarlett na ang ama ng bata ay isang smoking hot billionaire na tagapagmana ng Wright Diamond Corporation sa Braeton City, si Kaleb Wright. Noong naisip niyang nakuha na ng bata ang puso niya, mahuhulog din kaya ang loob niya...sa daddy nito?
103.8K Кол-во прочтенийOngoing