THE MAFIA'S FAVORITE BRAT
Si Gideon Wallace, ang walang-puso at malamig na anak ng isang makapangyarihan at maimpluwensyang pamilya ng mafia, ay kilala bilang isang lalaking walang emosyon at pusong bato ayon sa kababaihan. Ngunit dahil sa kanyang gwapo at nakakasilaw na itsura, hindi mabilang na babae ang handang ibigay ang lahat para lang makasama siya sa kama. Subalit, may isang babae na kanyang lubos na kinamumuhian at iniiwasan—gaano man ito magpumilit, hindi kailanman magkakaroon ng halaga ang babaeng ito sa kanyang mga mata.
“Gusto mo talagang maging asawa ko, ‘di ba? Pagbibigyan kita sa gusto mo pero hindi bilang tunay kong asawa. Huwag kang masyadong maghangad nang mataas!”
Sa kabilang banda, si Sydney Yllana ang babaeng matagal nang nagtitiis sa pagmamahal sa lalaking kinamumuhian siya. Simula pagkabata, iniibig na niya si Gideon. Ngunit ang akala nito ay kerida ng ama nito ang kanyang ina. Kahit na walang pakialam o malasakit si Gideon sa kanya, patuloy pa rin siyang nagmamahal nang buong puso. Akala ni Sydney, kung ibibigay niya ang kanyang sarili sa lalaki ay maaaring magbago ang pagtingin nito sa kanya. Ngunit sa huli, ang tanging natanggap niya ay masidhing poot at pagkamuhi nito.
Sa kanilang ginagalawang mundo, kung saan ang galit at paghihiganti ang naghahari, magiging posible kaya ang pag-ibig sa gitna ng poot? O masusuklian kaya pabalik ang pagmamahal ni Sydney kay Gideon?