My Contract Marriage
Ikakasal na dapat si Czarina sa long time boyfriend niya pero bago pa man ang kasal nila nahuli niya itong niloloko lang pala siya at ang babaeng kasama nito ay walang iba kundi ang sariling kapatid ni Czarina. Pinili niyang manahimik, hindi siya gumawa ng gulo. Nang malaman niyang ipinagkasundo ang kapatid niyang si Natalie kay Tyrone Fuentes, isa sa mga apo ng pinakamayamang pamilya sa bansa ay pinuntahan niya ito para makipagkasundo. Inalok niya ng kasal si Tyrone Fuentes dahil alam niya kung gaano kainteresado si Natalie rito. Sinira ng kapatid niya ang relasyon niya kaya sisiguraduhin din niyang sisirain niya ang pangarap nitong maging Mrs. Fuentes.
Subalit, paano kung may malaman si Tyrone na sekreto ni Czarina? Will he stay or will he divorce, Czarina?