Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)
Rain Sevilla
Lihim sa mga kabanda ni Jhonel Hosoda ang relasyon niya sa co-singer sa dating pinagtatrabahuan niya sa Japan, not until he proposed to Akime, upang matanggap lamang ang rejection mula rito. Ang matagal niyang pinaghandaan at inasam ay nasira sa isang sandali lang. Ngunit kung bakit sa gitna ng pag-iwan ni Akime sa kanya ay biglang may isang babaeng nais pumalit sa ex-girlfriend niya para maging asawa.
Sa labis na awa at concern ay inalok ni Laceyleigh ang kamay niya kay Jhonel para siya na lang ang pakasalan nito, pero sa halip ay pinagtawanan siya. But her guts reached to its next level. She kissed him, and then... he kissed her back! Mula niyon ay umiwas na siya rito. Sadyang mapagbiro lang ang tadhana dahil sa kagagawan ni Jhonel ay nag-viral sa social media ang pictures niya, hindi dahil sa gusto siya nitong makita kundi para mabawi ang engagement ring na ninakaw niya.
Mahanap pa kaya muli nila ang isa’t isa?
1.2K viewsOngoing