Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hiding his Son (Hiding Series #1)

Hiding his Son (Hiding Series #1)

Dahil lamang sa isang halik ay natagpuan na lamang ni Iris ang sarili na ikinasal na siya kay Sebastian Buenavista, ang nag-iisa at susunod sa pagiging Mafia ng pamilyang Buenavista. Noong una ay hindi niya ito matanggap na ikinasal siya sa isang katulad ni Sebastian pero habang tumatagal ay napapaamo na ng binata ang malamig nitong puso at natagpuan na lamang ni Iris ang sarili na unti-unti na siyang nahuhulog sa binata. Habang lumalalim ang pagmamahal nila sa isa't-isa ay unti-unti ng lumalabas ang mga sikretong itinago ni Sebastian. Sa oras na malaman niya ito ay handa kaya siyang manatili sa tabi nito hanggang dulo?
Romance
1015.0K viewsCompleted
Read
Add to library
TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART

Isang trahedya ang yumanig sa katahimikan ng marangyang buhay ni Ana Villa—nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan at natagpuang wasak sa kailaliman ng dagat. Ngunit ang katawan niya, hindi kailanman nakita. Ang mundo ng mga Villa ay nilukob ng lungkot at hiwaga, ngunit para kay Belle, ang kanyang kakambal, ang trahedyang ito ay hindi isang aksidente—ito’y isang maingat na planong pagpatay. Nagpasya si Belle na gawin ang hindi inaasahan: nagpanggap siya bilang si Ana para malaman ang tunay na mastermind sa pagkamatay ng kanyang kambal. Sa kanyang pagpapanggap, napasok niya ang mundo ng karangyaan at kasinungalingan, isang mundong puno ng malalalim na lihim at mapanganib na tao. Ang asawa ni Ana, si Luke Villa, ay isang bilyonaryo at CEO ng Villa Brewery Inc.—makisig, misteryoso,gwapo at tila nagtatago ng mga lihim. Sa kabila ng pagdududa ni Belle, unti-unti siyang nahulog sa bitag ng kanyang sariling damdamin. Ngunit hindi si Luke ang tunay na panganib. Si Sheila, ang tila inosenteng stepsister ni Luke, ay isang babaeng magaling magtago ng matinding inggit, lihim na pagnanasa, at nakamamatay na ambisyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Sheila ang utak sa likod ng pagkamatay ni Ana, dala ng matagal nang pagkamuhi nito kay Ana dahil inagaw nito sa kanya si Luke dahil may lihim siyang pag-ibig dito. Habang nilalaro ni Belle ang papel ng kanyang kambal. Dito, natagpuan ang takot at pag-asa na magkasama, habang unti-unting nahuhulog ang kanyang puso kay Luke. Sa gitna ng labanan ng pagmamahal, takot, at paghihiganti, sino ang talo at sino ang mananatiling buhay?At paano makakaligtas si Belle mula sa bitag ng pagmamahal nito para kay Luke?
Romance
102.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Dating The Possessive Billionaire

Dating The Possessive Billionaire

“Alam mo ba kung gaano mo nilagay sa kapahamakan ang sarili mo the moment you stepped into my house? It means that you are now under my possession and when I say you’re mine, you’re mine. No one can take you away from me, you have no right against your own body because that is mine too Glory, there’s no turning back!” Ralph Romualdez. Iyon na ang itinatak ni Ralph kay Glory, sa simula pa lamang ng relasyon nila ngunit ayaw ni Glory sa ganong klase ng pagmamahal dahil naranasan niya na iyon sa dating asawa na si Enrico Villanueva. Nakaka trauma, nakakatakot, nakakalungkot. Iyon ang palaging nararamdaman ni Glory kaya ginawa niya ang lahat ng paraan na magagawa niya makalaya lamang mula sa malupit na asawa, nagtagumpay siyang makipag divorce dito ngunit kung kailan handa na siyang magmahal ulit ng iba ay bigla namang sumulpot si Ralph na siyang nagpapabalik ng trauma kay Glory, lahat ay ginawa niya maiwasan lamang ang manliligaw na si Ralph ngunit paano kung isang trahedya ang maganap at kung kailan mahal niya na ito ay bigla pa itong makalimot? Maaalala pa kaya ni Ralph ang pagmamahal at panunuyo niya kay Glory? At matanggap niya pa kaya ang naiwan niyang kambal na anak dito?
Romance
1010.1K viewsOngoing
Read
Add to library
My billionaire ex-wife

My billionaire ex-wife

Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
Romance
1016.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache

Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache

Ang pagmamahal na iniwasan ay siyang pinakamahirap kalimutan… Si Gabriel Navarro ay isang self-made billionaire at CEO ng isang matagumpay na kumpanya, ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang tagumpay at yaman, may isang lihim na hindi pa rin niya kayang bitawan—si Sofia Montes, ang unang pag-ibig na iniiwasan niyang muling magmahal. Noong nakaraan, pinili niyang iwan si Sofia, iniisip na mas mahalaga ang kanyang negosyo kaysa sa pusong may sugat. Ngunit sa kanilang muling pagkikita, sa loob ng kanyang kumpanya, muling nabuhay ang mga damdamin na akala niyang matagal nang namatay. Si Sofia, ngayon ay isang malaya at matagumpay na babae, ay hindi na ang dating dalaga. May mga sugat na rin siya mula sa kanilang nakaraan. Ngunit sa bawat titig at bawat salitang nag-uugnay sa kanilang dalawa, unti-unting napapansin ni Gabriel na may nangyaring mas malalim kaysa sa kanyang iniwasan. Habang nagsisimula silang magkasama muli, isang malupit na lihim ang unti-unting lumalabas: si Gabriel ay may malubhang sakit na hindi niya kayang pagdaanan mag-isa. Lihim na siyang nahihirapan at wala pang lakas na aminin kay Sofia na ang bawat araw ay nagiging labanan sa buhay. Ngunit ang takot niyang mawala si Sofia ng hindi nila nasasabi ang mga bagay na hindi nila kailanman natapos, ay nagsisilbing pinakamabigat na hamon ng kanyang buhay. Puwede bang magtagumpay ang pagmamahal nilang nagsimula sa mga unang taon ng kanilang buhay? O magiging alaala na lamang ito, tulad ng ulan na tinatangay ng hangin?
Romance
518 viewsOngoing
Read
Add to library
TIE OF LOVE

TIE OF LOVE

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa iyong minamahal? _ Paano nga ba niya paiibigin ang isang taong mayroon nang ibang minamahal? Isang hamon iyon sa puso ni Aleyha, sabi nga nila walang pusong bato sa matiyaga kung umibig. Kaya handang gawin ni Aleyha ang lahat makuha lang ang puso ni Ivo Sebastian. Dahil kailangang umibig ito sa kanya kahit may Althea Mauricio pa sa pagitan nilang dalawa. Sisiguraduhin niyang sa huli sa kanya magpapatali si Ivo at siya ang iibigin nito. Dahil siya ang mas karapat-dapat sa puso at pagmamahal ni Ivo. _ Ngunit karapat-dapat nga ba talaga siya sa puso ng binatang bilyonaryo, hindi ba isa siyang babaing naninira ng relasyon at pumapasok sa pagitan ng dalawang pusong nagmamahalan? ***** 06-06-25 Story Written By: LadyGem25
Romance
286 viewsOngoing
Read
Add to library
Revenge Plan for the Billionaire

Revenge Plan for the Billionaire

Some people always say that it's better to forgive than to plan a revenge, but for Erin Sanchez it's the other way around. It all started when Erin met Julian Benitez—guwapo, mayaman, maganda ang pangangatawan at higit sa lahat ay marunong tumugtog ng gitara. Lahat na yata ng pangarap ni Erin sa isang lalaki ay natagpuan niya kay Julian. Hindi intensyon ni Erin ang mahulog sa kagaya ni Julian pero hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Isang misyon lamang ang pakay niya sa bilyonaryong si Julian ngunit sa hindi inaasahang pangyayari'y nahulog siya sa patibong na siya rin ang gumawa. Kaya bang isalba ng pagmamahal ang mga pangyayari sa nakaraan? O mas lalo lang nitong guguluhin ang kasalukuyan?
Romance
10304 viewsOngoing
Read
Add to library
Love Redemption

Love Redemption

Isang gabi ng pagkakamali ang nag-ugnay sa dalawang magkaibang mundo. Si Jade, isang simpleng babae ay biktima ng paninira at kasinungalingan. Si Luther, isang makapangyarihang tagapagmana, napilitan sa isang kasalang walang pagmamahal para iligtas ang dangal ng kanilang pamilya. Dalawang estranghero, na pinagbuklod ng tadhana ngunit hindi ng pag-ibig. Sa kabila ng galit at lihim na bumabalot sa kanilang pagsasama, unti-unting lumitaw ang damdaming hindi nila inaasahan. Mananatili kaya ang kanilang kasal bilang isang malamig na kasunduan o magbabago ito tungo sa isang mas malalim na ugnayan? Mapagtatagumpayan kaya nila ang mga kasinungalingan, galit, at pride na humahadlang sa kanila? O nakatakda na silang manatiling bilanggo ng isang buhay na hindi nila pinili?
Romance
10426 viewsOngoing
Read
Add to library
HER COLLATERAL HUSBAND

HER COLLATERAL HUSBAND

Sa ilalim ng arranged marriage ikinasal sina Zelena Havens Arivelez at Dylan Romano dahil sa pagkakaroon ng utang ng pamilya Romano sa pamilya Arivelez. Natuwa si Zelena dahil matagal na niyang gusto si Dylan, ngunit hindi ito interesado sa kaniya. Zelena tries to win Dylan's affection, ngunit nahirapan siya dahil kahit babaero ito ay siya lang ang babaeng ayaw nitong bigyan ng oras. Matapos ang paghihirap ni Zelena, nagbunga ang panunuyo at pagmamahal niya kay Dylan. Ngunit sa gitna ng kanilang kasiyahan, Zelena discovers a shocking truth about Romano family's plan that could change everything. But is it too late to save herself from the consequences of their arranged marriage?
Romance
10760 viewsOngoing
Read
Add to library
The Heartless Detective (Series 2)

The Heartless Detective (Series 2)

Itinakwil at inalisan ng karapatan ng sariling pamilya dahil kasalanan na kaniyang nagawa. Sa paglipas ng panahon ay sinubukan niyang mamuhay sa isang lugar na malayo sa kaniyang ginagalawan pero sinugrado pa rin ng pamilya niya na walang makakatulong sa kaniya. Hanggang sa nakilala at minahal niya si Cris- ang amo niya na ubod ng sama ng ugali.  Matututunan kaya siyang mahalin ni Cris sa kabila ng estado nila at pagkakaiba.  Paano kung isang araw bumalik ang pamilya niya na tumakwil sa kaniya at dala ng mga ito ang balitang gigimbal at susubok sa pagmamahal niya, makikinig ba siya sa pamilya niya at iiwan ang lalaking nagsilbi niyang katuwang noong tinalikuran siya ng lahat or mananatili siya sa tabi nito hanggang sa ito na ang sumuko dahil sa nakaraan na hindi nito makalimutan?
Other
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status