Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)

I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)

Si Natasha Marie Garcia ay napasok sa isang sitwasyon na hindi niya akalain na mangyayari sa kanya. Inakala niyang pupunta siya sa Silvestre Mansion para maging isang kasambahay. Ngunit nagkaroon ng setup si Don Juanito. Gusto niyang mapalapit si Natasha sa kanyang apo, kaya gumawa siya ng paraan para magkalapit sila at magpakasal. Hindi sana papayag si Natasha, pero wala siyang nagawa kundi magpakasal. Inakala niyang ikakasal lang siya sa isang mayaman, arogante, at nakakainis na lalaki. But she didn't know she was getting married to the leader of the most powerful hidden mafia in the country. Mapaglaro ang tadhana; habang tumatagal ang araw na kasama niya ang kanyang asawa, lalong nahuhulog ang kanyang loob dito. Hanggang isang araw, natuklasan ni Natasha ang lihim ng kanyang asawa. Behind his sweet and loving smile was a dangerous and powerful mafia boss. Sa una, natakot siya, pero nangibabaw ang pagmamahal niya sa kanyang asawa, kaya tinanggap niya ito ng buong puso sa kabila ng madilim nitong buhay. Masaya sila, ngunit dumating ang isang trahedya na nagbago ng kanilang masayang pagsasama. Namatay ang ina ni Natasha sa isang ambush at sinisi niya si Giovanni. She left her husband without a word because of the anger she felt. Binalot ng galit si Natasha, at nagdesisyon siyang maghiganti. Paano mapapatawad ni Natasha ang kanyang asawa kung ang sugat ng nakaraan ay masyadong malalim? Mananaig ba ang kanyang pagmamahal sa lalaking una niyang minahal? Maibabalik pa kaya ang kanilang masayang relasyon? Ano ang gagawin ni Giovanni para mabawi ang babaeng mahal niya? Babalik ba si Natasha sa kanya? O ang kanyang minamahal na asawa ay magiging kanyang kaaway?
10263.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Sextuplets Para Sa Hot CEO

Sextuplets Para Sa Hot CEO

Hindi inasahan ni Amy na ang asawang minahal at pinagkatiwalaan niya nang husto sa loob ng maraming taon ay niloloko siya sa gamit ang secretary nito sa trabaho. Nang magharap sila, pinagtawanan at kinutya lang si Amy ng kanyang asawa at ng kabit nitong secretary. Tinawag siyang baog ng mga walang hiyang yun dahil lang hindi pa siya nabubuntis sa nakalipas na tatlong taon na kasal sila ng asawa niyang si Callan. Dahil sa pagiging heartbroken niya, nag-file siya ng divorce at pumunta sa isang club, pumili siya ng isang random na lalaki, nagkaroon ng mainit na one night stand, binayaran ang lalaki at biglang naglaho papunta sa maliit na syudad. Bumalik siya sa bansa pagkalipas ng anim na taon kasama ang tatlong cute na lalaki at tatlong cute na babae na magkakaedad at magkakahawig. Nagsettle down siyang muli at nakakuha ng trabaho pero di nagtagal ay nalaman niyang ang CEO sa kumpanyang pinatatrabahuhan niya ang lalaking naka-one night stand niya sa club anim na taon na ang nakalilipas. Magagawa ba niyang itago ang kanyang six little cuties mula sa CEO na nagkataong ang pinakamakapangyarihang tao pa sa NorthHill at pinaniniwalaang baog rin? Pwede bang magkasundo si Amy at ang pinakamakapangyarihang tao sa NorthHill sa kabila ng pagiging langit at lupa ng estado nila sa buhay?
9.4230.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Ang kasal ay isang sagradong seremonyas para sa dalawang nag-iibigan… Ngunit sa loob ng apat na taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Zia na itinuring siyang kabiyak ni Louie. Kung tutuusin ay para siyang bagay na napapakinabangan lang kung kailangan ngunit hindi naman magawang pahalagahan. Isang ibong nasa hawla na hindi kayang kumawala. Lahat ng sakit at hirap ay tiniis ni Zia dahil mahal niya ang asawa. Kahit pa ibang babae ang kinahuhumalingan nito. Hanggang isang gabi, habang malakas ang buhos ng ulan ay iniwan siya ni Louie para puntahan si Bea sa ibang bansa. Mag-isa at nahihirapan habang dumadaloy pababa ang dugo mula sa pagitan ng kanyang hita. Ginapang niya ang sakit makahingi lang ng tulong para sa batang kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang tatlong taon, sa muli niyang pagbabalik ay malaki ang ipinagbago ni Zia… Ngunit hindi si Louie. “Hiwalay na tayo, Mr. Rodriguez!” Napangisi ito. “Mrs. Zia Cruz… Rodriguez, hindi ko pa pinipirmahan ang divorce papers. Sa madaling salita… asawa pa rin kita at hinding-hindi ka na makakawala pa sa’kin.”
9.6264.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MY SON'S DADDY is a MAFIA

MY SON'S DADDY is a MAFIA

WARNING ⚠️ SOME SCENES CONTAINS WORDS THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS..!! READ AT YOUR OWN RISK ...!!! Dala ng matinding bugso ng damdamin sa pagdadalaga Amber Rizalyn Joy got pregnant at the age of seventeen, without knowing who is the man she slept with on that night. Paano kung isang araw ay makakaharap niya ang lalaking kamukhang-kamukha ng kan'yang anak? Would it be possible that the man in front of her is the father of her son? Paano kung bigla na lang itong sumulpot sa kan'yang harapan kasama ang kanilang anak at yayain s'yang magpapakasal? Kaya n'ya bang tanggihan ang alok nito sa kabila ng nasaksihan n'yang pagmamakaawa ng kan'yang anak sa ama nito na pakasalan s'ya at buoin ang kanilang pamilya. Ano ang naghihintay na buhay sa kanilang mag-ina sa piling ng isang mafia? Magiging reyna kaya s'ya sa puso ng lalaki o magiging asawa lang dahil sa anak nila? Paano kung isang pagsubok ang dumating sa kanilang pagsasama? Pagsubok na s'yang sisira sa tiwala nila sa isat-isa kasama na ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mananaig kaya ang nabuong pagmamahalan laban sa tiwala na nasira at nawasak?
10249.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Contractual Wife

The Contractual Wife

Kailangang pakasalan ni Harvy Austria, ang kanyang assistant na si Dahlia Vega dahil sa hiling ng kanyang lolo na may karamdaman. Ngunit nakapangako na siya sa kasintahan niyang si Audrey na ito ang pakakasalan niya. Subalit ang last will ng lolo niya ay nakakadismaya. Ibibigay lahat ng kayamanan kay Dahlia kung sakaling hindi niya ito pakasalan. Sa loob ng tatlong taon, kapag hindi sila naging ikay, maaari na silang maghiwalay at makukuha niya ang kanyang mana. Kaya kinausap niya si Dahlia, at nalaman niya ang mga kondisyon ng dalaga. Walang side chick habang kasal, magkikita pero privately lang. Ito ang hahawak ng kanyang pera. Aalisan muna ng ATM si Audrey, para matutong magtrabaho. Magiging sweet sila at okay sa harap ng ibang tao. Ngunit nahihirapan siya sa ganitong sitwasyon, lalo na at nasa paligid lang niya ang dalawang babae. Lalo pa at habang tumatagal, ang timbangan ng puso niya ay nahahati na. Pero kailangan niyang tuparin ang pangako niya kay Audrey. Matagalan kaya ni Dahlia ang pasakit na ibinibigay niya dito? O susuko na lamang ito para bigyan naman ng dignidad ang sarili?
9.986.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Night Shift (TAGALOG)

Night Shift (TAGALOG)

axxelehara
A one hot night with Doctor Remonize Doctolorez ~ Yhra Santos, isang babae na pinag kaitan ng magandang buhay at maayos na pamilya. Anak sa pag kadalaga ng nanay nya sa isang Attorney na may pamilya na. Nag iisang nag tataguyod para sa pamilya nya, hanggang isang araw ay nakilala nya si Remonise, hiwalay sa fiance. Sabi ng binata ay kamuka nito ang dalaga na nang iwan sa kanya, kaya si Yhra ang kinagagalitan nya.
9.7243.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

"Boss! Nasa panganib pong muli ang buhay ng asawa mo!" wika ng kanang-kamay ni Kaizer. "Ihanda mo ang mga tauhan at ililigtas natin siya!" malakas na sigaw ng mafia boss. Mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Devil's Angel Mafia Organization. Lahat sila ay handang ialay ang buhay para sa kanilang reyna. Buong tapang na sumakay si Kaizer sa sasakyang naghihintay sa kan'ya. Ngunit ang mga mata niya ay punong-puno ng lungkot. Tumatagos doon ang sakit na nararamdaman ng kaniyang puso. Siya ang asawa ngunit ang puso ng babaeng mahal niya ay nahahati sa dalawa. Hindi siya pwedeng gumamit ng dahas dahil baka tuluyang mawala sa kan'ya si Kryzell. Ang babaeng una at pinangakuan niyang huling iibigin. Sa pag-ibig kung saan ay nakikihati lamang siya, hanggang kailan ni Kaizer kayang maging biktima? May halaga ba ang pagiging mafia boss kung ang mafia's hidden angel ay magdesisyon na muling mabuhay ng payapa at malayo sa magulong mundo na meron siya?
9.8228.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
THE REBOUND BRIDE

THE REBOUND BRIDE

Pinagtaksilan ng fiance niya si Yazmin dahil hindi niya kayang ibigay ang sarili bago ang kasal. Sa isang gabing pagrerebelde ay ibinigay niya ang sarili sa isang estranghero na akala niya ay simpleng "blind date" lang. Paano kung alukin din siya nitong maging substitute bride? Tatanggapin ba niya ito bilang tagapagligtas niya sa sunod-sunod na pinagdadaanan niya gayong ito mismo ang dahilan kung bakit siya nasadlak sa sitwasyong iyon?
9.7328.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Billionaire True Love

My Billionaire True Love

Penrose Lily Magdilang, isang illegitimate daughter na anak ng isang maid. Ipinagpalit ng kanyang boyfriend sa bratinella niyang kapatid at ipinakasal ng kanyang pamilya sa isang baldadong lalaki. Ang lahat ay tiniis niya dahil isa lang siyang sampid sa pamilya at kailangan sundin ang nais ng ama dahil ito ang batas. Masakit na iniwan siya ng kanyang boyfriend ng dahil lang sa kayamanan pero wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat ng ito. At sa hindi inaasahang sorpresa ng tadhana. Ang kanyang baldadong asawa na si Christopher John Villezo ay isa palang Muli-Billionaire na nagmamay-ari ng hotel chain from local to international! Gwapo, mabait at mayaman. It's too good to be true! Susugal ba siyang muli sa pag-ibig kahit may takot sa kanyang puso? It's her second chance to Love... Ito na kaya ang true love niya? Will she chase love or she will let Love chase her?
1071.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Legal mistress (tagalog SPG)

The Legal mistress (tagalog SPG)

Pumayag si Hailey sa alok ni Selina na maging kabit ng asawa nitong si Justine. 10 milyon ang kapalit kapag nagtagumpay syang akitin at maging kabit nito. Gusto na kasing makipag hiwalay ni Selina kay Justine ngunit wala syang maisip na magandang dahilan para mahiwalay dito kaya naisip nya na kung magkakaroon ng kabit si Justine ay iyon ang gagamitin nya para mapa-walang bisa ang kasal nila. Pumayag si Hailey para sa pera. Unang araw pa lang nilang nagkakakilala ni Justine ay kaagad na nya itong naakit at may nangyari sa kanila. Noong una ay inisip ni Hailey na para sa pera lamang ang ginagawa nya ngunit noong tumagal na ay napamahal na sya kay Justine at nais na nyang totohanin ang lahat sa kanila. Ano kaya ang gagawin ni Hailey sakaling magbago ang isip ni Selina at itigil na ang kanilang napagkasunduan? Paano kung si Justine mismo ay ayaw na syang pakawalan? Paano nya aaminin dito na kaya lang nya ito inakit ay dahil sa utos ni Selina? The Legal Mistress
10302.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
910111213
...
50
DMCA.com Protection Status