Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Isang Gabing Pagsasalo

Isang Gabing Pagsasalo

Si Beatrix Del Rosario ang bunsong anak ng mga Del Rosario. Pitong taon na itong kasal kay Miggy Sandoval ngunit dahil sa hindi niya mabigyan ng anak ang kanyang asawa ay nagawa nitong mangaliwa sa kanyang pinsan at gusto siyang hiwalayan. Dala ng sakit ay nagpakalasing siya at nagawa pang humila ng isang lalaki sa hotel para lamang mapawi ang sakit na nararamdaman. Paggising sa umaga ay ni ayaw niyang makilala ang lalaking nakasiping at tanging ang tattoo lamang nito sa likod ang kanyang naaalala. Sinubukan niyang kalimutan iyon at ipokus ang sarili sa kumpanya lalo pa't malapit na silang matalo ng isang Levi Archer Alcantara na kanyang kinasuklaman sa taglay na kahambogan at isa ang lalaki sa suspect niya sa pagkamatay ng kanyang pamilya. Ngunit paano kung magbunga ng kambal ang isang gabing dala ng kalasingan? At paano kung makita niya ang tattoo sa likod mismo ng isang Levi Archer Alcantara na kanyang kaaway? At paano siya magiging masaya nang tuluyan kung nakatali pa siya sa dati niyang asawa?
Romance
10392.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Billionaire's Hidden Mask

Billionaire's Hidden Mask

Paano kung ang kagustuhan mong mamuhay nang mapayapa upang takasan ang nakaraan ay unti-unting nabubuhay sa kasalukuyan? Ang nangyaring unos, krimen o trahedya sa pamilya ni Bethany Francheska Hamilton ay hindi pangkaraniwan. Sa loob ng dalawang taon ay namuhay siya nang normal. Maaraw sa araw na iyon. Nakilala ni Bethany ang lalaking si Danger. Sumulpot ito bilang kapitbahay niya sa inuupahang apartment katabi nang sa kanya. Wala itong sinabi noong una, ngunit ang panahon na mismo ang nagtalaga kung bakit dumating ang lalaki roon nang biglaan. Iyon ay magiging bodyguard 'raw niya ito. Sa hindi ni Bethany malamang rason at kung kaninong utos nanggagaling iyon. They became acquaintance. Pinoprotektahan siya nito sa abot nang makakaya nito. Ang totoong katauhan ni Danger ay hindi tuluyan ni Beth na napagtanto. Paano kung isang araw ay matuklasan ni Beth ang lihim nitong itinatago. Ang pangalan nitong ipinakilala sa kanya ay isa lamang palang palayaw na konektado sa napakadelikado nitong trabaho. Higit sa lahat, paano kung mapag-alaman niyang matagal na pala siyang niloloko nito at pinaglalaruan lamang siya nito. The Mask is literally hidden. At hindi alam ni Bethany kung paano pakiharapan iyon. Lalo na nang makumpirma niyang nahulog na pala ang loob niya rito sa ganoon kaikling panahon. Magagawa kaya niyang patawarin ang lalaki at kalimutan ang ginawa nito? O susundin niya ang iniutos nang kanyang puso dahil napamahal na siya rito?
Mafia
101.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Love Reclaimed: Fated To Love You

A Love Reclaimed: Fated To Love You

"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. A-ayoko na, Zack, hindi ko na kaya pa, kaya naman sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal. H-hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang makalaya sa kasal na ito?" Garalgal at may halong pait na tanong ni Rhian. "Pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Ngunit sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na inilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..." Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya. "Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!" Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan. Gusto lang maangkin ni Rhian ang asawa sa una at huling pagkakataon. Pagkatapos ng gabing ito, siya ay lalayo. Ngunit ang una at huling na pinagsaluhan nilang dalawa ay nagbunga at sa kanyang pagbabalik ay muli silang nagkita... “Zack, bitiwan mo ako! Baliw ka ba? Nasa isang pribadong silid tayo! Maaaring may pumasok anumang oras!” Ang kanyang ex-husband na ‘hindi siya minahal ay hinahalikan siya ngayon... ngayon, ito naman ang naghahabol sa kanya!
Romance
9.887.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Muling Pagtibok ng Puso

Muling Pagtibok ng Puso

Jam Mike
Pag-ibig, isang salita ngunit marami ang ibig sabihin. Pag- ibig, tila ba simple lamang, ngunit ang totoo ay kayang gawin lahat sa ngalan ng pagsinta. Mayroon bang mas sasakit pa sa pusong pinagtaksilan matapos mong gawin at ibigay ang lahat maging ng iyong buhay sa taong tangi mong minahal? Matapos basagin at durugin ng pinung- pino ang iyong puso ng taong tangi mong pinagkatiwalaan nito, may kakayahan ka pa bang magpatawad at umibig muli? Matapos mong maghintay ng walang hanggan sa pangakong labis mong pinanghawakan ngunit sa huli’y tanging panlilinlang lamang ang iyong napala, may lakas ka pa bang muling magtiwala sa mundo? Papaano mo ipagpapatuloy ang buhay kung hindi mo na kilala maging ang sarili mo mismo?
103.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE BROKEN TRUST

THE BROKEN TRUST

" Ilang taon kitang hinintay pero bakit Hindi mo ako nagawang hanapin? Simula noong iniwan mo kami ng anak mo, kinalimutan ko na din na Minsan kitang Minahal!" Isang Matapang, Palaban at mapagmahal na babae si Astra. Lumaki siya sa mahirap na pamilya . Nag iba Ang takbo ng buhay niya ng makita niya si Akio Zeus Ventura, Mayaman, Gwapo at Makapangyarihan. Isang Perma ang bumago sa buhay ni Astra, Naging Contract wife Siya ng Isang mayaman at Kilalang negosyante na si Akio Zeus Ventura at sa hindi inaasahan ay nahulog Siya sa binata, Ngunit sa huli iba Ang pinili ng binata at nagawa niyang Iwan Ang dalaga. Ano Ang mangyayari sa love story nilang dalawa? Mamahalin ba Siya ni Akio?
Romance
1010.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The First Daughter's Bodyguard

The First Daughter's Bodyguard

Si Irish ang kaisa-isang anak ng Presidente ng Pilipinas. Maganda, sopistikada, matalino ngunit nagrerebelde sa kanyang mga magulang. Upang tumino, pinadala siya ng kanyang ama sa isang immersion sa pangangalaga ng pinagkakatiwalaang gwapo at matipunong si Daniel na isang PSG/ Bodyguard. Kapwa may kasintahan sina Irish at Daniel ngunit sa liblib na lugar na iyon, nabuo ang hindi inaasahang pagtitinginan ng dalawa. Paano nila ipaglalaban ang kanilang lihim na pagmamahalan sa kani-kanilang mga karelasyon at sa Pangulo ng Pilipinas? Paano napabago ng isang simpleng bodyguard ang isang tigre sa kasungitang anak ng Presidente?
Romance
1013.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Wild feelings SPG

Wild feelings SPG

Paano aaminin ni Ayla sa ngayo'y nobyo niyang si Vladimir na dating silang naging FUCK BUDDIES ng pinsan nitong si John Enriquez. Paano matatanggap ni Vladimir na ang pinakamamahal at nirerespeto niyang babae ay pinagsawaan na pala ng pinsan niya? Ito kwento na tungkol kay Ayla na pumayag sa set-up nila ni John na maging 'Fuck Buddies'. Hindi lang isa o dalawa, kun 'di maraming beses na may nangyari sa kanila bagay na pinagsisisihan na niya dahil sa nobyo na niya ngayon ang pinsan nitong si Vladimir Grande.
Romance
10506.7K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (21)
Read
Idagdag sa library
ۦۦ ۦۦ ۦۦ ۦۦ
nag expect ako na c john at ayla ang para sa isat isa.na akala ko c ayla makakapagpatino sa pagiging babaero nia,..nakakalungkot sa part na after nla magkabayohan e sa pinsan ni john ang ending ni ayla.........
Amihar02
grabeng iyak ko sa part ng paghihiwalay nila ayla and Vladimir pero napatawad din agad ni Vladimir si ayla akala ko magtagumpay na si jhon, pero nalulungkot ako kase parang naging cold na si Vladimir kay ayla ano na kaya ang susunod na mangyayare sa kanila
Basahin ang Lahat ng Review
Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18)

Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18)

Blurb: Pakiramdam ni Graeson Santillan, may kulang pa sa sarili niya kaya hindi niya magawang magseryoso sa buhay. Kaya hinanap niya ang sarili niya. Nilibang din niya ang sarili sa mga babae, bar hopping, car racing at iba pa. Pero gano’n pa rin ang pakiramdam niya kaya nagdesisyon siyang sumama sa kaibigang si Isagani pauwi ng probinsya, baka sakaling mahanap niya ang sarili doon. Hindi niya akalaing magiging wild ang unang gabi niya sa bayang iyon. Isa yata iyon sa hindi niya malilimutang karanasan. Pero minalas siya dahil basta na lang siya iniwan ng babaeng nakaniig na nagngagalang Beth. Hindi pa naman niya nakita nang malinaw ang totoong itsura nito. Hinanap niya ito ng mga sumunod na araw pero walang nakakakilala sa kanya. Saka naman dumating sa buhay niya ang Ate Athena ni Isagani, na matanda sa kanya ng anim na taon. Ginulo din nito ang naguguluhang puso niya, na mas lalong nagulo nang makatanggap siya nang balita tungkol kay Beth…
Romance
1045.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS

AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS

“Benjamin, naging asawa mo ako sa loob ng tatlong taon ngunit ni isang beses ay hindi mo man lang ako nagawang hawakan! Ngayon, ito na ang pagkakataon ko. Ito na ang tamang panahon para bumawi sa lahat ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa piling mo bilang asawa mo at bilang babaeng minahal ka ng napakatagal! Pinagsisisihan kong naging asawa kita!” Tumutulo ang mga luha ni Lunabella habang sinasabi iyon sa nakahiga at nakataling asawang si Benjamin Alvarez sa kanilang kama. “Huwag mong gawin ito, Luna. Sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi kita mapapatawad! Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na hindi kita magawang mahalin? Na si Astra lang ang tanging tinitibok ng puso ko?!” Walang pusong turan ni Benjamin, puno ng galit ang mga mata. “Humanda ka sa akin kapag nakawala ako rito, talagang mapapatay kita!” Pilit itong kumakawala sa pagkakatali ngunit mahigpit ang ginawang pagkakatali rito ni Lunabella rito. ******* Mula pa nang highschool ay minamahal na ni Lunabella Cruz si Benjamin Alvarez. Wala siyang ibang nais kundi ang makasal dito. Kaya nang ipagkasundo silang dalawa dahil sa horoscope na pinaniniwalaan ng naghihingalong matandang Alvarez ay hanggang langit ang ligaya niya. Subalit ang sayang iyon ay kapalit ng tatlong taong paghihirap niya bilang asawa ni Benjamin Alvarez. Mahal na mahal niya ang lalaki ngunit may iba ito minamahal.
Romance
1012.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MY CEO EX-HUSBAND'S PROPOSAL

MY CEO EX-HUSBAND'S PROPOSAL

Winter Alonzo never expected that walking into work one morning would bring her face to face with Duke Fontaine, the elusive heir to one of the richest empires in the world and the ex-husband who vanished without a trace seven years ago. Paano niya sasabihin na siya ang dating nitong asawa, bago ito mawala? Paano niya aaminin dito na mahal pa rin niya ito? How can she confess she has twins at home who are the spitting image of him? And how can she say any of it when he looks at her like she is a stranger, his gaze cold and unreadable? Ano ba talaga ang nangyari kay Duke?
Romance
323 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status