Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Because... I love you

Because... I love you

DuraneousMxMDramaCEO
Mahirap lang ang buhay na mayroon si Mavy. Maliit na bahay, simpleng mga gamit at walang trabaho. Pero sa kabila ng hirap, pinipilit niyang maging malakas at matatag para sa kapatid niya. Dalawa na lang silang magkasama sa buhay simula nang namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Isang mabuti at responsableng Kuya naman siya pero hindi ito naging sapat para maalagaan ang katapid niyang may breast cancer. Dumating pa sa puntong kinailangan niyang magnakaw at pumasok sa isang club bilang isang cross dresser para mabayaran ang mga gastusin sa hospital. Hindi na niya alam ang gagawin niya hanggang nakilala niya si Kfer Vargaz. Isang mayamang negosyante si Kfer, at pipirmahan lang ng mga magulang nito ang kumpanya na para sa kaniya sa isang kondisyon. Kaya naman inalok niya si Mavy ng isang bagay sa pag-aakalang babae siya. Hanggang unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Kfer sa kaniya. Lahat kayang iwan at isakripisyo ni Michael para sa kapatid. Ngunit kaya pa ba niyang isakripisyo kahit ang nararamdaman niya para lang maging masaya ang kapatid niya?
LGBTQ+
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaires Son

The Billionaires Son

“Lord pahiram ng anak ko! Please lang huwag mo muna siyang kuhain sa akin, hindi ko kakayanin. Sobrang bata pa ng aking anak! Huhuhu!” napasandal na lang ako sa wall ng hospital at humahagulgol na nananalangin. Bago pa ako makapagsalita ulit ay nakita ko ang Arnaldong iyun na nakatingin saming dalawa ni Regan, nakatayo lang din ito sa isang sulok malapit samin, yumuko siya ng makita niya akong nakatingin sa kanya. Bumitiw ako sa pagkakakapit ko kay Regan at lumapit ako papunta sa lugar kung nasan si Arnaldo, hinabol lang ako ng tingin ni Regan at hindi ko na napigilan ang aking sarili, isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi ni Arnaldo. Nagsusumigaw ang galit sa aking puso't isipan Nakita kong napakapit siya sa kanyang pisngi at nagatataka siyang napatingin sakin"Hay*p ka! nakapawalang hiya mo talaga. Nagpakalayo-layo na kami ni Anthony nasundan mo pa rin kami. Wala ka ng dinala sa buhay naming mag-ina kundi puro sakuna.(pinaghahampas ko ang kanyang dibdib habang patuloy ang aking pag iyak, Sobrang galit ang aking nararamdaman, hinahayaan lang naman niya ako sa kanyang ginagawa, maya-maya ay naramdaman kong niyakap na niya ako para huminahon, ) Hindi na ako nanggulo sa buhay niyong mag-asawa kagaya ng gusto mong mangyari! kaya please lang lubayan mo na kaming mag-ina. HUHUHU" bigla naman akong nanghina at tila nawalan ng lakas ng yakapin na niya ako, pakiramdam ko ay nasa maayos akong mga kamay sa piling ng bisig nito. "Naguguluhan ako! anong ibig mong sabihin?! Hindi kita maintindihan, Una kitang nakita sa bahay namin, kasama ko sa kwarto , yun na ang una at huli nating pagkikita!" sagot sakin ni Arnaldo
Romance
1032.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Finding My Boss A New Secretary

Finding My Boss A New Secretary

Ang boss ko ay may matinding trust issues—at ako lang ang pinagkakatiwalaan niya, kahit madalas niya akong nasisigawan. Pero kailangan ko nang mag-resign dahil kailangan ako ng ate ko na nasa Dubai. Ang problema? Ayaw akong pakawalan ng boss ko maliban na lang kung makahanap ako ng kapalit… in just three months. Eh choosy pa naman siya! Paano ko ‘to maaayos bago ako maiwan ng eroplano?
Romance
221 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Cinderella's Beast

Cinderella's Beast

Lumaki si Lara sa poder ng tiyahin. Mala-Cinderella ang buhay niya dahil ginagawa siyang alila ng mga abusadong pinsan. Lahat ng mga gawaing bahay ay pinapagawa sa kanya, ni sweldo niya ay halos walang matira. Ang nobyo na nga lang ang kakampi niya ngunit nagloko pa at gumagawa ng kalokohan sa kanyang likuran. Isang gabi ay napasubo si Lara. Dahil nagkasakit ang pinsan ay siya ang sumalo sa customer nito kahit ayaw niya. Lord K, iyon daw ang tawag sa lalaki. He looks strong and intimidating. His aura screams power, money and fame. Mafia? Billionaire? Hindi alam ni Lara. Ang tangi lang niyang iniisip ay matapos na ang gabi ngunit mukhang ayaw na siyang pakawalan pa ng lalaki! Bigla na lang itong naglapag ng apache case sa harap niya at ngumisi. "Here's 50 million. Marry me and I'll make you my queen." •• THIS STORY CONTAINS A LOT OF MATURE SCENES | PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK ••
Romance
1049.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Owned by the Mafia Boss

Owned by the Mafia Boss

Ydewons
Dalawang bagay lang ang gustong magawa ni Grace Morales sa buhay niya. Una ay gusto niyang maipagamot ang kapatid niyang si Gerald sa sakit nito sa puso at ang pangalawa naman ay ang matustusan niya ang pangangailangan nilang magkapatid. Ulilang lubos na silang dalawa kaya naman lahat ng trabaho ay papatusin na ng dalaga... kahit ang pagbibigay aliw sa lalaki ay gagawin niya na rin. Ngunit hindi niya pa man naibibigay ang sarili niya sa una niyang customer nang alukin siya nito ng isang kasunduan. He wants her to carry his child! Noong una ay nag-aalinlangan pa ang dalaga kung papayag ba siya sa kabaliwang iyon ngunit agad na rin siyang sumang-ayon nang sapilitan silang palayasin sa tinitirhan nilang barong-barong. Isang kasunduan na bumago sa buhay ni Grace. Akala niya ay siyam na buwan niya lang dadalhin ang bata sa sinapupunan niya ngunit hindi niya pa man nagagawang ilabas ang bata ay sunod-sunod na ang pasabog ang malalaman niya. Ngunit isang bagay lang ang sigurado siya, magigising nalang siya isang araw na hindi na siya ang nagmamay-ari sa buhay niya. Because after she signed the agreement, she is now absolutely and definitely owned by the Mafia Boss.
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
30 Days in Billionaire's Touch

30 Days in Billionaire's Touch

He met me at the bar. Instead of making me feel like a prostitute and a dirty woman, he made me feel like a princess and respected. So how can I follow our rule of 'not falling in love'? Eh isang linggo ko pa lang siyang kasama sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Which woman wouldn't fall for him? He might be the perfect man I've ever met. Pinaramdam niya rin sa akin na ako lang ang kaisa-isang taong sandalan niya.
Romance
1012.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO

HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO

JessSkyla
Sina Katrina Reign Mendez, Marco at Franco Hermosa ay magkakaibigan. Pero paano kung paglayuin sila ng tadhana dahil sa isang pangyayari? At paano, kung tadhana rin ang gagawa ng paraan para pagtagpuin silang muli? Mananatili pa rin kaya silang magkaibigan o mauuwi sa pag-iibigan? Sino kaya ang pipiliin ng dalaga kung sakali? Bata pa lang nangarap na si Katrina ng mala-fairytale love story na kung saan siya ang Prinsesa at pinagsisilbihan ng kaniyang Prinsipe. Pero wala pang happy ending ay magulo na agad ang love story ng dalaga. Naging magulo ang buhay niya simula nang magtagpo ang landas nila ng kambal na sina Marco at Franco Hermosa. Kababata niya ang kambal pero batid niyang hindi siya magkakagusto isa man sa kanila dahil bukod sa kaibigan niya ang mga ito, isa lang din naman siyang hamak na anak ng mayordoma sa mansion ng mga binata. Pero bakit kabaliktaran yata ang lahat? Naging mapaglaro ang tadhana dahil sa kambal pa tumibok ang kaniyang puso. Hindi niya alam na ang kambal pa ang magpapagulo sa tahimik niyang mundo. Hindi alam ng dalaga na magkakagusto siya sa magkapatid kahit na magkaiba ito ng ugali. At lalong hindi niya maintindihan na sa kabila ng hindi magandang katangian ni Franco ay nahulog pa rin ang loob niya rito. Samantalang kabaliktaran naman ito ni Marco na mabait, maginoo, at maalalahanin. Lahat na yata ng magandang katangian ay na kay Marco na. Pero bakit pakiramdam ng dalaga may kulang pa? Paano niya kaya iiwasan ang kambal kung sila naman ang panay na lumalapit? At paano niya sasabihin na isa lang ang gusto niya kung dalawa ang nagpapagulo sa mundo niya? Sino kaya ang mas matimbang sa puso niya? The arrogant Franco or the good man Marco?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I LOVE YOU DANGEROUSLY

I LOVE YOU DANGEROUSLY

Maganda, matalino at matapang na dalaga si Esmeralda Nuevo, lumaki siya sa mayaman at maayos na pamilya kasama ang mahal niyang ama na ang nais lang ay tanging makabubuti lamang sa kanya. Ngunit ang normal at masayang buhay ng dalaga sa isang iglap ay biglang nagbago at ang dating maayos naging magulo dahil sa pagdating ng malupit na si Vihaan Sullivan. Binatang ang tanging mahalaga lang ay ang pansariling interes sa kagustuhan magkaro'n pa ng higit na kapangyarihan pagdating sa larangan ng negosyo, handang manggipit makuha lamang ang gusto kahit pa ang dalagang labis siyang kinasusuklaman. Matutunan kaya siya mahalin ng dalaga kung nakuha niya lamang ito sa pilit? May pag-ibig kayang mabuo kung dala nito ay pabganib?
Romance
10737 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Unexpected Royal

Unexpected Royal

AillexSkcy
Si Diala Madrigal ay isang stylist sa isang sikat na kompanya sa Gemolis City, ngunit natanggal siya ng makilala niya ang isang lalaki na si Nicolai Swisly. Muli siyang naghanap ng trabaho para sa nalalapit na operasyon ng nanay niya, natanggap agad siya ngunit sa hindi inaasahan doon din pala nagtatrabaho ang lalaking kinaiinisan niya matapos siyang matanggal sa trabaho, hindi niya alam na si Nicolai Swisly pala ay isang Duke na bumisita lang sa Gemolis City upang hanapin ang Grand Princess ng Rallnedia. Simple lang ang pamumuhay ni Dia noong hindi niya pa nakikilala si Nicolai Swisly, ngunit tila nag iba ang ihip ng hangin ng lubusan niyang makilala ang totoong pagkatao niya kasama ang lalaking kinaiinisan niya noong una niya pa lamang ito nakikilala. Siya nga ba ang totoong Grand Princess ng Rallnedia? O siya lang ang naibigan ni Duke Aeneas Nicolai Swisly na maging Grand Princess ng Rallnedia.
Mystery/Thriller
1026.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Especially For You

Especially For You

Nakilala ni Angela Bautista ang dalagang mahilig sa pocketbook na si Heart Del Rio. Bitbit nito ang mga libro nito nang lumapit ito sa kaniya at binago ang takbo ng kaniyang mundo. Simula noon ay naging anino na niya ang dalaga. Naging maayos naman ang pagkakaibigan nila, ang kaso, pumasok sa eksena ang walang modo nitong kapatid na si Brian Del Rio. Inutusan siya ni Brian na layuan niya ang kapatid nito sa hindi niya maintindihan na dahilan. Kahit labag sa kaniyang loob ay sinunod niya ang binata at doon nagsimula ang kalbaryo ng buhay niya. Naging mas makulit pa si Heart at panay padala ito sa kaniya ng kung ano-ano na naging dahilan bakit na-chismis sila sa campus. Brian Del Rio to the rescue. Nagpanggap ang binata na ito ang nanliligaw sa kaniya para lang matabunan ang issue nila ng kapatid nito. Isang pagpapanggap na hindi dapat siya sumang-ayon. Maraming binitawan ang binata na mga pangako sa kaniya, but promises are meant to be broken. Hindi natupad dahil bigla na lang itong nawala at hindi na muling nagpakita pa sa kaniya. Dapat pa ba siyang maghintay? O dapat na siyang mag-move on dahil pagpapanggap lang talaga ang lahat?
Romance
278 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status