I'm in Love with that Girl
Z.R Cruz
Inalok ng kasal ni Francine sa kanyang nobyong si Leonard. Ngunit hindi pa handa si Leonard na pumasok sa buhay may asawa. Hindi niya tinanggap ang alok ni Francine at iniwan ang kasintahan. Labis na nawasak ang damdamin ni Francine.
Si Ethan Fajardo, makisig at kilabot ng kababaihan, namamahala din siya ng isang automotive company kasama ang kanyang matalik na kaibigan, si Aaron. Isang playboy na hindi naniniwala sa totoong pag-ibig. Ngunit ang kanyang lola, si Elizabeth ay ipinagkasundo ang binata sa anak ng kanyang kaibigan. Tumutol si Ethan sa kasunduan at nagsabing may mahal s'yang iba. Kung kaya't hinamon s'ya ng kanyang lola na iharap sa kanya ang tinutukoy nitong kasintahan.
Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkrus ang landas ng dalawa. Papayag ba si Francine na maging kasintahan ni Ethan? Maniniwala ba si Elizabeth sa pagpapanggap ng dalawa?