AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS
“Benjamin, naging asawa mo ako sa loob ng tatlong taon ngunit ni isang beses ay hindi mo man lang ako nagawang hawakan! Ngayon, ito na ang pagkakataon ko. Ito na ang tamang panahon para bumawi sa lahat ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa piling mo bilang asawa mo at bilang babaeng minahal ka ng napakatagal! Pinagsisisihan kong naging asawa kita!” Tumutulo ang mga luha ni Lunabella habang sinasabi iyon sa nakahiga at nakataling asawang si Benjamin Alvarez sa kanilang kama.
“Huwag mong gawin ito, Luna. Sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi kita mapapatawad! Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na hindi kita magawang mahalin? Na si Astra lang ang tanging tinitibok ng puso ko?!” Walang pusong turan ni Benjamin, puno ng galit ang mga mata. “Humanda ka sa akin kapag nakawala ako rito, talagang mapapatay kita!” Pilit itong kumakawala sa pagkakatali ngunit mahigpit ang ginawang pagkakatali rito ni Lunabella rito.
*******
Mula pa nang highschool ay minamahal na ni Lunabella Cruz si Benjamin Alvarez. Wala siyang ibang nais kundi ang makasal dito.
Kaya nang ipagkasundo silang dalawa dahil sa horoscope na pinaniniwalaan ng naghihingalong matandang Alvarez ay hanggang langit ang ligaya niya.
Subalit ang sayang iyon ay kapalit ng tatlong taong paghihirap niya bilang asawa ni Benjamin Alvarez.
Mahal na mahal niya ang lalaki ngunit may iba ito minamahal.