Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Cold Billionaire's Forbidden Maid

The Cold Billionaire's Forbidden Maid

Limang taon na ang nakalipas mula nang talikuran ni Nica Mendoza ang lalaking minahal niya higit pa sa sariling buhay. Sa kapalit ng limang milyong piso—at isang pangakong ililigtas ang kanyang ina—iniwan niya si Rafael Watson, ang nag-iisang lalaking pinangarap niyang makasama habang-buhay. Ngunit ang kapalit ng kanyang sakripisyo ay hindi kapayapaan… kundi impiyernong walang tigil. Ngayo’y muli silang nagtagpo—ngunit hindi bilang magkasintahan, kundi bilang amo at kasambahay. Si Rafael, ang ngayon ay tinaguriang Cold Billionaire, ay walang ni katiting na init ng damdamin sa kanyang mga mata. Sa bawat titig, bawat utos, at bawat sarkastikong ngiti niya, ramdam ni Nica ang galit... ang hinanakit... at ang pagnanasang tila hindi nawala sa kabila ng taon. Sa loob ng apat na pader ng marangyang mansion, isang mapanganib na laro ng damdamin ang magsisimula. Isang larong puno ng pagsisisi, pagkakaila, at mga lihim na matagal nang ibinaon sa limot. Pero paano kung ang larong ito ay muling mag-alab—mas mainit, mas delikado, at mas makasalanan? Sa pagitan ng galit at pagnanasa, alin ang pipiliin—ang paglimot o ang muling pagtikim sa isang bawal na pagmamahalan?
Romance
1016.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Gangster and His Bride

Gangster and His Bride

XessameStreet
Bukod sa isang drag racer, maraming kwestyon sa pagkakakilanlan at pagkatao ni Kane Talens. Kabilang ang mga tanong patungkol sakaniyang pinanggalingan. Ngunit tadhana na ang gumuhit at nakilala niya ang gangster na si Gabriel at sa hindi inaasahan, ito ang nagsilbing tulay upang magkaroon ng sagot ang kaniyang mga katanungan sa sarili, at kung sino ang nasa likod ng pagkakait ng mga bagay na ito sakaniya noong sanggol pa lamang siya. Sa kanila rin namang pagtatagpo ni Gabriel ay kaniya ring natagpuan ang una niyang pag-ibig, ang pag-ibig na magpaparanas sakaniya kung ano ang pakiramdam ng pagiging kumpleto. Ngunit may sorpresa pa pala ang tadhana, hindi lang para sakaniya kung hindi para sakanila ni Gabriel. Ito ay ang pagdating ni Shian na nagsilbing unang pag-ibig naman noon ni Gabriel, at ang balitang ikagigimbal nilang dalawa. Sa pagdating ni Shian kasama ang balitang iyon ay pag-usbong naman ng mga bagay na kailangang i-sakripisyo ng dalawa. Maaari nga bang magmahal ang taong hindi pa tapos magmahal ng iba? at sa pagbabalik ng nakaraan alin ang kaya nilang talikuran at alin, ang kaya nilang ipaglaban? Sa pagpunta sa punto ng pilian, marami 'mang pagsubok at pagdaanan, mananaig ang mas matimbang at iyon ay ang pag-ibig na kanilang nasimulan.
YA/TEEN
1.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Babysitter's Hot Deal with the Jerk

Babysitter's Hot Deal with the Jerk

Inosente. Birhen. Santo. Ilan lamang iyan sa mga katangiang mayroon si Coreen kaya naman madalas siyang pagkaisahan ng mga tao sa paligid niya. Nang pagbintangang kabit ng kaniyang amo ay walang-awang pinatalsik sa trabaho at laglag ang balikat at nakayukong lulugo-lugong naglakad sa kalsada. Dahil sa tadhana ay natanggap siya sa isang bagong trabahong hindi niya inakalang papasukan; ang maging maid ng isang arogante, barumbado, bastos at masungit na si Royce Sullivan dahil na rin sa pangakong malaking sahod. Isang misteryosong lalaki na ayaw ng human contact at literal na nagtayo ng isang malaking salamin sa pagitan nilang dalawa. Ngunit bakit nga naman hindi lalaki ang sahod kung sa unang araw pa lamang ay halos humiwalay na ang kaluluwa niya sa inis sa binata? Idagdag pa na sinamantala ni Royce ang kaniyang kahinaan at inalok siya ng isang deal para mabayaran ang operasyon ng kaniyang kapatid. Pero paano kung madarang siya? Paano kung magustuhan niya ang ginagawa? Paano kung... maging pangahas siyang hawakan ang binata at tawirin ang espasyo na naghihiwalay sa kanila? Ang kaniyang ka-inosentehan kapalit ng malaking halagang hindi niya matatanggihan. Puri, dangal at yamang itinataglay ay iaalay ba sa lalaking ni hindi siya man lamang magawang hawakan nang hindi nakasuot ng gwantes?
Romance
107.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Nagdanas ng malalim na sakit si Athena nang malaman ang pagtataksil ng kanyang boyfriend at stepsister. Ibinigay niya ang buong pag-ibig niya sa lalaki at ang buong pag-unawa niya sa kanyang stepsister, ngunit sinaktan pa rin siya ng mga ito. Dahil doon ay lumapit siya kay Euwenn, na gusto ng kanyang stepsister na pakasalan. Si Euwenn Cervantes ay apo ng founder ng Prime Global. Matalino, guwapo, at kilala bilang matagumpay na batang negosyante. Nais ni Athena na pumasok sa isang kontrata para pakasalan si Euwenn, at buong kasiyahan naman itong tinanggap ni Euwenn. Ngunit nais ng lalaki na ang kontrata ay maging isang tunay na kasal.
Romance
3.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Mahirap Balikan ang Kahapon

Mahirap Balikan ang Kahapon

"Maghiwalay na tayo, Dwayne.." nakikiusap ang aking tono sa aking asawa. Pagud na pagod ang puso, isipan at katawan ko sa buhay pag aasawang meron ako. Inaalila lang ako ng pamilya niya, at siya naman ay binabalewala lang ako.. Ayoko na talaga! "Sinong may sabi sayong maghihiwalay tayo? LJ, tandaan mo, ikaw ang humiling nito sa akin, ibinibigay ko lang ang gusto mo. Ayaw mo na? magdusa ka habang buhay!" iyon lang ang sinabi ni Dwayne, bago niya ako tuluyang iwanan sa bahay.
Romance
101.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Revenge of the Billionaire

Revenge of the Billionaire

Si Evren Morales, mabait at masipag, ngunit dahil sa kahirapan, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nagtrabaho siya para kumita ng pera at para na rin sa kaniyang ina. Ngunit pinagbintangan siya sa kasalanang 'di naman niya ginawa. Habang nasa kulungan nakilala niya ang isang matandang lalaki, nalaman nito na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, kaya tinulungan at tinuruan siya nito. Dumating ang araw ng paglaya nito, kaya nangako ito kay Evren na tutulungan nito ang binata na makalaya. Isang buwan ang nakalipas, tulad ng pangako ng matanda tinulungan nito si Evren na makalaya, gamit ang pera at sa tulong ng mga matataas na kakilala nito. Sa tulong ni Don Ronaldo, malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Evren, siya'y naging makisig, guwapo at may pinag-aralan. Upang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng dating amo, muli itong pina-imbestigahan ng binata. Doon niya nalaman na planado ang kaniyang pagkakakulong at laking gulat niya ng malaman kung sino ang may pakana. Kaya naman nais niyang maghiganti, sa tulong ni Don Ronaldo, ibinigay sa kaniya ang isa sa mga negosyo nito. Pinalitan din niya ang kaniyang pangalan at ipinaiilala sa publiko bilang si Calvin Del Fierro. CEO nang isang sikat na magazine, ang CDF magazines. Ngunit paano niya gagawin ang balak kung ang asawa ng tao na kaniyang paghihigantihan ay asawa na ng dati niyang kasintahan. Magawa ba niyang maghiganti, kung malalaman niya na mahal pa rin siya nito?
Romance
6.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)

Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)

'Yong feeling na ipinagkasundo ka na palang ipakasal sa taong kinamumuhian mo. Sa isang taong makita mo pa lang ang mukha umiinit na ang ulo mo. 'Yong taong hindi mo makasundo. Ni sa hinagap 'di mo man lang pinangarap na makasama habambuhay. Lust or love at first sight? 'Yong feeling na makakita ka ng isang Adonis na nakatapis lamang ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan nito. Sa 'di mo inaasahan na lugar at pagkakataon. 'Yong tipong tumakas ka sa kanilang lahat pero napadpad ka naman sa isang lugar na mas ikakapahamak mo. Magpapadilim ng kapalaran mo. Lugar kung saan naisuko mo ang pinakaiingatan mo. Sa lalaking 'di mo lubos kilala ang pagkatao at ayaw mo. Sa isang lalaking hinusgahan kaagad ang pagkatao mo. Ano ang gagawin mo kung sa paglipas ng mga araw na nakakasama mo s'ya sa iisang bubong ay unti-unting nahuhulog ang loob mo sa kanya? At pa'no kung kailan hulog na hulog ka na. Ibinigay mo na ang lahat na meron ka sa kanya. Wala ka nang tinira pa para sa sarili mo. Saka naman isa-isang nagsipagsulputan ang mga babae n'ya. Tatanggapin mo ba ang pagsusumamo n'ya sa'yo? Mga pangakong magbabago s'ya para sayo? Maniniwala ka bang magbabago ang isang certified playboy dahil sayo? Ano ang gagawin mo kung isang araw malalaman mong nakabuntis ng ibang babae ang lalaking mahal na mahal mo na? Ang lalaking inakala mong s'ya na ang "THE ONE" mo. Mapapatawad mo pa ba s'ya or tatakas kang muli?
Romance
109.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
I Had A One Night Stand With My Hot Boss

I Had A One Night Stand With My Hot Boss

@ningning
Palaging nagkakaro’n ng weird na panaginip si Thea Amarrile, dahil halos araw-araw n’yang napapaginipan na nakikipag sex s’ya sa lalaking hindi n’ya naman kilala, ngunit ang pinagtataka n’ya ay kapag nagigising s’ya ay naaalala n’ya parin bawat detalye ng panaginip n’ya. Hanggang isang araw, bigla na lang sumulpot ‘yong lalaking palagi n’yang napapaginipan sa pinag tatrabahohan n’ya and later on, nalaman n’ya na lang na ‘yong lalaking palagi n’yang napapaginipan ay s’yang magiging panandaliang boss n’ya.
Romance
1.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Mag-a-apply sana si Giselle bilang Domestic Helper sa Saudi Arabia. Pero pagdating niya sa Maynila, nadukutan siya, nawala ang mga papeles pati na rin ang perang inipon ng kanyang ama. Dahil insidenteng iyon, napadpad siya sa puder ni Raul Montoya—isang single dad na ubod ng gwapo, matipuno, at mayamang negosyante, ngunit ubod nga lang din ng sungit at palaging iritado. Magtatrabaho siya rito bilang nanny ng anak nito. Unang araw pa lang niya sa trabaho, naranasan na niya ang hagupit ng sama ng ugali nito. Tila ang init ng dugo nito sa kanya at mas lumala pa ito sa mga sumunod pang mga araw hanggang sa natuto siyang lumaban dito, dahilan para mas lalo itong magalit sa kanya. Ngunit hindi mapaalis-alis ni Raul si Giselle dahil napalapit na rito ang anak niya. Nagpatuloy ang bangayan ng dalawa hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan—isang makasalanang gabi ang nangyari sa kanilang dalawa. Isang gabing hindi nila malilimutan. Isang gabing nagparanas sa kanila ng kakaibang init at sarap. Ito na kaya ang maging hudyat ng tuluyang pagbabago ng relasyon nilang dalawa?
Romance
410 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Daddy Boss

My Daddy Boss

Pinagpalit si Lenie ng kanyang ex-boyfriend na si Dexter kaya naman humingi siya ng tulong sa kaibigang si Alice para lumipat ng trabaho at makapagsimula ulit ng bagong buhay. Pero, pati si Alice ay niloko rin siya dahil iniwan nito ang baby niya kay Lenie at umalis nang walang paalam. Para mabuhay niya si Javi ay nag-apply siya sa kumpanyang pinapasukan ni Alice noon. Nang matanggap naman ay di niya inakalang mamahalin siya ng kanyang boss na si Alexis Ramirez. Hindi nagtagal ay napamahal na rin siya rito. Kaya lang, may isang sikreto siyang hindi sinasabi kay Alexis. Bawal kasi ang empleyadong may anak sa kumpanya ni Alexis. Hindi alam ni Lenie kung paano ipapaliwanag sa kanyang boss ang kanyang sitwsyon. Habang iniisip kung paano ang kanyang magiging solusyon sa problema ay bigla namang bumalik ang kanyang dating kaibigan na si Alice para bawiin ang anak. Dahil ilang taon na rin niyang nakasama si Javi ay sobrang nahirapan siyang isauli ang bata sa tunay nitong ina. Para hindi malayo kay Javi ay humingi na ng tulong si Lenie kay Alexis. Ang hindi alam noong dalawa na sa simpleng pagtulong ni Alexis ay sobra palang dami ang mababago sa relasyon at buhay nila.
Romance
1011.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4142434445
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status