Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hidden Mafia Don

Hidden Mafia Don

Docky
"Knowing my real identity means DEATH." - Mafia Don Daven Verrano Costello **** Mahigit pitong taong naging consigliere ng Mafia Don sa bansang Italy si Daven Costello. Siya rin ang misteryosong CEO ng Philippines Bank Corporation (PBC) na may paid-in capital na 20 Billion Pesos. Nang mamatay ang boss ng kanilang mob ay nahirang siya bilang bagong pinuno. He's protective when it comes to his family's safety so he decided to keep it a secret. Ang akala ng marami ay isa lamang siyang hamak na secretary sa sarili niyang kompanya. Elera Luciano - ang nakamaskarang lider ng Asian Assasins at nagtatrabaho bilang General Manager sa PBC. Pinasok niya ang magulong mundo ng mafia para hanapin at pagbayarin ang taong pumaslang sa kaniyang tunay na ina. Dahil sa kalasingan, kalituhan at kapusukan, nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nina Daven at Elera. It was indeed a marriage before love set up dahil kapwa infatuation lang naman ang nararamdaman nila sa isa't isa bago pa may mangyari sa kanila. Nang magpakasal ang dalawa, naranasan ni Daven kung paano maliitin at ituring na parang basura ng kaniyang mga biyenan. Inalipusta, inapak-apakan at inalila. Maging si Elera ay itinuring na isang malaking kahihiyan ng kaniyang mga magulang. Hanggang isang araw, hindi na natiis ni Daven ang lahat. Nagimbal ang mundo ng angkan ng Luciano nang malaman nila ang tunay na katauhan ni Daven.
Romance
107.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Second Wife's Dilemma

The Second Wife's Dilemma

“Patayin mo ang baby niya, Alexa!” Puno ng muhi na utos ng biyenan. “Either it’s you or her. “Either it’s your baby or hers!” “Malupit ang mundo, minsan kailangan mo lunurin sa putikan ang tao na pilit nagnanakaw ng kaligayahan mo!” * Every woman wished for a fairy tale, for a knight in shining armor, for a prince charming. Si Alexa, isang inosenteng titser mula sa simple pero edukadong pamilya ng mga titser. She is the second wife of Sebastian Dior, a prince of a business empire from a prominent family in the country. Perpekto ang buhay niya— ito ang akala ng lahat.
Romance
103.6K viewsOngoing
Show Reviews (3)
Read
Add to library
Mr. D
Super duper favorit chapters ko 4 & 7 & 9. Tingin ko inlove nko kay Gavin parang angwapo mas gwapo pa kay Sebastian hehe ... W8 ko c8 sana maaus na probs keep writing & updating author & ill keep gifting .........
Gabriel Li
Finally, malapit na bumalik sa city ang ating mag-asawa, at sa pagbabalik nila, asahan ang mas maraming intense at heartbreaking scenes. So, sa mga readers who are currently reading the island scenes, enjoy it while it lasts. I guess that is enough rest to prepare your heart for heartbreak. Thanks.
Read All Reviews
The CEO's Bargain Bride

The CEO's Bargain Bride

Sa mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan, ang kasal ay hindi palaging tungkol sa pag-ibig. Minsan, isa lang itong kasunduan. Solen Mira Callisto, isang occupational nurse sa Monteverde Lines Inc., ay biglang nabaon sa utang matapos pumanaw ang kanyang ama. Dalawang milyong piso—isang halagang hindi niya kayang bayaran sa loob ng tatlong linggo. Sa gitna ng kanyang desperasyon, dumating ang isang hindi inaasahang alok mula kay Leonidas “Leon” Monteverde, ang matikas pero mailap na COO ng Monteverde Lines. Bilang susunod na tagapagmana ng kanilang shipping empire, may isang kondisyon bago niya makuha ang kumpanyang matagal nang itinakda para sa kanya. Kailangan niyang magpakasal. Isang kasunduan ang nabuo. Isang taon ng pagpapanggap bilang mag-asawa. Walang damdamin, walang komplikasyon. Para kay Leon, ito ay isang kasunduan lang. Para kay Solen, ito ang kanyang tanging paraan para mabawi ang lahat ng nawala sa kanya. Dapat ay simple lang, pero bakit parang hindi lang basta umaarte si Leon? He’s too convincing and too protective. Sa tuwing tatawagin siyang "asawa ko" sa harap ng iba, hindi niya alam kung dapat ba siyang mataranta o kiligin. Unti-unti, nagiging malabo ang linya sa pagitan ng kasunduan at katotohanan. Sa mundo ng kapangyarihan at intriga, paano kung ang isang relasyong nagsimula sa papel… ay mauwi sa isang bagay na totoo?
Romance
10519 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Sa isang mundo kung saan ang pag-ibig ay tila isang laro ng kapangyarihan at pangangailangan, nagkrus ang landas nina Isla Montemayor at Liam Callisto-dalawang taong magkaiba ng mundo pero parehong desperado sa isang bagay. Si Isla, isang matapang at determinadong babae, ay kailangang iligtas ang kanilang naluluging negosyo at ang nag-iisang pamilya niyang natitira—ang kapatid niyang si Lucas na may malubhang sakit. Samantalang si Liam, isang malamig at istriktong CEO, ay nangangailangan ng isang huwad na asawa upang mapanatili ang kanyang posisyon sa Callisto Group at hindi ito mapasakamay ng kanyang tusong madrasta. Dahil sa desperasyon, isang kasunduang kasal ang nagbuklod sa kanila—isang kasunduan na dapat ay walang halong damdamin. Ngunit paano kung ang larong ito ng pagpapanggap ay unti-unting maging totoo? Paano kung sa kabila ng kanilang matinding away, pagkakaiba, at mga lihim, ay matutunan nilang umibig sa isa't isa? Sa gitna ng pagsubok, pagtataksil, at mga hindi inaasahang rebelasyon, matutuklasan nina Isla at Liam na ang tunay na pag-ibig ay hindi isang kasunduan—ito ay isang bagay na lalampas sa kahit anong kontrata. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang talunin ang lahat ng balakid? Isang kwento ng pag-ibig na hindi lang tungkol sa isang kasunduan, kundi sa pagpili ng pagmamahal kahit gaano kahirap. Dahil sa huli, kahit anong pagsubok, ang tunay na pag-ibig ang magtatagumpay.
Romance
10388 viewsOngoing
Read
Add to library
In the Shadow of Power

In the Shadow of Power

In the Shadow of Power 💼 Romance / Corporate Drama / Mature (18+) Ayaw naman talaga ni Cassandra Vale na maging CEO ng Vale Industries—pero nung biglaang nawala ang kanyang ama, wala siyang choice kundi akuin ang responsibilidad. Bata pa siya, matalino, pero baguhan sa mundo ng business empires. At ngayon, kailangan niyang harapin ang board na duda sa kanya, ang media na laging may masasabi, at ang mga kalabang handang agawin ang trono niya. Doon bumalik si Damien Kade. Ang lalaking tinawag ng lahat na traydor. Dating top executive ng kalabang kumpanya, sinisisi siya sa halos ikalugmok ng negosyo ng pamilya ni Cassandra. Tahimik, mapanganib, at may karismang mahirap tanggihan—siya ang huling taong dapat pagkatiwalaan ni Cassandra. Pero sa desperasyon niyang maisalba ang Vale Industries, pinili niyang ibalik si Damien. Lihim, laban sa kagustuhan ng board at ng buong mundo. Habang magkasama silang lumalaban sa corporate wars—sa mga lihim na kasunduan, mga banta ng takeover, at mga panganib na di nakikita—unti-unting humihigpit ang tensyon sa pagitan nila. Ang inakala niyang laro ng kapangyarihan at survival, naging apoy na mahirap nang patayin. At habang lumalalim ang nararamdaman nila para sa isa’t isa, mas lalo silang napapalapit sa bangin ng pagkawasak. Pero sa mundo kung saan nabibili ang loyalty at ang pagtataksil ay parang business deal lang—paano malalaman ni Cassandra kung alin si Damien: ang taong magliligtas sa imperyo niya... o ang magpapabagsak nito?
Romance
355 viewsOngoing
Read
Add to library
SILVESTRE SERIES#1: VENA SILVESTRE

SILVESTRE SERIES#1: VENA SILVESTRE

Andrei Samaniego is Vena's man of her dreams. Good looking and talented man with a brilliant mind. But the thing is, he doesn't even give a damn with her beauty. It doesn't affect him. Pero as a Silvestre's unica hija ay lumaki siyang spoiled at nakukuha lahat ng gusto niya so hindi siya sumuko. Ginawa niya ang lahat para magpapansin dito at ang malala pa ay nagtapat siya rito sa madaming tao kung saan ay tinanggihan siya nito ngunit hindi siya sumuko. Araw- araw niya pa rin itong pinupuntahan at nagpapansin rito at umaasa na isang araw ay magustuhan na siya nito ngunit gumuho ang mundo niya ng bigla na lamang niyang nalaman na ikakasal na pala ito na dahilan para magpaguho ng mundo niya. She left without a word, umaasa na sa kaniyang paglayo ay makakalimutan na niya ito. Subalit, sadyang mapaglaro ang tadhana at isang linggo lamang pagkatapos niyang umalis ay ipinatawag siyang muli ng kaniyang ama dahil ang kasal daw nila ni Andrei ay nakatakda na. Ito kaya ang magiging simula ng pagiging maligaya niya o magiging mithi lamang ito para masaktan pa siya lalo ng sobra?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Secret Romance

My Secret Romance

Paano kung may makilala kang tao na lahat ng ayaw mong ugali ay nasa kaniya? Isang taong papahirapan at guguluhin ang mundo mo. Meet Zoe Yaffeh Madrigal--- ang babaeng may pagka-boyish at head over heels sa bestfriend niyang lalaki. Isang babae na lahat ng gugustuhin ay makukuha niya, pero maliban sa isa. Meet Dylan Rodriguez--- ang tahimik, matalino, mayaman, guwapo at masasabi mong Perfect Guy. Ang bestfriend ni Zoe. Dalawang magkaibigan na magka-iba ang ugali. Nagkalayo dahil sa isang maling pangyayari, pero magsasama muli dahil sa isang kasunduan. "Bibigyan kita ng sariling anak, pero lahat ng atensyon mo na para sa mahal mo ay dapat nasa akin," nakangising sabi ni Zoe. Nag-aalinlangan man si Dylan ay tumango pa rin siya. "Deal!" sagot ng binata. One Deal! One Secret! Isang sekretong magpapabago ng mga mundo nila. Isang sekretong may kapalit. Pero paano kung maging malapit sila sa isa't isa at tuluyan nang mauwi sa love? Are they going to prove that total opposite attracts? O maghihiwalay din sila in the end? "He is my secret. My beautiful little secret," nakangiting sabi ni Zoe sa kaniyang sarili habang nakatingin sa papalayong si Dylan.
Romance
105.5K viewsCompleted
Read
Add to library
SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|

SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|

[MATURE CONTENT] Not suitable for young audience. R-18 Lumaking sunod sa luho si Adrianne Cueva. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Pero paano kung malaman niya na ang lahat ng tinatamasa niya pala ay hindi naman pala sa kaniya at sa mga magulang niya? Kundi sa isang taong hindi niya pa nakikilala. At sa pagtungtong niya ng labing-walong taon ay isang rebelasyon ang nagpaguho ng mundo niya. She was sold to be a billionare's wife. Siya ay bayad ng utang ng kaniyang mga magulang. Pero paano siya ngayon dahil tila wala itong balak na gawin siyang asawa, instead she will be a SLAVE, but not only an ordinary slave but His SEX SLAVE.
Romance
10370.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10309 viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
109.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1617181920
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status