Tears of the Wife
Ang masayang buhay ni Janess kasama ang kanyang asawang si Nathan ay nawasak simula nang maglagay ng bomba ang kanyang kakambal at pinasabog ang mall kung saan naroon ang kanilang anak. Araw-araw, si Janess ay nagdurusa sa pagkamatay ng kanilang anak at mas lalo pang lumala nang bumalik ang kanyang kambal na si Janelle makalipas ang dalawang taon at sinabing mayroon silang anak ni Nathan.
Ang luha ni Janess ay tulad ng tubig sa ilog na walang katapusan sa agos at mas lalo pang bumuhos ang luha nito nang malaman ni Nathan at sinabi niya sa kanyang asawa na ang sinasabing anak ni Janelle ay ang kanilang Anak. Luha ng saya ika nga nila.
Ngunit ang kasamaan ni Janelle, ang kakambal ni Janess ay kagagawan lamang pala ng sariling anak ng mga taong umampon sa kanila, ang taong itinuring nilang tunay na kapatid ngunit kinamumuhian sila dahil sa matinding inggit at kawalan ng pansin mula sa kanyang sariling mga Magulang .
Ngunit ang lahat ng kasamaan ay may katapusan at ang lahat ay maibabalik sa tamang lugar.
Nabilanggo si Justin ngunit nagawa niyang magbago sa loob ng kulungan, siya ay naging mas mabuting tao at mabuting kapatid sa kanilang magkambal ngunit hindi nagtagal ay nagkasakit ito at agad na namatay.
Ang kambal ni Janess na si Janelle sy dinala sa mental hospital. Tumagal ng maraming taon bago siya gumaling at nakalabas. Sa kanyang bagong buhay ay nahanap niya ang totoong pagmamahal mula sa lalaking minsan ng minahal ang kanyang kakambal.
Sina Janess at Nathan ay namuhay nang masaya kasama ang kanilang dalawang anak pagkatapos ng maraming taon na pakikibaka sa kanilang buhay pag-aasawa.
11.1K viewsOngoing