Lahid
Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
106.6K viewsOngoing