Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Her Twin's Revenge

Her Twin's Revenge

Maagang namatay ang mga magulang ng kambal na si Karina at Katherine dahil sa isang aksidente. Kaya naging sandalan nila ang isa't-isa sa hirap at ginhawa. Ngunit dahil sa kakulangan sa financial ay mas pinili ni Karina na subukan ang swerte sa ibang bansa. At tinulungan niyang makatapos si Katherine. Kaya nakapagtapos ito ng kolehiyo at nagtrabaho sa Alvarez corporation bilang secretary ng CEO na si Sergio Alvarez. Ngunit nakatangap si Karina ng masamang balita mula sa kaibigan ng kanyang kakambal. Wala na daw ito at kinitil ang sariling buhay. Kaagad na umuwi ng bansa si Karina. At ganun na lamang ang paghihinagpis niya nang maabutan ang malamig na bangkay ni Katherine. Nang makita niya ang phone ni Katherine ay natuklasan niya ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ng kanyang kapatid ang magpakamatay. Dahil sa labis na galit ay isinumpa niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging dahilan ng pagpapakamatay ni Katherine at isa na dito si Sergio Alvarez na kakakasal lamang kay Catalina. Ano ang kahihitnatnan ng paghihiganti at pagpapangap ni Karina bilang si Katherine? Upang makapaghiganti sa lalaking lumoko sa kanyang kakambal? Paano kung imbis na paghihiganti ay pag-ibig ang kanyang matagpuan sa piling nito?
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Glimpse of Loving You

Glimpse of Loving You

sachtych
Siya si Kellissa Elarque. Labing walong taong gulang na estudyante na nag-aaral ng kursong Business Administration sa isang unibersidad. Scholar na Bayan. Breadwinner ng kanyang pamilya. Bukod sa pagiging isang matalinong estudyante, marami ang nabibighani sa taglay niyang ganda sa kabila ng laging suot nitong may kalakihan na puting t-shirt at leggings na pinaresan ng lumang itim na rubber shoes. Binansagan pa ang dalaga bilang "Beauty and Brains" ng kanilang department. Tahimik lamang itong estudyante at tila ba walang pakielam sa paligid. Ngunit nagbago ang lahat sa takbo ng buhay niya simula nang buksan niya ang kanyang puso sa isang Cayden Guerrero. Ang isang sikat na basketball player na tinaguriang "King of Court." Isang binata na epitome ng "Tall, dark and handsome". Na para bang isang ngiti lang niya ay kaya nitong patibukin ang puso ng kahit sino man. Tama nga ba ang naging desisyon niya na bigyan ng pagkakataon ang binata o magiging sanhi lamang ng pagguho ng mundo niya?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Don't Fall for Me

Don't Fall for Me

Upang matakasan ang isang arrange marriage, ginawa ni Zea ang lahat para lamang hindi maipakasal sa taong ni sa hinagap ay hindi niya nakilala at mas lalong hindi niya mahal. Nang magawang makatakas ay nag tungo siya sa hindi pamilyar na lugar na sa tingin niya ay hindi siya mahahanap ng kanyang lolo. Natagpuan niya ang isang napakalaking gate kung saan sa malayuan ay ang mala-haciendang tahanan. Dala ng kakuryosohan ay sinubukan niyang pumasok at lumibot sa lugar na pinagsisihan niya dahil sa lalaking walang habas na hinila siya papasok ng hacienda at basta na lamang siyang ginawang katulong. Dahil walang sapat na pera at bahay na matitirhan ay wala siyang magagawa kung hindi sapilitang tanggapin ang naging kapalaran. Ang dating magarang buhay niya ay magbabago. Ayos lang kung ang kapalit naman nito ay makatakas siya sa bagay na ayaw niya. Akala niya ay nagawa na niyang makatakas kahit pansamantala ngunit hindi naman niya inakala na yun pa pala ang maglalapit sa kanya sa isang bagay na pilit niyang iniiwasan.
Romance
9.918.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Wife

The Wife

Isa lang naman ang hiling ni Alana at 'yon ay mahalin din siya ng lalaking kaniyang minahal noon pa man at iyon ay si Knight. Hiniling niya sa kaniyang mga magulang na maikasal siya sa binata na sa huli naman ay naisakatuparan din. Ngunit ang akala niya na matututunan din siyang mahalin ay hindi pala bagkus naging bangungot ito na malayo sa kaniyang pinangarap. Matitiis niya ba ang ilang taon ang knailang pagsasama kung gayon ay ni hindi naman siya itinuturing bilang asawa at kahit na pagkababae niya ay dinudurakan na? O sa huli ay makikita niya ang kaniyang kahalagahan dahil sa isang tao na hindi niya aakalaing tutulong at aahon sa kaniya na kalaunan ay nakita na lamang niya ang sarili na nasa bisig nito. Tama nga ba ang kaniyang naging desisyon o kailangan niya lamang na bigyan ulit ng isa pang pagkakataon si Knight? Sino nga ba sa dalawa ang pipiliin niya sa huli? Pinagtagpo nga lang ba talaga at hindi itinadhana?
Romance
1021.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
FORNICATION: Life between s*x and death

FORNICATION: Life between s*x and death

Bunso sa magkapatid si Carmelita. Madali sana ang buhay niya dahil nakapagtapos na ng pag-aaral sila at tanggap na ang kanilang pamilya sa kanyang lolo at lola, pero habang na sa sinapupunan palang si Carmelita may marka na ng isang sumpa ang kanyang pagkatao. Sa edad na labing-walo tatalab ang sumpa. Sumpa na makakabago ng paningin ng ibang tao sa kanya at ang kanyang paningin sa sarili. "Carmelita, Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin? Do I look that desperate for a child?"
Romance
5.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Pagganap Bilang Bilyonaryo

Pagganap Bilang Bilyonaryo

“Shush, maririnig ka niya. Itinago ng kanyang huling nobyo ang katotohanan na siya ay may asawa. Malinaw na gusto niyang tiyakin na hindi ako." Sinubukan ni Liam na mag-concentrate sa monitor, ngunit patuloy niyang hinihintay si Lorelei na pumasok at hiniling na malaman kung sino siya at kung ano ang kanyang ginagawa. Ang kanyang tiyan ay parang nakalunok ng isang supot ng mga bato.
Urban
1.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Monster Inside My Mind (Tagalog)

The Monster Inside My Mind (Tagalog)

HeartShamia
Paano kung malaman ni Ralfh na ang taong mahal niya ay ang matagal na niyang hinahanap? Matatanggap pa kaya niya si shannie? Ipapakulong ba niya ito?or hahayaan niya na lamang ito? Ngunit ang nais niya mabigyan ng hustisya ang kanyang ina na matagal na niyang hinahangad. Anu ang dapat gawin ni Shannie upang maiwasan ang paggawa ng mga bagay na ayaw niyang gawin?
Mystery/Thriller
108.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
UNDESIRED

UNDESIRED

Once upon a time in a promiscuous beach resort which has a prude and nude side called Hydrus Haven, there was a fortress owned by a mysterious woman named Sheeva Mae Corporal. She's known for her old-fashioned black temple dress na mukha at kamay lamang niya ang nakikita. Her behavior and super conservative outfit were utterly out of place against the backdrop of the said haven for n*dists. The fortress and its owner alone had been a pain in the ass of the Turkish-Filipino owner of Hydrus Haven. Walang makapagsasabi kung ano ang tunay na misteryong bumabalot sa kakatwang tahanan na iyon ng dalaga. Fck whatever those goddamn mysteries na kinakanlung ng beach house na iyon! Basta ang natatanging layunin lamang ni Hydrus Horizon Hugo ay ang magiba ang bahay na iyon na sakop pa ng property na kanyang nabili. Subalit ang lagay ay dadanak daw muna ang dugo ng dalaga bago magtagumpay si Hydrus na maipagiba ang tahanan niya. Paano siya magtatagumpay na ipagiba ang bahay na iyon kung sa bawat impormasiyon na nakukuha niya tungkol sa misteryosong babae ay siya ring unti-unting paglambot ng puso niya? Would he be able to undesired the mysterious woman incessantly or would he forbid himself from adoring the exciting wonders his heart feels for her?
Romance
9.86.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Yaya Lingling and the Billionaire's twin

Yaya Lingling and the Billionaire's twin

Lumaki si Lingling na buhay prinsesa sa kanilang probinsya. Ngunit dahil sa nangyari sa kanya ay lumuwas siya ng siyudad para doon na muna manirahan. At dahil gipit sa pera kaya naisip niya na maghanap ng trabaho, humingi ng sign at hindi nagtagal ay may naghahanap na nang trabaho bilang isang private nurse ngunit hindi niya na ito tinanggap dahil nalaman niya na mas matanda pa sa kanya ang aalagaan niya at kulang ang kanyang kaalaman sa pagiging nurse. Hanggang sa may kaibigan ang kanyang ina na naghahanap din na gustong pumasok ng trabaho pero bilang isang Yaya kaya sa dalawang pagpipilian niya na trabaho ay pinili niya ang magiging taga-bantay. Ngunit nagulat si Lingling pagkarating sa bahay kung saan siya magtatrabaho na kung sino ang magiging amo niya. Magawa niya pa kayang tumakas gayong may kasalan siya rito? Ano kaya ang magiging kapalaran niya sa dalawang makulit na anak ng kanyang bilyonaryong amo? Paano kung may kahilingan ang mga anak ng bilyonaryo kay Lingling, kaya niya bang panindigan kung unti-unti ay napapamahal na ito sa kanya?
Romance
1053.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
You Are The Reason (Tagalog)

You Are The Reason (Tagalog)

Si Katherine Grace Yuzon isang kilalang writer sa Pilipinas at tagapagmana ng kanyang lolo na ai Rodelio Yuzon, na naghahangad lamang ng simpleng pamumuhay. Masayahin, matalino, matapang na babae at mabuting kaibigan si Katherine subalit may katigasan ng ulo kaya parating sermon inaabot sa kanyang lolo. Dahil sa kanyang katayuan sa buhay, nangananib ang kaligtasan ng dalaga kaya muling nag-hire si Mr. Yuzon ng bagong bodyguard na magaling, maprinsipyo at mapagkakatiwalaan na si Luke Gabriel Bustoz . Isa sa rason kung bakit nawalan na ng laya si Katherine sa mga nais niyang gawin. Mabuti naman nagkita muli sila ng kanyang college friend na si Denzel Haze Villarosa na isa namang recording artist na matagal nang may gusto sa dalaga. Gagawin niya ang lahat para mapunta sa kanya ang atensyon nito. Paano kung dumating ang panahon na susubok sa kanilang kakayahan at nararamdaman, kaya pa bang ipaglaban ang pag-ibig sa isa't isa? Pipiliin pa ba isaalang-alang ang mga bagay na mas mahalaga kaysa sa propesyon o kapwa igigiit na ipaglaban anuman ang maging patutunguhan nito?
Romance
287 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status