Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Sa edad na dalawampu, napilitang magpakasal si Lalaine sa kahilingan ng kanyang pinakamamahal na lola na malapit nang pumanaw. Hindi niya kilala ang napangasawa dahil inalok lang siya ni Lola Mathilde na pakasalan ang apo nito.
Hanggang sa nakuha ni Lalaine ang marriage certificate tatlong buwan pagkatapos niyang ikasal, nalaman niyang ang lalaking pinakasalan niya ay walang iba kundi si Knives Dawson—ang may-ari ng Dawson's Group of Companies at ang pinakamayamang negosyante sa Luzon.
Nalaman din niyang kinasusuklaman siya ni Knives at napilitan lang itong pakasalan siya dahil kay Lola Mathilde, kaya matapos nilang maikasal ay lumipad na ito patungong California at hindi na sila muling nagkita pa—sa madaling salita, kasal lang sila sa papel.
Makalipas ang isang taon ay napag-alaman ni Lalaine na nagbalik na si Knives Dawson mula California, kaya naman nagpasya siyang mag-file ng annulment dahil payapa na kanyang lola at wala nang dahilan para ipagpatuloy pa ang kasal.
Subalit isang pangyayari ang naglagay kay Lalaine sa alanganin—kailangan niya ng isang milyong piso para sa kanyang kapatid na nasa nursing home at kasalukuyang nasa comatose state. Dahil desperada na, lakas-loob na humingi ng tulong si Lalaine kay Knives Dawson.
Pumayag naman si Knives subalit kapalit ng isang milyong piso ay pipirma si Lalaine sa agreement, kung saan nakapaloob doon na magiging babae siya ni Knives at partner sa kama— na magtatapos lang sa oras na makahanap na siya ng ibang babae.
May mamagitan kayang pagmamahal sa dalawang tao na magkaiba ang paniniwala at antas sa buhay?
At ngayong nagising na ang first love ni Knives na si Gwyneth mula sa pagka-coma dulot ng isang aksidente, tuluyan na kayang matatapos ang kanilang agreement?
Ipaglalaban ba niya ang kanyang karapatan lalo pa't natuklasan niyang nagdadalang-tao siya? O magpaparaya dahil nakatakda ng magpakasal ang dalawa?
9.5153.2K viewsOngoing