Love Me Simply
Gulong-gulo ang isip niya. Hindi niya inaasahang sa isang iglap ay magbabago ang takbo ng buhay niya.
“Huwag kang mag-alala baby Elisha, mula ngayon ako na ang mag-aalaga sa’yo,” pumatak ang luha niya ng hindi niya namamalayan. Labis ang pagdaramhating kanyang nararamdaman. Wala na ang nanay niya, maging ang bunsong kapatid na si Troy at ang girlfriend nitong si Elizabeth Del Castillo.
Pupunta sana ang mga ito sa health center upang i-pacheck up ang tatlong buwang sanggol na noon ay mataas ang lagnat at kinukumbulsiyon. Sa di inaasahang pagkakataon ay nabalitaan na lamang niya ang masakit na pangayayri. Naaksidente ang sinasakyang dyip ng mga ito at tanging si Baby Elisha lamang ang nakaligtas. Handa siyang alagaan at ituring na tunay na anak ang pamangkin, hanggang dumating ang araw na gusto itong kunin ng mayamang pamilya ni Elizabeth.
Nagdadalawang isip siyang palakihin ito sa mga Del Castillo. Natatakot siyang makuha nito ang masamang ugali ng tiyuhin nitong si George Del Castillo... ngunit higit sa lahat, natatakot siyang mawalan ng dahilan upang magkita pa sila ng binata.
1.8K viewsOngoing