The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle
Akala ni Evan ay tama ang desisyon niyang pakasalan ang lalaking pinapangarap niya---hanggang sa ang desisyong iyon ay nauwi sa isang bangungot. Naipit siya sa isang loveless marriage, muntik makunan ng dinadalang sanggol, at sa huli’y nakulong pa ng limang taon. Hindi naman siya masamang tao, ngunit hindi niya alam kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay niya.
Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, dahil ang dinadala pala niya ay hindi kay Kenneth. Isang pagkakamaling hindi sperm cell ng asawa ang naiturok sa kaniya sa ospital. Dahil sa takot, inilayo niya ang anak kay Kenneth at iniwan ang pangangalaga nito sa isang kaibigan.
Paglaya ni Evan, nalaman niyang ang malamig at tahimik na tiyuhing si Kevin ay nagkaroon ng anak habang siya’y nasa kulungan. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang makaramdam ng kakaibang koneksyon sa bata.
Mas lalo siyang naguluhan nang hindi na niya mahanap ang kaibigang pinag-iwanan sa sariling anak.
"Ella, kapag nahanap mo ang file ng doktor na iyon para sa akin, I will divorce Kenneth immediately. Ang kailangan ko lang ay mahanap ang taong inaasam ko buong buhay ko sa kulungan, hindi ako narito para makipag-agawan sa'yo sa asawa ko."