Married to the Brokenhearted Billionaire
Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Eliana “Yana” Ledesma. Biglang namatay ang ama, at lahat ng ari-arian nila misteryosong napunta sa kanyang malupit na madrasta.
Pinalayas siya at ilang araw syang nagpalabuy-laboy sa kalsada. Isang gabi, muntik na siyang mapahamak… Mabuti na lang ay nailigtas siya ng isang estranghero.
Si Adrian Villaverde.
Siya ang kasalukuyang CEO ng Villaverde Group. Isang bilyonaryong laging nasa front page ng dyaryo. Hindi lang dahil sa galing niya sa negosyo kundi dahil sa misteryong bumabalot sa pagkawala ng dati niyang asawa na si Leira.
Habang nakikituloy si Yana sa puder ni Adrian, nagulat siya nang bigla itong nag-abot ng kontrata na kailangan nilang magpakasal.
Hindi kailangan magkaroon ng seremonya, sex, o kahit damdamin man lang. Sa papel lang talaga.
Pero habang tumatagal ang pananatili niya sa mansyon, mas dumarami ang tanong kaysa sagot:
Pinili ba sya ni Adrian pakasalan dahil kamukha niya ang ex-wife nito?
Ano ba talaga ang dahilan ng biglaan na pagkawala ni Leira?
At bakit sa bawat kilos ni Adrian, parang may pinipigilan itong sabihin?
Kasabay ng paglalapit ng loob nila ni Adrian, isang bagay ang hindi maikaila ni Yana… Mas dumadami ang mga tanong kaysa sagot.
Kailangan niyang maging mapagmatyag kung gusto niyang makasiguro na ang lalaking pakakasalan niya ay hindi isang halimaw na nagpapanggap lang.