Jonel Hernandez, simpleng pangalan ngunit astig ang kanyang taglay na kapangyarihan. Ipinamana ni Kitsune ang kanyang kakaibang abilidad, samantalang ibinigay naman ni Meiji ang kakaibang lakas. Siya si Jonel Hernandez, ang miyembro ng Ultra Gays Galaxy
view moreULTRA FOURTEEN[ Two Warriors Left ]"Mabuti naman at nakapag isip-isip ka na,"aniya at lumapit. "Pero hindi ako kadaling malinlang, isa kang hunghang!"sigaw niya kasabay nang paglitaw ng mga dambuhalang kadena sa likuran niya. Kinumpas niya ang kanyang kamay at dito'y mabilis na umatake ang mga kadena sa akin. Kaagad naman akong umiwas sa mga atake niya—panay ilag at alerto sa bawat kadenang bumubulusok papunta sa akin. Kahit na hinang-hina na ang aking katawan at patuloy ako sa paglundag at pag ilag upang iligtas ang aking sarili."Ganyan na lang ba ang gagawin mo? Sabagay, once a weakling will always be a weakling."mapanuya nitong wika at kinumpas pababa ang kanyang kamay dahilan para magbago ang galaw ng kanyang mga kadena."Hindi ako mahina, sadyang umiiwas lang ako dahil kahit na kalaban ka namin ay may natitira pa rin sa puso ko na awa at pagmamahal sa'yo, ate. Parte ka na ng pamilya–tayo nila Larry at Julian ay pamilya na. Alam ko rin
"May mga bagay talagang hindi dapat ungkatin pa, Julian."anito at naglakad papalapit, gumuhit ang ngisi sa labi ni ate Zai at biglang nag bago ang kulay ng kanyang mata. Nagningas ang kulay pula na para bang nagbabagang apoy kasabay ng pag-alog ng inaapakan naming lupa.Itinukod ko ang aking hawak na sniper sa lupa upang maging gabay at hindi mawalan ng balanse. Ilang sandali pa ay biglang nabitak ang lupa sa tapat ng aking magkabilang paa at mabilis na lumabas ang kulay itim na ugat at kumapit ito sa aking mga paa —mahigpit at tila may mga tinik na bumabaon sa balat ko!"Nililinlang mo lang kami hindi ikaw ang kapatid ko!"bulyaw ni Larry at saka pinulot ang tungkod nito sabay wasiwas sa hangin. "Hinding-hindi mo ako mapapaniwala."bulong ni Larry at dito'y agad hinampas si Zai sa kanyang mukha ngunit kaagad nakaiwas ang kalaban. Bukod pa rito, hinampas ni Larry ang tungkod sa lupa at agad din lang inangat ngunit sa pagkakataong ito sumabay sa pang-angat ang inaapa
ULTRA TWELVE—• START •—Alas cuatro ng hapon, Lunes. Nandito ako ngayon sa labas ng gate nakatanaw sa malawak na soccer field. Nandoon si Ian kasama ang mga barkada niya, nagkakatuwahan habang pinagaagawan ang bola gaya sa mga soccer player.Napabuntong hininga ako't nakaramdam ng panghihinayang. Sayang hindi ko na siya masisilayan pa, naisipan ko kasing tumigil muna sa pag-aaral dahil nalaman na ng lahat ang aking pagkakakilanlan noong nakasagupa ko si Redon. Pagkatapos ng labanan naming iyon ay 'di ko inaasahang dumugin ako ng mga tao, mabuti na lang at wala akong ka klase na nakakita sa akin.Samantala si Larry at Julian ay safe sila, ako lang ang hindi..."Sigurado ka talaga sa balak mo?"boses ni Julian mula sa likuran ko kaya't kaagad akong humarap sa kanya. Inalis ko ang hood ng suot kong jacket at binigyan siya ng mahigpit na yakap."Anong sabi ng adviser natin?"tanong ko."Hindi ka daw pwedeng basta-basta mag drop ou
ULTRA 11-•Ang itim na uwak•-Pagkatapos ang nangyaring insedente kahapon ay kaagad naming dinala si Larry dito sa Hospital. Nagtamo siya ng sugat sa kanyang balikat at nasunog ang kanyang balat. Walang malay at kaawa-awang nakahiga si Larry sa malambot na kama habang kami naman ni Julian ay nakaupo dito sa sopa katapat ng kanyang higaan (Larry)"Kasalanan ko, dapat bago pa man mangyari iyon ay sana ginamit ko 'yung baril ko para asintahin 'yung babaeng iyon."wika ni Julian at 'di mapakaling magpahaginit ng kanyang mga daliri.Umiling ako't tumingin sa kanya, "Hindi. Ako ang may kasalanan dahil sa una pa lang nasa tabi ko si Larry. Wala akong silbi! Hindi ko man lang nagamit ang kapangyarihan ng soro, palagi na lang ganito, ako na lang 'yung palaging sinasalba!""Tayong dalawa Jonel, tayo ang may kasalanan kung bakit napahamak si Larry. Mukhang tama nga ang nasaisip ko, hindi ko bagay maging isang super hero. Mahina ako, Jonel."wika ni Julian
ULTRA GAYS GALAXY REMAKE 2020Written by: iMarjayNariULTRA 10THE MEMBERKinuha ni Larry ang kanyang kape na nakalagay sa lamesita saka niya ito hinigop."Kailangan na nating mag-isip ng unang plano habang maaga pa. Huwag nating hayaan na sila ang mauna,"sabi ni Julian.Umayos ako ng pagkakaupo at humalukipkip, "May punto si Julian. Pero bago 'yun, kailangan ko munang mabuksan ang kapangyarihan ni Kitsune. Na sa'kin ang power of human sacrifice, wala akong laban sa kanila kung sakaling ako ang pakay nila,"tugon ko naman."Pakihinaan nga 'yang boses niyo bakla, alam niyo namang nandito tayo sa coffee shop, at baka may makarinig pa sa atin,"paninita sa 'min ni Larry kaya naman napatakip kami ng bibig ni Julian.Nilapit ko ang aking mukha kina Julian at Larry upang bumulong. "Tungkol nga pala sa mga sumalakay sa 'tin kahapon, kung hindi ako nagkakamali sila ang tinatawag na PUTA,"Bahagyang tumango si Lar
ULTRA GAYS GALAXYRemake 2020© iMarjayNariK. Amanashi (kaminari Amanashi)ULTRA NINE: P.U.T.A InvasionClassroom11:23 A.MMula dito sa aking upuan kung saan malapit ako dito sa bintana; tanaw ko ang naglalakihang gusali ng aming campus. Payapa ang kalawakan maging ang paligid, taglagas na pala at kapansin-pansin ang mga puno ng maple sa school ground; ang nagsisihulugan nitong mga dahon na pinaglumaan ng panahon.Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan at iwinaksi ang bumabagabag sa aking isipan. Hindi naman sa naghihinala ako sa ate ni Larry dahil imposibleng maka-akyat ito sa taas ng poste. "... Dahil nga may Research na kayo, ay nais kong bumuo kayo ng grupo. Maaaring tatluhan basta't huwag sumobra sa bilang. Siguro maximum of four ganon, ano ang gagawin? Simple lang naman. Magsaliksik kayo patungkol sa mga herbal o medicinal plants tapos gawin niyo itong product. Try out lang naman kaya okay lang na mabigo."nar
ULTRA GAYS GALAXYREMAKE 2020©iMarjayNari(Kaminari amanashi)ULTRA EIGHT: FAREWELLMakalipas ng tatlong araw ay medyo nahasa na ang aking stilo sa pakikipaglaban. Lumiksi ang aking galaw 'di gaya ng dati na natatapilok ako sa tuwing umiilag ako sa mga atake ni Meiji. Kaya ko na ding kontrolin ang ipinamalas ni Meiji na kapangyarihan; ang kapangyarihang mapanira na isang pitik lang ay kayang gibain ang isang gusali."Huwag mong pigilan ang kapangyarihan ni Kitsune, hayaan mong lamunin ka ng apoy niya!"sigaw ni Meiji na nasa itaas ng puno habang abala kami sa pag-eensayo."Duh! Ang init kaya buti naman sana kung hindi mainit noh!"sigaw ko palabalik saka 'ko in-atras ang aking kanang paa upang bumwelo. Huminga ako ng ma
Ultra Gays GalaxyRemake 2020© iMarjayNari(Kaminari amanashi)ULTRA SEVEN: Killing SpreeKinaumagahan, alas cinco ng madaling araw no'ng bumaba ako ng silid. Dahan-dahan at hindi ako gumawa ng kahit anong ingay habang palabas ng aming bahay. Pagdating ko palang dito sa tarangkahan ay bumungad na si Meiji mula sa labas habang nakaantabay sa upuang gawa sa bato.Madilim pa ang buong kalawakan at nakadungaw mula sa taas ang mga bituing kumikisap-kisap. Malamig ang simoy ng hangin na nagbibigay ng kaba sa'kin sa tuwing sumasagi sa'king isipan na magiging tagapagligtas ako ng mundo. Ito ang kakaibang nangyari sa buhay ko, ang magsanay ng kapangyarihan na kung saan hindi
ULTRA GAYS GALAXY REMAKE2020©iMarjayNariKaminari amanashiULTRA SIX: THE POWER OF USSABADO, mariin kong naririnig ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng aming bahay. May dala itong kakaibang kiliti sa aking tainga na tila tumataas ang aking balahibo at napapanatili nitong patulugin ang aking diwa. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa aking malambot na unan at damang-dama ng aking balat ang lamig na binubuga ng electric fan na nakatutok sa'kin.Bahagya kong binukas ang aking kaliwang talukap sa mata at nakita ko ang mga patak ng ulan sa bintana, na kung saan nasa kaliwang gilid ko lang. Tila pinaghalong asul at lila ang kulay ng kaulapan at kumikisapk
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments