ULTRA GAYS GALAXY
REMAKE 2020© kaminari amanashi
ULTRA TWO: Meteor Mash
"Wow siswang a! Kahit dito sa athletic field hindi mo pinalagpas 'yang practice ni Ian. Nakup! Huwag kang mahuhulog diyan kay Ian, alam mo kung bakit? Dahil multi-talented ang lolo mez! Wala kang laban siswang, sa honor list nga hindi ka makapasok, sa puso pa kaya ni Ian."wika ni Larra habang abala ito sa paglagay ng liptint sa bibig niya.
Umirap lang ako at pinanood si Ian na naglalaro ng Soccer kasama ang team mates niya, na bibilib ako sa tuwing sinisipa niya yung bola at pinatatalbog niya ito sa kanyang ulo. Mas lalo siyang nagiging gwapo kapag suot niya ang kanilang puting jersey, pakiwari ko kahit sa simpleng tingin lang sa kanya ay napupuna na niya ang araw ko."Huwag mo ngang sirain ang moment ni Jonel, remember sinamahan natin siya dito upang i-abot ang binili niyang tubig kay crush. Nakup! Sana nga mapansin na niya ang halaga ni Jonel bilang tagahanga, alam ko naman na hirap na si Jonel kakahabol sa lalaking iyan."wika naman ni Juliana.Umayos ako ng pagkakaupo dito sa stand at pinagmasdan ang tubig na binili ko para kay Ian, hindi ko alam bakit bigla akong nakaramdam ng boltahe sa aking puso, pakiramdam ko'y kinikilig ako sa tuwing iniisip kong ibibigay itong tubig sa kanya mamaya."Ayan na! Tinititigan na ni Jonel yung bote ng tubig. Tignan mo Juliana kung bubuka yung bibig ni Jonel baka lalagyan niya 'yan ng engkantasyon. Yeah, Jonel bring it on! Ibigay mo na lahat ng nalalaman mong pangga—"isang malakas na kitos sa ulo ang natanggap sa akin ni Larra dahilan para mapahawak ito sa kanyang ulo.
"Alam mo Larra ikaw lang yung maingay dito sa grand stand. Pwede bang itikom mo muna 'yang bibig mo dahil nakakairita ka na. Real talk, ikaw ang pinaka maingay sa ating tatlo. Gayahin mo kaya si Julian, tahimik at supportive bestfriend."sabi ko sabay irap kay Larra.
Dahil nga nasa likod ko si Julian ay tumagilid ng tingin si Larra upang tignan ito. Muling humarap si Larra sa akin at tinuro ang sarili niya. "Ako? Gagaya kay Julian? Kaya lang naman tahimik palagi si Julian dahil palagi siyang may nilalamon. Tignan mo kaya siya kumakain nanaman ng mamon hindi pa marunong magbigay."ani'to.
"Luh! Wala ka na doon tsaka bakit nadamay ako diyan nananahimik ako dito sa gilid."wika naman ni Julian habang ngumunguya.
Natawa ako, "Hindi naman masama kung gumaya ka kay Julian. Mabait naman siya at fluffy."sabi ko dahilan para sumimangot ito.
Habang sa ganoong posisyon ay nakarinig kami ng malakas na pito mula sa field. "Water break muna."narinig kong sabi ng coach nila, bigla akong nakaramdam ng kaba kaya naman pumikit muna ako ng mata at pumakawala ng isang buntong hininga
"No girlfriend since birth iyang si Ian. Balita ko lang, kaya goodluck sa'yo siswang."narinig kong sambit ni Julian kaya nilingon ko ito at binigyan ng ngiti.
"Salamat"
Ngumiti si Julian habang si Larra ay abala sa pagpolbo. Nakita kong umupo si Ian sa pinaka unahang stand kaya naman mabilis akong bumaba upang i-abot sa kanya ang tubig. Nang makarating ako dito sa likod niya ay napansin ko itong naka-decuatro habang abala sa pagpindot ng kanyang cellphone. Ngunit natigil ito sa pagpindot at biglang lumingon dahilan para makita niya ako.
Kusang ngumiti ang aking labi bagamat kinakabahan ako. "Hi-Hi tubig oh"bati ko sabay lahad ng tubig sa harap ni Ian, tinitigan niya muna ito at inangat ang tingin sa akin.
"Nice! Salamat inutusan ka ba ni Lee? Pakisabi salamat a."nakangiting wika nito sabay kuha ng tubig at dali-daling binuksan. Inangat pa niya ito bago ininom, sa bawat paglunok ni Ian ay gumagalaw ang kanyang lalagukan kung kaya't napapasabay ako sa paglunok. Para siyang model kung uminom, kitang-kita ko ang pag-agos ng kanyang pawis mula sa kanyang noo hanggang sa leeg nito. Napalunok nalang ako ng walang laway habang titig na titig ako sa kanya, tila nangangatog ang aking mga tuhod kung kaya't napa-upo nalang ako sa stand.
Ngumiti si Ian, "Palagi kitang napapansing nanonood dito sa Athletic field. Manood ka sa laban namin a. Suportahan mo kami, pakisabi nalang kay Lee salamat sa tubig."usal nito sabay lakad pabalik ng field.
"Te-Teka!"pagtawag ko dahilan upang lumingon ito. "Hindi si Lee ang nagpapabigay niyan at lalong hindi ko kilala si Lee, sa totoo lang ako mismo ang nagbigay sa'yo ng tubig na 'yan."sabi ko.
Ngumiti ito. "Salamat. Kilala ba kita?"tanong ni Ian.
Umiling-iling ako. "Hindi, pero ikaw, kilalang-kilala kita."sagot ko at umawang ang kanyang bibig tsaka tumango.
Muling gumawad si Ian ng matamis na ngiti. "Sige, mabuti kong ganon. Kita tayo mamayang uwian doon main gate."ani'to sabay lakad pabalik sa team mates niya.
"Luh, ako? Magkikita kami sa main gate?"Sigaw ko sa aking isipan habang nakatingin kay Ian. Agad akong lumingon kina Larra at Julian sa taas at parehas silang naka-thumbs up.
Ngumiti ako at tumayo. Pinagpag ko ang aking suot na slacks at sinimulang humakbang pataas ng stand, "Tignan niyo may pabagsak nanamang bulalakaw!"narinig kong sigaw ng isang estudyante mula sa field kaya nilingon ko ito at nakitingin sa taas. Halos malaglag ang aking panga noong makita kong pabagsak ang nagliliyab na bulalakaw mula sa himpapawid.
"Lahat ng estudyante dito sa field kailagan niyong umalis dito sa Athletic field sa lalo't madaling oras. Babagsak dito ang bulalakaw!"sigaw ng coach nila Ian. Nag panic ang lahat kung kaya't nag unahan silang tumakbo papasok ng gate.
Wala akong ibang marinig kundi sigawan dulot ng takot, maging ako ay nilukuban na ng kaba dahilan para hindi ko maigalaw ang aking mga paa. "Dito Jonel!"narinig kong sigaw ni Julian habang pilit na tumitingkayad at winawagayway pa ang kamay. Nandoon na pala sila sa baba.
"Kumilos ka!"sigaw ko sabay suntok ng aking binti at pilit na ginagalaw ito.
"Jonel bilisan mo!"
Muli akong tumingin sa mga kasama ko ngunit nawala na sila sa paligid dahil sa dami ng magaaral dito sa field. Halos lahat ay nagtutulakan at ang iba ay binabangga nalang ang kanilang nakakasalubong. Wala akong nagawa kundi makisabay hanggang sa may nakaapak ng paa ko dahilan para matisod ako at dumipa sa lupa.
"Jonel nasaan ka!"
"Wait nandito ako!"sigaw ko at babangon na sana ako nang biglang may umapak sa likod ko dahilan para muli akong sumubsob sa lupa. Patuloy ang pag-apak nila sa akin kung kaya't ramdam ko ang bigat nila at tila pinipiga ang aking dibdib at kalamnan sa tuwing naapakan ako.
"Tama na! Ang sakit na!"hiyaw ko ngunit tila wala silang naririnig. "Putangina niyo! Hindi ako basahan arrk!"halos tumirik ang mata ko dahil sa sakit, wala akong makita kundi mga paa.
"Tulungan niyo ako pakiusap!"piyok na sigaw ko at umagos ang luha sa aking mata, biglang nanlabo ang aking paningin hanggang sa naramdaman kong hinihila ang aking hininga. Unti-unting pumikit ang talukap ng aking mga mata at binalot ng kadiliman ang aking paligid. Mas lalong nagkagulo ang mga tao noong dumagundong ang malakas na warning alarm sa paligid.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong umuga ang lupang dinidipaan ko at sumabog ang nakakabinging tunog sa paligid.
Hanggang sa wala na akong matandaan pa...
itutuloy...
Ultra Gays GalaxyREMAKE 2020©kaminari_amanashiULTRA THREE: Unexpected VisitorNagising ako mula sa mahimbing kong pagtulog dahil sa mainit na sensasyon sa aking dibdib. Parang nanunuot ang init na wari'y pinapaso ito kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon at hinawakan ang aking dibdib. Napangiwi ako sa init kung kaya't sinandal ko ang aking likod sa ulunan ng kama. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at nilakbay ko ng tingin ang buong paligid, mula dito sa aking posisyon ay kapansin-pansin ang kulay puting pintura ng silid at sa gilid ng aking kama ay nakabukas ang bintana. Malayang dinuduyan ng hangin ang asul na kurtina dito sa loob at mariin kong naririnig ang sipol nito na may dalang kapayapaan sa aking kaibuturan.Nagitla ko noong biglan
ULTRA GAYS GALAXY2020 REMAKE©Kaminari amanashiULTRA FOUR: KitsuneIsang malakas na pagsabog ang umugong sa paligid kung kaya't napabalikwas ako ng bangon at bumilis ang tibok ng aking puso, na wari'y nakipaghabulan ako sa kabayo. Nilakbay ko ng tingin ang aking paligid at tila nandito ako sa walang hanggang gubat; madilim at puro nalantang puno ang na sa paligid.Hindi ko alam kung nasaang lugar ako napadpad sa aming bayan, kaya naman naisipan kong tumayo at hinanap ang daan pabalik ng aming bahay. Tumakbo ako ng walang humpay dito sa isang masukal na gubat habang tumutulo ang mga pawis sa aking noo.Tanging tunog ng tuyong dahon ang maririnig at mga kuliglig na nakakalat sa paligid. "Excuse me may tao ba dito?"sigaw ko ngunit eko lang a
ULTRA GAYS GALAXYREMAKE 2020©Kaminari amanashiiMarjayNariULTRA FIVE: Black and WhiteAlas dos ng hapon noong nagtungo kami nina Larry at Julian dito sa athletic field. Tulad ng aming inaasahan ay tirik ang araw na may dalang kaunting init sa aming balat. Naupo kami dito sa pinakadulong stand at pinagmasdan ang lawak ng athletic field, ngunit sa bandang gilid nito ay makikita ang malaking crater dulot ng bumagsak na bulalakaw. Bakante namin ngayon at dito ang kalimitan naming pinagtatambayan sa tuwing wala kaming guro sa classroom."Kailangan pa talagang lumayo ng classroom para lang sa isang panaginip na ibabahagi mo friend?"tanong ni
ULTRA GAYS GALAXY REMAKE2020©iMarjayNariKaminari amanashiULTRA SIX: THE POWER OF USSABADO, mariin kong naririnig ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng aming bahay. May dala itong kakaibang kiliti sa aking tainga na tila tumataas ang aking balahibo at napapanatili nitong patulugin ang aking diwa. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa aking malambot na unan at damang-dama ng aking balat ang lamig na binubuga ng electric fan na nakatutok sa'kin.Bahagya kong binukas ang aking kaliwang talukap sa mata at nakita ko ang mga patak ng ulan sa bintana, na kung saan nasa kaliwang gilid ko lang. Tila pinaghalong asul at lila ang kulay ng kaulapan at kumikisapk
Ultra Gays GalaxyRemake 2020© iMarjayNari(Kaminari amanashi)ULTRA SEVEN: Killing SpreeKinaumagahan, alas cinco ng madaling araw no'ng bumaba ako ng silid. Dahan-dahan at hindi ako gumawa ng kahit anong ingay habang palabas ng aming bahay. Pagdating ko palang dito sa tarangkahan ay bumungad na si Meiji mula sa labas habang nakaantabay sa upuang gawa sa bato.Madilim pa ang buong kalawakan at nakadungaw mula sa taas ang mga bituing kumikisap-kisap. Malamig ang simoy ng hangin na nagbibigay ng kaba sa'kin sa tuwing sumasagi sa'king isipan na magiging tagapagligtas ako ng mundo. Ito ang kakaibang nangyari sa buhay ko, ang magsanay ng kapangyarihan na kung saan hindi
ULTRA GAYS GALAXYREMAKE 2020©iMarjayNari(Kaminari amanashi)ULTRA EIGHT: FAREWELLMakalipas ng tatlong araw ay medyo nahasa na ang aking stilo sa pakikipaglaban. Lumiksi ang aking galaw 'di gaya ng dati na natatapilok ako sa tuwing umiilag ako sa mga atake ni Meiji. Kaya ko na ding kontrolin ang ipinamalas ni Meiji na kapangyarihan; ang kapangyarihang mapanira na isang pitik lang ay kayang gibain ang isang gusali."Huwag mong pigilan ang kapangyarihan ni Kitsune, hayaan mong lamunin ka ng apoy niya!"sigaw ni Meiji na nasa itaas ng puno habang abala kami sa pag-eensayo."Duh! Ang init kaya buti naman sana kung hindi mainit noh!"sigaw ko palabalik saka 'ko in-atras ang aking kanang paa upang bumwelo. Huminga ako ng ma
ULTRA GAYS GALAXYRemake 2020© iMarjayNariK. Amanashi (kaminari Amanashi)ULTRA NINE: P.U.T.A InvasionClassroom11:23 A.MMula dito sa aking upuan kung saan malapit ako dito sa bintana; tanaw ko ang naglalakihang gusali ng aming campus. Payapa ang kalawakan maging ang paligid, taglagas na pala at kapansin-pansin ang mga puno ng maple sa school ground; ang nagsisihulugan nitong mga dahon na pinaglumaan ng panahon.Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan at iwinaksi ang bumabagabag sa aking isipan. Hindi naman sa naghihinala ako sa ate ni Larry dahil imposibleng maka-akyat ito sa taas ng poste. "... Dahil nga may Research na kayo, ay nais kong bumuo kayo ng grupo. Maaaring tatluhan basta't huwag sumobra sa bilang. Siguro maximum of four ganon, ano ang gagawin? Simple lang naman. Magsaliksik kayo patungkol sa mga herbal o medicinal plants tapos gawin niyo itong product. Try out lang naman kaya okay lang na mabigo."nar
ULTRA GAYS GALAXY REMAKE 2020Written by: iMarjayNariULTRA 10THE MEMBERKinuha ni Larry ang kanyang kape na nakalagay sa lamesita saka niya ito hinigop."Kailangan na nating mag-isip ng unang plano habang maaga pa. Huwag nating hayaan na sila ang mauna,"sabi ni Julian.Umayos ako ng pagkakaupo at humalukipkip, "May punto si Julian. Pero bago 'yun, kailangan ko munang mabuksan ang kapangyarihan ni Kitsune. Na sa'kin ang power of human sacrifice, wala akong laban sa kanila kung sakaling ako ang pakay nila,"tugon ko naman."Pakihinaan nga 'yang boses niyo bakla, alam niyo namang nandito tayo sa coffee shop, at baka may makarinig pa sa atin,"paninita sa 'min ni Larry kaya naman napatakip kami ng bibig ni Julian.Nilapit ko ang aking mukha kina Julian at Larry upang bumulong. "Tungkol nga pala sa mga sumalakay sa 'tin kahapon, kung hindi ako nagkakamali sila ang tinatawag na PUTA,"Bahagyang tumango si Lar
ULTRA FOURTEEN[ Two Warriors Left ]"Mabuti naman at nakapag isip-isip ka na,"aniya at lumapit. "Pero hindi ako kadaling malinlang, isa kang hunghang!"sigaw niya kasabay nang paglitaw ng mga dambuhalang kadena sa likuran niya. Kinumpas niya ang kanyang kamay at dito'y mabilis na umatake ang mga kadena sa akin. Kaagad naman akong umiwas sa mga atake niya—panay ilag at alerto sa bawat kadenang bumubulusok papunta sa akin. Kahit na hinang-hina na ang aking katawan at patuloy ako sa paglundag at pag ilag upang iligtas ang aking sarili."Ganyan na lang ba ang gagawin mo? Sabagay, once a weakling will always be a weakling."mapanuya nitong wika at kinumpas pababa ang kanyang kamay dahilan para magbago ang galaw ng kanyang mga kadena."Hindi ako mahina, sadyang umiiwas lang ako dahil kahit na kalaban ka namin ay may natitira pa rin sa puso ko na awa at pagmamahal sa'yo, ate. Parte ka na ng pamilya–tayo nila Larry at Julian ay pamilya na. Alam ko rin
"May mga bagay talagang hindi dapat ungkatin pa, Julian."anito at naglakad papalapit, gumuhit ang ngisi sa labi ni ate Zai at biglang nag bago ang kulay ng kanyang mata. Nagningas ang kulay pula na para bang nagbabagang apoy kasabay ng pag-alog ng inaapakan naming lupa.Itinukod ko ang aking hawak na sniper sa lupa upang maging gabay at hindi mawalan ng balanse. Ilang sandali pa ay biglang nabitak ang lupa sa tapat ng aking magkabilang paa at mabilis na lumabas ang kulay itim na ugat at kumapit ito sa aking mga paa —mahigpit at tila may mga tinik na bumabaon sa balat ko!"Nililinlang mo lang kami hindi ikaw ang kapatid ko!"bulyaw ni Larry at saka pinulot ang tungkod nito sabay wasiwas sa hangin. "Hinding-hindi mo ako mapapaniwala."bulong ni Larry at dito'y agad hinampas si Zai sa kanyang mukha ngunit kaagad nakaiwas ang kalaban. Bukod pa rito, hinampas ni Larry ang tungkod sa lupa at agad din lang inangat ngunit sa pagkakataong ito sumabay sa pang-angat ang inaapa
ULTRA TWELVE—• START •—Alas cuatro ng hapon, Lunes. Nandito ako ngayon sa labas ng gate nakatanaw sa malawak na soccer field. Nandoon si Ian kasama ang mga barkada niya, nagkakatuwahan habang pinagaagawan ang bola gaya sa mga soccer player.Napabuntong hininga ako't nakaramdam ng panghihinayang. Sayang hindi ko na siya masisilayan pa, naisipan ko kasing tumigil muna sa pag-aaral dahil nalaman na ng lahat ang aking pagkakakilanlan noong nakasagupa ko si Redon. Pagkatapos ng labanan naming iyon ay 'di ko inaasahang dumugin ako ng mga tao, mabuti na lang at wala akong ka klase na nakakita sa akin.Samantala si Larry at Julian ay safe sila, ako lang ang hindi..."Sigurado ka talaga sa balak mo?"boses ni Julian mula sa likuran ko kaya't kaagad akong humarap sa kanya. Inalis ko ang hood ng suot kong jacket at binigyan siya ng mahigpit na yakap."Anong sabi ng adviser natin?"tanong ko."Hindi ka daw pwedeng basta-basta mag drop ou
ULTRA 11-•Ang itim na uwak•-Pagkatapos ang nangyaring insedente kahapon ay kaagad naming dinala si Larry dito sa Hospital. Nagtamo siya ng sugat sa kanyang balikat at nasunog ang kanyang balat. Walang malay at kaawa-awang nakahiga si Larry sa malambot na kama habang kami naman ni Julian ay nakaupo dito sa sopa katapat ng kanyang higaan (Larry)"Kasalanan ko, dapat bago pa man mangyari iyon ay sana ginamit ko 'yung baril ko para asintahin 'yung babaeng iyon."wika ni Julian at 'di mapakaling magpahaginit ng kanyang mga daliri.Umiling ako't tumingin sa kanya, "Hindi. Ako ang may kasalanan dahil sa una pa lang nasa tabi ko si Larry. Wala akong silbi! Hindi ko man lang nagamit ang kapangyarihan ng soro, palagi na lang ganito, ako na lang 'yung palaging sinasalba!""Tayong dalawa Jonel, tayo ang may kasalanan kung bakit napahamak si Larry. Mukhang tama nga ang nasaisip ko, hindi ko bagay maging isang super hero. Mahina ako, Jonel."wika ni Julian