Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Namatay Dahil sa Tatay, Inautopsy ng Nanay ko

Namatay Dahil sa Tatay, Inautopsy ng Nanay ko

Habang brutal akong pinapaslang ng kriminal, ang dad ko, ang head ng Criminal Investigation Division, at ang mom ko, ang Chief Forensic Pathologist, ay nanonood sa laban ng kapatid kong si Lily Lambert. Bilang paghihiganti, ang kriminal, na dating nahuli ng dad ko, ay pinutol ang dila ko at ginamit ang phone ko upang tawagan siya. Isang bagay lang ang sinabi ng dad ko bago niya binaba ang tawag. “Anuman ang nangyayari, ang laban ni Lily ang pangunahing prayoridad ngayong araw!” Ngumisi ang kriminal, “Mukhang maling tao ang dinukot ko. Akala ko mas mahal nila ang tunay nilang anak!” Sa pinangyarihan ng krimen, nagulat ang mga magulang ko sa brutal na kalagayan ng bangkay at kinasuklaman nila ang kawalan ng awa ng killer. Subalit, hindi nila napagtanto na ang gula-gulanit na bangkay na iyon ay ang sarili nilang anak.
10 viewsCompleted
Read
Add to library
Akala ng Sekretarya ay Kabet Niya Ako

Akala ng Sekretarya ay Kabet Niya Ako

Sa wakas ay nabuntis na ako pagkalipas ng tatlong taon ng kasal. Papunta na ako sa asawa ko bitbit ang baong tanghalian sa kamay ko para sabihin sa kanya ang magandang balita. Pero napagkamalan akong kabet ng kanyang sekretarya. Itinapon ng babae ang pagkaing ihinanda ko sa ulo ko, hinubaran ako, at patuloy akong hinampas hanggang sa malaglagan ako. “Katulong ka lang. Ang lakas naman ng loob mong akitin si Mr. Gates at ipagbuntis ang anak niya? “Ngayon, sisiguraduhin kong pagdurusahan mo ang mga kahihinatnan ng pagiging kabet!” Pagkatapos ay pinuntahan niya ang asawa ko para manghingi ng gantimpala. “Mr. Gates, sinuway ko na ang katulong na gustong mang-akit sa’yo. Paano mo ako gagantimpalaan?”
9 viewsCompleted
Read
Add to library
Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig

Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig

Pagkatapos ng tatlong taon naming pagdadate ni Nathan Foster, inakala kong alam ko na kung saan kami tutungo. Pero hindi siya kailanman nagpropose sa akin. At sa halip ay nagawa pa niyang malove at first sight sa aking stepsister. Naging direkta at walang tigil ang ginawa niyang panliligaw dito na hindi nagiwan ng pagdadalawang isip sa aking isipan. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako nagbreakdown o naghintay pa sa mga mangyayari habang umaasa na babalik pa siya gaya noon. Napagdesisyunan ko nang makipaghiwalay. Itinapon ko ang lahat ng regalo niya sa akin, pinagpunit punit ko rin ang wedding dress na lihim kong binili at noong kaniyang kaarawan, iniwan ko sa aking nakaraan ang Riverdale. Nang sasakay na ako sa aking flight, nagmessage si Nathan sa akin: “Nasaan ka na? Hinihintay ka ng lahat.” Ngumiti ako, pero na ako nagreply sa kaniya habang binoblock ko siya sa bawat platform. Wala siyang ideya na dalawang linggo na ang nakalilipas mula noong tanggapin ko ang proposal ng aking college senior na si Eustace Cooper. Nang lumapag ang eroplano sa bagong siyudad na aking titirhan, nakahanda na kami ni Eustace na simulan ang bagong yugto ng aming mga buhay nang magkasama—bilang magasawa.
7 viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Pagbuko sa Impostor

Ang Pagbuko sa Impostor

Ikakasal na ang pinakapopular na babae sa amin noong high school. Inimbitahan niya ang lahat sa aming klase para sa kaniyang kasal. Gusto kong kumilos na parang hindi ko nakita ang message na ipinadala niya sa akin pero walang tigil niya akong tinag sa group chat. “Nagkunwari kang mayaman gaya ko noong high school, pero hindi kita masisisi sa ginawa mo. Sa totoo lang, iniimbitahan kita sa kasal ko bukas para makita mo kung paano maging isang tunay na mayaman.” Agad na nagsalita ang iba naming mga kaklase. “Napakabait mo talaga, Haley. Kaya hindi na ako magtataka kung paano mo nagawang pakasalan ang isang miyembro ng pamilya Baumer. Hindi ako makapaniwala na mapapatawad mo ang isang materialistic na kagaya ni Emma!” “Ano ba ang deserve ng isang kagaya ni Emma Larkin para makaattend sa kasal ni Haley? Masyado siyang mayabang.” Habang tumitindi ang mga pangiinsulto, umabante si Haley Stockwell para mapanatili ang kapayapaan sa chat. “Sige na, kalimutan na natin ang mga hindi maganda nating nakaraan. Hindi na ako naaapektuhan sa mga ito dahil masyado nang matagal mula noong mangyari ang mga iyon. Anyway, huwag na tayong maghinanakit kay Emma dahil masyado na itong mahirap at pangit.” Walang tigil na umulan ang mga papuri sa kaniya ng lahat sa group chat habang tinatawag siya ng ilan sa amin na mabait at inosente. Napasinghal ako sa aking nakita. Si Haley ang babaeng nagkukunwaring mayaman sa amin—ako ang tunay na tagapagmana ng isang mayamang pamilya pero pinalabas pa rin niya na sinungaling ako. Ginawa niya akong target ng mga pangiinsulto ng lahat. Tiningnan ko ang digital wedding invitation para makitang gaganapin sa aking villa ang kaniyang kasal. Mukha ring pamilyar ang kaniyang groom—hindi ba’t ito ang driver ng aking asawa? Ngumiti ako nang maisip ko ang mangyayari. Sumagot ako sa chat ng, “Sige! Kailangan kong umattend ng kasal mo!”
8 viewsCompleted
Read
Add to library
Noong Gumuho Ang Lahat

Noong Gumuho Ang Lahat

Anibersaryo ng kasal namin nang mag-post ang high school sweetheart ng asawa ko ng sonogram picture sa kanyang social media, na may caption na public thank-you sa asawa ko: [Salamat sa lalaking nandiyan para sa akin sa loob ng sampung taon, at sa pagbibigay sa akin ng anak.] Umikot ang kwarto, at namuo ang galit sa akin habang mabilis akong nagkomento: [So, proud ka sa pagiging homewrecker?] Halos kaagad, tumawag ang asawa ko, puno ng galit ang boses. "Paano mo nagawa na mag isip ng nakakasuklam na bagay? Ang ginawa ko lang ay tulungan siya sa IVF, natupad ang pangarap niyang maging single mom.” "At oo nga pala, kailangan lang ni Ruby ng isang subok para mabuntis, habang ikaw ay may tatlong round ng walang resulta. Walang kwenta ang katawan mo!" Tatlong araw lang ang nakalipas, sinabi niya sa akin na pupunta siya sa ibang bansa para sa negosyo—hindi pinapansin ang aking mga tawag at mensahe sa buong panahon. Akala ko busy lang siya. Gayunpaman, sa huli ay kasama niya pala si Ruby, dumadalo sa prenatal checkup nito. Makalipas ang kalahating oras, muling nag-post si Ruby, na ipinakita ang isang mesa na puno ng masasarap na pagkain. [Nagsawa ako sa French food, kaya ginawa ni Ash ang lahat ng paborito kong pagkain. The best talaga siya!] Napatitig ako sa pregnancy test sa kamay ko, ang saya na naramdaman ko kanina, ngayon ay tuluyan ng nawala. Matapos ang walong taong pag-ibig at anim na taon ng paglunok ng aking pride para lang manatiling buhay ang kasal, sa wakas ay handa na akong bumitaw.
11 viewsCompleted
Read
Add to library
Pagbabayad sa Maling Akala

Pagbabayad sa Maling Akala

Ang bunsong anak ko, na pitong taong gulang palang, ay natuklaw ng ahas. Dinala ko siya sa ospital ng aking panganay na anak para ipagamot. Sa hindi inaasahan, inakala ng girlfriend ng aking panganay na anak na ako ay kanyang kabit. Hindi lang niya pinipigilan ang mga medical staff sa pagpapagamot sa bunso kong anank, kundi sinampal niya pa ako. "Perfect match kami ng boyfriend ko. Ang kapal ng mukha mo para dalhin ang hindi mo tunay na anak dito para hamunin ako!" Idiniin niya ako sa sahig habang hinahampas at sinasaktan niya ako. Sumigaw pa siya, "Ang isang malandi na tulad mo ay titigil lang sa pang-aakit sa iba kapag hindi mo na kaya!" Binuugbog ako, maraming pasa, at duguan habang dinadala ako sa emergency room. Ang aking panganay na anak ang humahawak sa operasyon. Nanginginig ang kanyang kamay habang nakahawak sa kanyang scalpel, at mukha siyang mapula. "Sino ang gumawa nito sa iyo, Ma?"
6 viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status