Sweetest Love
Nagmula si Yannie Ace Ruiz sa isang simple at payak na pamilya. Pangalawa siya sa limang magkakapatid. Wala sa bokabularyo niya ang pagkakaroon ng kasintahan, sapagkat abala siya sa kanyang pag-aaral ng mabuti, pag-aalaga ng mga kapatid, at pagtulong sa kanyang mga magulang. Bukod sa mga nabanggit ay abala rin siya sa pagiging fan girl ng 4SBLUE. Mahal na mahal niya ang nasabing banda at masayang-masaya siya sa tuwing napapanood ang mga ito. Kaya naman kuntento na siya at ayos lang sa kanya kung wala siyang nobyo 'di tulad ng kanyang mga kaibigan. But, not until he met Josh Rain Montez.
Nakilala niya ang binata dahil sa naging online slash virtual friend niya na fan din ng 4SBLUE at iba pang mga kpop group. At mula nang ipagkatiwala niya ang puso niya rito ay nagbago na ang takbo ng kanyang buhay.
Ang dating simple at payapa, ay nagkaroon na ng kakaibang gulo at saya. Malayong-malayo kasi ito sa inaasahan niya. Mayaman ang binata, nag-iisang anak, famous, habulin ng mga babae, gwapo, talented, sweet, at possessive pagdating sa kanya!
Pakiramdam niya ay napakahaba ng kanyang buhok dahil patay na patay ito sa kanya. Na kahit hadlangan sila ng sibat o anomang bagyo ay nakahanda nitong ipaglaban ang pagmamahal para sa kanya.
'Yong dating sa mga libro lang niya nababasa, o 'di kaya'y sa mga drama sa telebisyon lang niya napapanood, ay nangyayari ngayon sa kanya.
Will their love win overall?
109.8K VuesCompleted