Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
Fantasy
1066.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Come To Me, Mistress

Come To Me, Mistress

Si Seraphina Velarde—isang masipag, maganda, at palaban sa buhay ay isang babaeng nahulog sa bawal na pag-ibig. Isa siyang kabit—isang relasyong lihim, isang pagmamahalang itinatago. Sa kabila ng init at atensyong natatanggap niya, nananatiling may kulang… sapagkat hanggang kailan siya magiging pangalawa? Hanggang kailan siya mamahalin sa dilim? Dahil kahit ilang ulit pa siyang angkinin sa mga gabing punong-puno ng pagnanasa, may isang alaala pa rin siyang hindi matakasan, isang gabing nangyari walong buwan na ang nakalipas. Isang one-night stand na punong-puno ng damdamin, init, at koneksyon. Hindi niya matandaan ang mukha ng lalaki, pero hindi niya malilimutan ang haplos. Ang gabing iyon ang nagbukas sa kanya sa tunay na sarap—ang klase ng sensasyong hindi niya muling naranasan. At ang lalaking iyon ay si Pierce Damien Saveedra—isang makapangyarihan, misteryoso, at hindi niya inaakalang muling papasok sa buhay niya. Sa bawat pagtatama ng kanilang mga mata, sa bawat paglapit, dama ni Seraphina na siya ang lalaking iyon—ang unang dumampi sa kanya, ang lalaking hindi lang nagpagising sa kanyang katawan kundi sa kanyang pagkatao. Si Pierce ang lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi palihim. Sa mga titig at haplos niya, ramdam ni Seraphina na hindi siya kailanman magiging pangalawa. Naramdaman nyang karapat-dapat din siyang mahalin ng buo, walang kahati, at walang limitasyon. Sa piling ni Pierce, unti-unti niyang natutuklasan kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal na totoo—yung hindi kailangang itago, hindi kailangang ipaglaban sa dilim… kundi isang pagmamahal na malaya, malinaw, at buong-buo.
Romance
10390 viewsOngoing
Read
Add to library
CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)

CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)

Namulat na ang mga mata ni Brielle Isabella Lopez sa hirap magmula ng mamatay ang kaniyang magulang. Siya na ang tumayong magulang para sa kaniyang mga kapatid. Sa kabila ng hirap ay hindi niya sinukuan ang kaniyang buhay dahil dedikado siyang maabot ang kaniyang mga pangarap. Unfortunately, un unexpected night will happen. Ang inaakala niyang pagbabagong buhay ay mas naging maggulo, siya ang nahanap ng pinagkakautangan ng kaniyang magulang. In exchange for those massive debt, she needs to sign for a contract for their relationship. Kailangan niyang magpanggap bilang mapapangasawa ng milyonaryo na ito. How could she tame him? Para saan ang lahat ng pagpapanggap na gagawin nila? May tsansa pa bang mapabago niya ang malamig at nagyeyelong puso nito? Ano naman ang kahihitnan niya sa puder nito? Would it make her happy? With the cold-hearted man named Ezekiel Lewis Collins. How could she stay with him? What are the things that she'll consider in staying by his side?
Romance
1023.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Triplets and a Second Chance

Triplets and a Second Chance

Nagluluksa si Amara Alcantanra sa burol ng kaniyang ina habang abala ang kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng unang babaeng minahal nito—punong-puno ng kasiyahan at engrande ang selebrasyon. Klarong-klaro ang lahat kay Amara. Kung hindi siya mahal ng lalaki, ayaw na rin niya dito. Iniwan niya ang kasunduan ng diborsyo sa ibabaw ng mesa at piniling ipalaglag ang dinadala, at lumakad palayo nang mag-isa. Limang taon ang lumipas. Sa isang marangyang subastahan, lumitaw ang chief auctioneer nakasuot ito ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya. Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata. "Ang pangalan niya'y Reina?" Tumango ang kanyang assistant. "Yes, Sir. May nabalitaan rin akong minsan may nag-alok ng sampu-sampung milyon kapalit ng pagkakataong makita ang tunay niyang mukha pero tinanggihan niya." Sa wakas, natagpuan na ni Argus De Luca ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa loob ng limang taon. Kinagabihan ay hinarang niya ito sa isang kanto. "Auctioneer Reina, hanggang ngayon ay tinatakbuhan mo pa rin ako o mas tamang sabihin kong Amara?" "Argus, hiwalay na tayo." "Hindi ko kailanman sinang-ayunan 'yon. Nasaan ang anak ko?" "Mukhang nakalimot ka, Argus… ikaw mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang bata, limang taon na ang nakalipas!" Ngunit ngumisi si Argus, at may inilantad sa harap niya. "Kung gayon, ipaliwanag mo ito." Triplets na limang taong gulang ang nakatayo sa harap nila.
Romance
9.356.5K viewsOngoing
Read
Add to library
MY SECRETARY HATES ME?

MY SECRETARY HATES ME?

Ilang beses na naghanap ng trabaho si Gianna para kumita at nakahanap naman ito ng trabaho sa isa sa pinakamalaking kompanya ng inumin sa Pilipinas. Pero sa hindi nya inaasahang pagkakataon magiging boss pala nya ang taong kina-iinisan nya ng gusto at ito ay si Francis Locan the CEO and President of one of the most famous Wine Company in the Philippines, The Golden Scenery. Cold ito at ayaw sa mga taong pera lang ang habol sa kanya. Pero sa kabila ng malalamig nitong mga mata ay nakakubli ang secretong tinatago nya ng mahabang panahon. Meron itong karamdaman na tinatawag na monochromacy disorder , kaya't hindi ito nakakakita ng mga kulay at malabo rin ang paningin nito kumpara sa normal na tao. Ngunit nang makilala nya si Gianna hindi nya maipapaliwanag kung bakit nakikita nya ang kulay ng dalaga. Kaya gumawa ito ng paraan para gamitin si Gianna para tuluyan na itong gumaling. Pero habang tumatagal ay nagiging totoo na ang nararamdaman nya sa dalaga kahit na ilang beses man nya itong balewalain. Ayaw nya mang tanggapin pero sya narin mismo ang nahulog sa sarili nyang patibong. At paano kaya kapag bumalik ang unang babaeng inibig nito sino nga ba ang mas mahalaga sa puso nya? Ang babae bang una nyang minahal o ang babaeng handang mahalin sya kahit anong oras at pagkakataon? Paano kaya kapag nalaman ni Gianna na planado ang lahat ng ipinaparamdam sa kanya ng lalakeng natutunan na nyang mahalin? Mapapatawad nya pa kaya ito o pipiliing umalis dahil sa nasaktan nyang puso?
Romance
1013.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Angkinin Mo Ako, Kuya Troy (SPG)

Angkinin Mo Ako, Kuya Troy (SPG)

Hindi dugo ang nag-uugnay sa kanila… kundi isang bawal na pagnanasa. Nang ampunin si Averie, akala niya'y isang pamilya ang kanyang natagpuan. Pero paglipas ng mga taon, lihim na damdamin ang unti-unting sumibol—damdaming hindi dapat, at lalong hindi pwedeng mahalata. Si Troy, ang itinuturing niyang kuya sa mata ng mundo, ang tanging lalaking hindi niya kayang layuan… at ang nag-iisang bawal mahalin. Hanggang kailan nila maitinatago ang isang pag-ibig na hindi dapat ipinaglalaban?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire is Chasing Me After Divorce

The Billionaire is Chasing Me After Divorce

Tatlong taon na ang lumipas mula noong ikasal sila pero hindi pa rin makuha ni Czarina ang pagmamahal at atensyon ni Zayden. Palagi nalang ibang babae at trabaho ang pinipili ng lalaki at tiniis niya iyon. "Let's get a divorce..." sabi ni Czarina matapos siyang pagalitan ni Zayden dahil sa isang aksidente na hindi naman siya ang may kasalanan. Puno ng galit at pagkadismaya ang puso ng babae. Namumutla at nanginginig ito pero ni kamustahin siya ay hindi ginawa ni Zayden, bagkus ay inaway pa siya nito. Doon niya naramdaman na wala lang talaga siya sa buhay ng lalaki. Nagulat si Zayden sa narinig ngunit hindi niya iyon sineryoso, sa pag-aakala na isa lang iyon sa mga kaartehan ni Czarina. Ngunit mula ng araw na iyon ay hindi na umuwi ang babae. Nadatnan nalang ni Zayden na wala na ang mga gamit nito at may pirmado ng divorce papers sa mesa. "Fvck..." Binigyan niya ng ilang araw ang babae sa pag-aakala na babalik din ito. Pero sa ilang beses nilang pagkikita ay unti-unti niyang nare-realize na hindi na babalik sa kanya si Czarina. Nagulat na lamang si Czarina ng isang araw na pumunta si Zayden sa kanya na lasing, mugto ang mata, at nagmamakaawa. "Come back home, please..." he begged. "Let me be your husband again."
Romance
9.7142.9K viewsOngoing
Show Reviews (30)
Read
Add to library
Sue mae
Maganda sana kaso habang tumatagal papangit ng papangit. Yong bida hanggang dulo ata lagi nalang nagiging kawawa. Wala ka man lang nabasa na hindi siya naagrabyado nila chloe at zayden. Nakakaumay basahin
Onria Pulga
sana makabwibawi Naman PO ang Bida para maging masya Naman sya d parte si chloe ang Masaya at nag tatagumpay sarap sbunutan ni chloe inis ako 20 haha tpos yansi zayden bruha dn may narramdaman na dpa umamin dmi kong grrrrr..
Read All Reviews
THE  UNWANTED WIFE IN THE PAST (1800)

THE UNWANTED WIFE IN THE PAST (1800)

APPAH
Elijah was force to marry a family business partner for the sake of connection, greed and wealth to empower their clan. She has no scape, she doesn't have any choice for she is the only maiden among her family members. Wala siyang kayang gawin kundi ang pikit mata na pumayag sa kasal habang nag sisilakbo ng pagtutol ang kanyang puso. Taimtim na nanalangin ng gumuhit ang kidlat sa kalangitan as the heavy rain pour in the whole place the car that she was in intentionally fell in the cliff leaving a goodbye crush of sound. At sa kanyang muling pag mulat ay isa na siyang asawa ng isang Alfaro na anak ng isang Governadorcillio sa panahong 1800's. Will she able to find peace in the place where she is not belong from the very beginning? Genre: Historical Fiction Status: On-going Date started: Nov. 02 (wed.) 2022 Time:11:44 pm Photo are not mine credit to the rightful owner © Plagiarism is a crime.
History
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
HER GAME

HER GAME

realisla
THE GAME SERIES Book 1 out of 5 "So better be wise enough in playing because this is much more exciting than her game." Si Akemi Sean Lee, isang babaeng nagmahal, nasaktan at maghihiganti. Matapos ang trahedyang itinuring bangungot sa tanang buhay niya, binago niya ang sarili sa dating siya. Nagsikap, nagtapos, at nagpakadalubhasa siya sa New York sa engineering. Makalipas ang limang taon, bumalik siya ng Pilipinas. Wiser. Bolder. Braver. Bumalik siya para sa tatlong taong nagsukdol sa kanya sa kahirapan. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Puso sa puso. Nagbalik siya para sa kanyang laro—ang laro ng paghihiganti. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa kanyang laro, may malaking bagay pa siyang matutuklasan. Isang bagay na dudurog muli sa kanyang puso at pagkatao. Paano niya kaya haharapin at malalagpasan ang larong inakala niyang kanya?
Romance
102.5K viewsCompleted
Read
Add to library
MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

Lanie
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Cearina Guzman si Ezekiel Wang. He was her first everything—her first love, her first heartbreak. Sa kabila ng lahat ng alalahanin, nagawa niyang iwan si Ezekiel para sa pangarap nito. Ang sabi ng mga magulang ni Ezekiel, tatanggalan ng mana ang anak at hindi na susuportahan financially kapag ipinagpatuloy pa nila ang relasyon. Hindi ito sinabi ni Cearina kay Ezekiel, kaya hanggang ngayon, galit pa rin ang binata sa kanya sa pag-iwan niya. Akala ni Cearina, nakalimot na siya. Pero boom! Muli silang nagkita nang mag-apply siya sa SummitBridge Global—hindi niya alam na ang kompanyang aaplayan niya ay pag-aari ng ex-boyfriend niyang si Ezekiel! At nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi maitatanggi na nandoon pa rin ang mga damdamin na tinago niya. She still wants him. Pero ang daming hadlang sa relasyon nila. Kailangan niyang harapin ang lahat ng ito, pero hindi niya alam kung paano. Ang mga alaala nila, ang mga pangarap na sabay nilang pinangarap—parang nagbabalik sa kanya sa pinakamasakit na mga sandali. Sa kabila ng mga hadlang, ano ang pipiliin niya—ang kanyang sarili o ang pag-ibig na dati niyang iniwan?
Romance
26.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status