When Were 15
For matured readers only (TAGLISH)
"Akala ko sapat na ang salitang I love you para umabot tayo hanggang dulo..."
Galing sa sawing pag-ibig si Marion. Kinse palang siya nang unang umibig. Naging masalimuot ang buhay niya sa murang edad dahil sa kapusukan at katigasan ng ulo.
Nagresulta para matakot siyang magmahal dahil naging sugatan ang puso niya.
Pero makalipas ang ilang taon heto at nagbabalik ang sumugat sa puso niya. Si Shin Dela Vega.
"Oo nagkamali ako, nasaktan kita. Hindi rin kita naipaglaban noon, pero gusto kong malaman mo na ikaw pa rin ang mahal ko hanggang ngayon at gusto kong itama ang lahat, all I need is a second chance Marion..." pakiusap ni Shin.
Pero may isang humihingi ng pagkakataon na lingunin niya.
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Manhid ka ba? Hindi mo ba nakikita na palagi akong nasa tabi mo kahit noon pa. Hindi kita iniiwan at kaya kitang ipaglaban kanino man. Hinihintay ko lang na bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka para maramdaman mong karapat-dapat din ako sa puso mo," pag-amin ni Grant Tyler sa kanya.
Nalilito ang puso niya. Sino ang dapat niyang piliin? Magbibigay ba siya ng ikalawang pagkakataon para kay Shin, ang taong minahal niya o susubukan niyang muling buksan ang puso para kay Grant Tyler?
102.1K viewsOngoing