The Billionaire is Chasing Me After Divorce
Tatlong taon na ang lumipas mula noong ikasal sila pero hindi pa rin makuha ni Czarina ang pagmamahal at atensyon ni Zayden. Palagi nalang ibang babae at trabaho ang pinipili ng lalaki at tiniis niya iyon.
"Let's get a divorce..." sabi ni Czarina matapos siyang pagalitan ni Zayden dahil sa isang aksidente na hindi naman siya ang may kasalanan.
Puno ng galit at pagkadismaya ang puso ng babae. Namumutla at nanginginig ito pero ni kamustahin siya ay hindi ginawa ni Zayden, bagkus ay inaway pa siya nito. Doon niya naramdaman na wala lang talaga siya sa buhay ng lalaki.
Nagulat si Zayden sa narinig ngunit hindi niya iyon sineryoso, sa pag-aakala na isa lang iyon sa mga kaartehan ni Czarina.
Ngunit mula ng araw na iyon ay hindi na umuwi ang babae. Nadatnan nalang ni Zayden na wala na ang mga gamit nito at may pirmado ng divorce papers sa mesa.
"Fvck..."
Binigyan niya ng ilang araw ang babae sa pag-aakala na babalik din ito. Pero sa ilang beses nilang pagkikita ay unti-unti niyang nare-realize na hindi na babalik sa kanya si Czarina.
Nagulat na lamang si Czarina ng isang araw na pumunta si Zayden sa kanya na lasing, mugto ang mata, at nagmamakaawa.
"Come back home, please..." he begged. "Let me be your husband again."