Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)

My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)

Si Sydney ay iniwan ng kanyang dating kasintahan sa kadahilanang ikakasal na ito sa iba. Dahil dito ay hindi niya na nakuhang ipaalam sa nobyo na siya'y nagdadalang-tao. Sa paglipas ng anim na taon, muling pagtatagpuin ang landas nila. Ngunit kagaya ng ipinangako ni Sydney sa sarili, ay hinding-hindi na siya kailanman magpapa-apekto sa dating kasintahan na nanakit at nanloko sa kanya. Ngunit gano'n pa man, ay hindi niya habambuhay na maitatago sa anak kung sino ang ama nito, sa kadahilanang unti-unti na itong nagtatanong sa kanya.
9.654.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Baby Maker

The Billionaire's Baby Maker

Kathnisse Garcia is a club dancer and a waitress since she was 18 years old, nagtrabaho na ito sa murang edad para mabayaran ang pagkakautang ng tatay niyang sugarol. Sa edad niyang 22 ay nakilala niya si Alejandro Vautier, isang bilyonaryo. Binili siya nito sa club at binigyan ng isang kontrata na maging baby maker ng lalaki. Paano kung unti-unti itong nahuhulog sa lalaking hindi makalimutan ang namayapang asawa?
1064.1K viewsOngoing
Read
Add to library
MY TWINS

MY TWINS

KAMBAL, iyan ang naiwan ni Dave kay Anastasia, matapos siya nitong pagtaksilan. Nilisan ni Anastasia ang dati niyang buhay bilang assassin ng organisasyong Dark Moon at tagapamahala ng mga ari-arian ng pamilya Clinton bilang nag-iisang tagapagmana kapalit ng buhay sa piling ni Dave. Ang buong akala ni Anastasia ay nahanap na niya ang labis na kasiyahan dahil sa naging relasyon nila ni Dave pero may nangyaring hindi inaasahan. Natunghayan mismo ng mga mata ni Anastasia na katalik ni Dave ang best friend niyang si Katrina, na labis na nagpadurog sa puso niya. Simula noon ay pinili ng dalaga na mangibang bansa at buhaying mag-isa ang kambal niyang supling. Inilaan ni Anastasia ang buhay niya pag-aalaga sa dalawa. Nagbalik-loob din ang dalaga sa dati niyang buhay bilang tagapamahala ng ari-arian ng pamilya Clinton at bilang isang assassin. Ilang taon ang lumipas ay nagbalik si Anastasia sa Pilipinas kasama ang kambal niyang anak matapos siyang pagnakawan ng mga kasosyo niya sa negosyo. Sa muling pagkakataon ay nagkita rin sila ni Dave. Hahayaan pa kaya ni Anastasia na kumatok sa puso niya ang binata matapos siya nitong labis na sinaktan? Manumbalik pa kaya ang naudlot nilang pag-iibigan? Makuha kaya ni Dave ang loob ng kambal niyang anak? Paano kung malaman ni Dave ang tunay na pagkatao ni Anastasia?
9.5118.1K viewsCompleted
Read
Add to library
BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE

BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE

WARNING ⚠️ SOME SCENES AND WORDS ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK..!! Isang gabing kabiguan na nauwi sa isang pagkakamali. Pinagtagpo ngunit hindi ba tinadhana? Saan hahantong ang nangyari sa kanilang pagkakamali? Would they be continue the mistakes they made o gagawin nila ang tama para maitama ito lalo pa at alam nila na pareho na silang committed sa iba. Ano ang naghihintay sa dalawang nilalang na ang tanging hangad lamang ay makatakas sa parehong kumplikadong sitwasyon ngunit mas naging masalimuot pa ang lahat ng umeksena ang mga taong nakatakda nilang pakakasalan. Mangingibabaw kaya ang parehong nararamdaman sa unang pagkikita pa lamang? Saan sila dadalhin ng pagkakamali na nagawa nila? Kaya ba nilang labanan ang lahat, matagumpayan lamang ang hinahangad na kaligayahan? How can the one night mistake become their favorite and the mistake they treasured the most?
10113.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Invisible Love of Billionaire

The Invisible Love of Billionaire

Gumuho ang pangarap ni Atasha nang makipaghiwalay sa kan'ya ang kan'yang nobyo at tanggapin nito ang isang arranged marriage. Dahil sa sobrang sama ng loob at kagustuhang makalimot ay sinunod niya ang payo ng kaibigan na makipag rebound-sex. Dala ng sobrang kalasingan hindi niya inaasahan na ang taong naka-rebound sex niya ay ang may-ari ng kumpanyang kan'yang pinagtatrabahuhan, and bilyonaryong si Colton Mijares. Colton Mijares have ever since set his eyes on that one girl, Atasha Andres. But things didn't go as planned, dahil nobya siya ng kan'yang step-brother. His power and wealth is nothing, dahil hindi maging kan'ya ang babaeng nagpapatibok ng puso niya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon tinulungan siya ng tadhana na makuha si Atasha. Pero laking pagkadismaya niya nang sabihin nitong isa lamang siyang "rebound sex”dahil sa nangyari sa relasyon nito at ng nobyo. Ang isang gabi ng rebound sex ay mag-uugnay sa kanila sa mas malalim na paraan. Ito kaya ang maging daan upang mahanap nila ang pag-ibig o paglayuin lamang sila nito.
1063.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Mr Playboy Hot Wife

Mr Playboy Hot Wife

Si Samantha Gabrielle Garcia ay simpleng dalaga na ang kaniyang nais ay makahanap ng lalaking magmamahal sa kaniya ng buong-buo. Matupad kaya ang kaniyang nais kong sa isang iglap lang siya ay ikinasal sa babaerong binata, Rem Ezekiel Cloud Mendoza. Magbabago kaya ang binata sa pamamagitan ng dalaga at may mabubuo kayang pag-iibigan sa kanilang pagsasama o puro pagtataksil? Makamit kaya ng dalaga kaya ang pag-ibig inaasam-asam kung ang binatang pinakasalan niya ay may anak ito sa dating nobya? “Ikaw ang lalaking minahal ko, pinagkatiwala ko sayo ng buong-buo ang puso ko, pero hindi ko inakala na ikaw rin pala ang wawasak nito ng pinong-pino.” —Samantha Gabrielle Garcia
1049.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Marriage For Pleasure

Marriage For Pleasure

Masayang namumuhay mag-isa si Daphne bilang Doctor. Hanggang sa nalaman niya mula sa kaniyang Ina na siya pala ay naka-arranged marriage sa isang lalaking hindi niya kilala. Sobrang hirap para kay Daphne na tanggapin na lang basta ang mangyayaring kasal. Kaya naman may isang desisyon siyang hindi niya lubos na pinag-isipan at pinaghandaan. Isang gabi na puno ng pagnanasa at kapusukan. Mas pinili niyang Ibigay ang kaniyang pagkabirhen sa isang estranghero. At sadya namang mapaglaro ang tadhana, dahil ang lalaking kaniyang nakasama nang gabing iyon ay si Treyton Louis Fuentevalle, ang lalaking kaniya pa lang pakakasalan. Ngunit, ang nakapagtataka ay hindi siya naaalala ng lalaki, at ang mas masakit ay ang kapatid niya ang naaalala nito nang gabing sila ang magkasalo. Matutuloy pa ba ang kasal? Makakayanan ba ni Daphne na makasama ang lalaki habang kahati niya ang kaniyang kapatid na higit niyang kinaiinisan? Paano kung malaman niya ang tunay na motibo ni Treyton? Kakayanin pa kaya niya?
10150.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?
1063.6K viewsCompleted
Read
Add to library
HE IS OLDER THAN ME

HE IS OLDER THAN ME

Si Annie ay isang 16 years old girl nang makilala niya ang isa sa mga VIP client ng company ng kanyang Papa. Na siyang binabantayan naman ng kanyang Kuyang si Edmon. Bagamat hindi naging maganda ang simula nang kanilang pagkikita ay nakadama parin siya ng kakaiba para sa binata. Sa hindi nila inaasahang pangyayari ay natagpuan si Annie sa silid mismo ni Dave sa mismong hotel kung saan ginanap ang kanyang seventeenth birthday. At dahil doon ay kapwa sila natali sa isang kasunduang magdudugtong pala sa kanilang mga puso at buhay. Ano na kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? Matutuhan kaya nilang aminin ang mga damdaming nakatago sa kanilang mga puso? Magawa kayang ibigin at mahalin ni Annie si Dave kahit na ito ay mas matanda sa kanya ng labing anim na taon? Maamin naman kaya ni Dave ang tunay niyang damdamin para sa dalagang noon pa pala niya minamahal?
1059.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying A Probinsyano?

Marrying A Probinsyano?

Zariah Fuente, isang babaeng bunga ng isang one night stand. Buong buhay niya ay pinaramdam ng kanyang ama na siya'y isang pagkakamali mula sa nakaraan. Kahit kailan hindi niya naramdaman may ama siyang magmamahal sa kanya. Sebastian Eli Sarmiento, isang mailap na CEO ng isang kompanya. Buong buhay nito ay gusto nitong makahanap ng babaeng magpaparamdam sa kanya ng tinatawag na pagmamahal. Paano kung biglang malaman ni Zariah na ikakasal siya sa taong dapat papakasalan ng kanyang kapatid sa ama? Paano kung kailangan niyang hiwalayan ang taong mahal niya para sa isang kasunduan? Ano kayang magiging buhay ni Zariah pagkatapos malaman na ang taong papakasalan niya ay isang mahirap at taga probinsya? Paano kung sa oras na nasanay na siya sa bagong buhay ay may malaman siyang isang katotohanan na babago sa buhay niya? Maramdaman kaya ni Sebastian ang pagmamahal na nais niyang maramdaman sa kanyang magiging asawa?
9.9108.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status