Kidnapped by my Ex
Warning: Rated SPG(R-18)
Naalala niya si Drix pati na ang paraan ng pag-angkin nito sa kanya. Na parang kapareho ng ginagawa ng lalaki na ito na nasa kanyang ibabaw.
Kasunod niyon ay ang muling pagbabalik ng matinding sakit na pinaranas sa kanya ng lalaki ng iwanan siya nito, na halos ikabaliw niya yata.
Bigla tuloy niyang naitulak ang buong lakas ang lalaki sa dibdib nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, kaya dagling nawala ang nagliliyab na pakiramdam na nararamdaman niya kanina lang.
Gusto niyang malaman kung sino ba talaga ang lalaki sa dilim na kasama niya ngayon, para kasing kay damot ng liwanag ng mga sandaling iyon. Hindi niya talaga maaninag ang mukha ng lalaki.
Dahil kung hindi siya nagkakamali na si Drix ang kanyang kaniig ay hinding hindi siya papayag sa mga nangyayari ngayon. Sinaktan siya ng matindi ng lalaki, iniwanan na siya.
Kaya bakit siya nito kinuha ng walang permiso? Bakit siya kinidnap? Anong dahilan? Maya asawa na ito, kaya anong ibig sabihin ng lahat?
“Sino ka!?” Napakalakas na tanong niya. Halatang nagulat ang lalaki sa biglang pagbabago niya ng mood. Kanina lang ay lubos na siyang nagpapasakop sa kamunduhan na taglay nito. Pero sa isang saglit ay nagawa niyang alisin ang init at palitan ng galit ang nadarama. Hindi rin niya alam kung paano niya nagawa iyon.
Nakaangat ang kalahating katawan nito mula sa kanya, pero ang ibabang bahagi ay nananatiling magkadikit. Noon lang niya napansin na nakabukaka pala ang ayos niya, nakaayos ito sa kanyang gitnang ibabang katawan.
Naisip niya na kung sasalakayin ng matigas na parte ng katawan nito ang kanyang hiyas ay tiyak na wala siyang kalaban laban.
“Sino ka?” Malakas na ulit niya sa tanong.
“Alex.” Parang naguguluhang bigkas nito sa kanyang pangalan. “Hindi mo pa ba ako nakikilala?”
101.9K viewsOngoing