His Innocent Courtesan
Ms. Caffeine
Gusto lang naman ni Adaline na maging maayos ang buhay. Ngunit dahil sa labis na kahirapan na kaniyang kinamulatan, kailangan niyang tanggapin ang reyalidad. Nakipagsapalaran ito sa syudad ngunit alam niya na walang tatanggap sa kaniya dahil hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral.
Dahil sa isang alok ng isang babaeng kagaya niya na nagmula rin sa hirap ay sinikmura niya itong tanggapin, alang-alang sa pamilyang pinangakuan niyang bibigyan niya ng magandang buhay. Labag man sa kalooban niya na gawin iyon ay wala na rin siyang ibang ginawa kundi mahalin ang trabaho; ang pasiyahin ang mga kalalakihan gamit ang kaniyang katawan.
Dumating ang isang lalaking tinanggap siya sa kahit na gano'n ang kaniyang trabaho, itinuring normal kahit na maruming bagay ang tingin sa kaniya. Ngunit hindi sinasadyang nagdalang-tao ito at sigurado siya kung sino ang ama ng bata. Pero paano? Paano niya sasabihin sa taong iyon? Paano kung hindi maniwala ang lalaking iyon?
Gagawin niya kaya ang panibagong kasalanan? o paninindigang mag-isa ang batang nasa sinapupunan?