The Divorced Wife Is Back
Abot tainga ang ngiti ni Elisa habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang asawa. Pinaglalaruan niya sa isip at ini-imagine ang mga eksena kung paano maaaring mag-react ang asawa niya sa balita tungkol sa kanilang magiging anak. Buntis siya, dalawang buwan na.
Habang papalapit siya sa opisina, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, sapat na para makita at marinig ang usapan sa loob.
“Tama na, Azrael, ang kulit mo talaga!” malakas na hagikgik ng isang babae. "Nakikiliti ako!"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elisa, at pakiramdam niya ay dumaloy nang mabilis ang dugo sa buong katawan niya. Hindi siya sigurado sa narinig, kaya napagpasyahan niyang sumilip—ingat na ingat na hindi makita o marinig. Dahan-dahan siyang yumuko at nakita niya si Azrael, ang kanyang asawa, nakayakap sa baywang ng babae at mapusok na hinahalikan ang leeg ng babae.
Nanlaki ang mga mata ni Elisa sa nakita, lalo pa nang sakupin ni Azrael ang mga labi ng babae. Parang sinasaksak nang dahan-dahan ang puso niya, hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya.
"A-Azrael..." nanginginig niyang bulalas, dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang asawa.
1090 viewsOngoing