The Fusion of Two Worlds
Mathealogy
Isang babaeng pinangalanang Sithya ang nadisgrasya dahilan ng pagkawala ng kanyang memorya, hindi niya alam kung paano mamumuhay ng walang kaalam alam kung sino at nasaan siya. Wala siyang ibang magagawa kundi ang magpanggap at makisama sa mga mageno na napag-alamanan niyang may espesyal na abilidad. Namuhay siyang nagpapanggap na kabilang sa mga naninirahan sa Voreios, lugar kung saan nakatira si Ravus — ang lalaking nagligtas sa kanya, hanggang sa makuha niya ulit ang kanyang memorya. Nang sa gano’n ay makabalik siya sa totoong kanyang pinanggalingan, at hindi iyon Voreios.
Naging matunog ang kanyang pangalan sa Voreios dahil sa kanyang pambihirang pisikal na abilidad na kayang makipagsabayan sa pakikipaglaban sa mga mageno kung kaya’t sa maikling panahon ay itinuring siyang isa sa mga mageno kahit walang taglay na espesyal na abilidad. Sa maikling panahon ay marami na siyang nagpadaanan sa loob ng Voreios at pakiramdam niya ay kabilang talaga siya dito. Kaya gumuho ang lahat nang bumalik ang kanyang memorya. Hindi siya si Sithya. Hindi siya taga-Voreios, at lalong lalo nang hindi siya mageno dahil siya si Seffyre Nicolisle Lestridge na isang tao. Siya pala ay mula sa mundo ng mga tao na kinamumuhian ng mga mageno.
Nauunawaan niya na kung bakit kakaiba ang kanyang pisikal na abilidad. Iyon ay dahil siya ay hindi lang ordinaryong tao kundi isang agent na hubog sa pakikipaglaban. Ngayon ay kailangan niyang gumawa ng paraan upang makabalik sa mundo ng mga tao na kanyang totoong kinabibilangan habang wala pang nakakaalam sa kanyang lihim.
Sa kanyang pagbabalik sa mundo ng mga tao ay nabalitaan niya na ang mundo ng mga mageno ay nasa panganib. Pipiliin niya bang bumalik para tumulong? O manatiling mamuhay ng ordinaryo sa kanyang sariling mundo?