Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia' Seeds Thief

The Mafia' Seeds Thief

Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sp*rm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sp*rm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
Romance
1016.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Alpha's Keeper

The Alpha's Keeper

Sa mundo kung saan ang mga kalalakihan ay maaaring manganak, isang mangangaso na ang ngalan ay Felix Laureano ang mapupunta sa lugar na kung tawagin ay "The Alpha's town" o mas kilala sa tawag na hilaga. Nang makuha ang misyon na hindi inaasahan ay siyang pagdating ng kasagutan sa mga katanungan na nakaukit sa kaniyang nakaraan. Isang misyon na magsisilbing ilaw, misyon na magsisilbing gabay upang mabuo ang mga kasagutan sa mga katanungan matapos ng digmaan.
Other
104.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Stepbrother Damien (SPG)

Stepbrother Damien (SPG)

Nang muling mag-asawa ang kanyang ina sa isang mayamang negosyante, napilitan si Sunshine Cordero na manirahan sa isang marangyang mansyon, malayo sa tahimik na buhay na nakasanayan niya. Lahat sa bagong mundong iyon ay sumisigaw ng luho... at panganib, lalo na nang makilala niya ang kanyang bagong stepbrother na si Damien Villarin. Malamig, kumplikado, at nakakaakit sa paraang delikado, si Damien ang tanging tagapagmana ng bilyon-bilyong negosyo ng kanyang ama. Mula pa lang nang unang araw na tumapak si Sunshine sa kanilang bahay, ipinakita na ni Damien na hindi siya kabilang doon. Ngunit ang tensyon sa pagitan nila ay mabilis na nagbago, naging isang bagay na hindi na nila kayang pigilan. Isang damdaming madilim, mapanganib, at ipinagbabawal. Habang patuloy na naglalaban ang pagnanasa at katotohanan, napagtanto nina Sunshine at Damien na ang nararamdaman nila ay maaaring magwasak ng kanilang mga pamilya. Ngunit kahit alam nilang mali, tila hindi na nila kayang lumayo sa isa’t isa. Sa mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at tukso, paano mo pipigilan ang isang pag-ibig na kailanman ay hindi dapat maramdaman?
Romance
10820 viewsOngoing
Read
Add to library
My Brave heart's desire (Filipino)

My Brave heart's desire (Filipino)

rosellemarie0530
Does her Brave heart's willing to endure the pain and hurt for the desire or for the agreement? Naranasan na ni Feona na mabigo at sobrang masaktan sa kanyang pagmamahal sa boyfriend na MVP celebrity basketball player na si James Alvaro. Dala ng kanyang mga dinaramdam napaaga siya ng R and R bilang isang babaeng opisyal ng sandatahan ng Pilipinas. Sa pinagdadaanang kalungkutan at betrayal nagawa niyang aliwin ang sarili sa bar ng isang kilalang hotel, nalasing at nakakilala siya ng isang estrangherong lalaki na ubod ng kisig at gwapo sa bar ng isang sikat na hotel na iyon. Sa nadaramang heartbreak ay nakalimot si Feona sa kalasingan. Ngunit nagulantang siya isang umaga nang magising sa isang di pamilyar na silid at nasa bisig ng lalaking kakakilala niya pa lamang. Hindi akalain ni Feona na muling magkukrus ang landas nila ng estrangherong lalaki. Paano kung may kanya kanya silang advantages at kondisyon para sa isa't isa nang dahil sa naganap sa pagitan nilang dalawa?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
TEAM SAWI Series One: One Last Cry

TEAM SAWI Series One: One Last Cry

Simoune Andrew Buenaflor is one of the hottest bachelor in town. He is the owner of Buenaflor Group of Companies na tanyag sa buong Pilipinas. Sa edad na trenta ay napalago niya na ang kanilang negosyo na ipinamana sa kanya ng yumao niyang mga magulang. Maituturing na isa siya sa pinakasuwerteng tao sa larangan ng pagnenegosyo subalit pagdating sa larangan ng pag-ibig, tila ba ito'y isang dagok sa kanya ng kapalaran. Tatlo na rin ang naging kasintahan niya ngunit wala ni-isa sa mga ito ang nagtagal. Hanggang sa isang araw ay hindi inaasahang magkatagpo ang landas nila ng isang babaeng may mapait na karanasan sa buhay at kagaya niya ay nakasarado rin ang pintuan ng puso nito. Paano kong ang babaeng ito pala ang itinakda sa kanya ng kapalaran? Magagawa niya pa kaya'ng buksan'g muli ang kanyang puso o hahayaan niya na lang itong manatiling nakapinid at habang buhay na maging sawi?
Romance
7.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia Boss Pick up a Child

The Mafia Boss Pick up a Child

A-Bleu
The Mafia Boss Kylo Lucian.Kilala sa pagiging mahigpit, malupit, at walang awa.Wala siyang pinapalagpas na atraso ng kahit sino man. Marami ang umaasa na balang araw kapag may napusuan siya babae ay magbabago ang pag-uugali niya.Magbabago ang  malupit na Mafia Boss.Subali't posibli nga ba? Kahit na parang wala itong balak na pumatol sa babae o mag-asawa? Akala ni Kylo ay hanggang hindi siya mag-aasawa ay walang makakapagpaikot sa kanya na kahit sinong babae sa palad nila.Hinding-hindi siya bibigay sa kahit na sino. Yan ang pangako niya sa sarili. Pero sino ba ang mag-aakala na hindi nga asawa ang makakapagpabigay at makakatunaw ng matigas na puso ng isang Kylo Lucian—Kundi isang 4 na taon na batang babae, anak ng lalaking nagkakautang sa kaniya na bigla nalang nawala.
Other
7.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Royal Redemption (Chasing Series:02)

The Royal Redemption (Chasing Series:02)

Pipiliin ba ni Jace na yakapin ang pag-ibig na minsan niyang tinangka na takasan, o ang mga anino ng kanilang nakaraan ay maghahatid sa kanila sa pagkakahiwalay magpakailanman? At sa huli, kapag nagising si Luther, matutuklasan ba niyang si Jace ay naghihintay pa rin sa kanya, o talagang nakapag-move on na siya? Sa isang mundo ng panganib at pag-ibig, ang kanilang kapalaran ay nakabitin sa isang sinag ng pag-asa. Ano ang mangyayari sa kanilang kwento? Ang sagot ay nasa hangin, sa isang tadhana na patuloy na naglalaro.
Romance
10478 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO got me pregnant

The CEO got me pregnant

Dahil sa panloloko ng ex-boyfriend ni Luna sa kaniya nagawa niyang makipag one-night-stand sa lalaking hindi niya kilala sa bar. And to heal her broken heart sa Canada siya nag-aral not knowing na magbubunga ang isang gabing iyon. She was scared na umamin sa magulang kaya tinago niya ang bata sa mga ito sa loob ng apat na taon. Pero kung kailan handa na siyang umamin sa mga ito tyaka niya nalaman na wala na sila. Sa pagbabalik niya sa Pilipinas at upang maisalba ang negosyo ng magulang hindi niya akalain na ang ka-negosyo niya ay walang iba kundi ang ama ng kaniyang anak! Mabuti nalang at hindi siya nito nakilala kaya hindi niya alam kung itutuloy pa ba niya ang pakikipag negosyo dito o hahayaang bumagsak ang kanilang negosyo lalo na kasama niya si Celine, ang kaniyang anak.
Romance
10325.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Don't Fall in Love

Don't Fall in Love

Yuki Yceej
Sa gabi ng tinatawag nilang Bluemoon night, ang gabi ng mga single, ay magtatagpo ang landas nina Hunter Ace, isang sikat na modelo at artista at Jolie Vargas na isa lamang ordinaryong babae. Hinahangaan ang binata dahil sa kanyang gwapong mukha, magaling na actor at ganda ng pangangatawan habang si Jolie ay simpleng babae pero palaban. Isang gabi, dahil sa kabiguan sa pag-ibig ay pumayag si Hunter na sumama sa kaibigang si Tom na dumalo sa once a year event na tinatawag nilang Bluemoon night. Ito ang gabi na mapagkakamalan ni Hunter ang No Boyfriend since birth (NBSB) na si Jolie na siya si Danica, ang girlfriend niya. Walang pag-aalinlangan, dinampi ng binata ang labi niya sa labi ng lasing na si Jolie. Dahil sa wala sa tamang katinuan ang dalaga, tumugon naman siya sa halik. Pinagsaluhan nila ang maiinit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hindi lang halik ang kanilang pinagsaluhan, pati ang init ng katawan ay kanilang pinadama. Isang bangongot ang maituturing ni Jolie ang nangyari sa kanya sa gabing iyon nang magising siyang katabi ang mayabang at supladong modelo sa kama at pareho silang walang saplot. Hindi na niya ito ginising bagkos ay umalis na agad sa silid. Magtatagpo pa kaya ang landas nila kung ang akala ni Hunter ay si Danica ang babaeng nakasama niya sa kama? May mabubuo kayang pagtitinginan kina Hunter at Jolie kung ang dalawang babae ay may mukhang pinagbiyak na bunga?
Romance
865 viewsOngoing
Read
Add to library
The Substitute Bride of The Billionaire

The Substitute Bride of The Billionaire

Nangangailangan si Sapphire ng malaking halaga upang maoperahan sa puso ang kanyang ina kaya tinanggap niya ang alok ng kanyang ama, ang maging substitute bride. Ayaw kasi ng half-sister niyang si Fiona na magpakasal sa isang bilyonaryo na lumpo na nga, bulag pa at masama pa daw ang ugali. Aanhin daw ni Fiona ang pagiging bilyonaryo nito kung hindi niya ito maipagmamalaki sa kanyang mga kaibigan. Ngunit dahil nga pabagsak na rin ang kumpanya ng kanilang ama ay kailangan isa sa kanila ay magpakasal dito. Napatunayan nga ni Sapphire na masungit si Kaiden sa ilang linggong pananatili sa bahay nito. Pero inintindi na lang iyon ni Sapphire dahil sa kalagayan nito. Noong una nga ay nagalit pa ito dahil alam ni Kaiden na hindi siya ang dapat niyang papakasalan. Pinagbintangan pa siya ni Kaiden na pera lang at apelyido ang habol nito sa kanyang pamilya. Pero hindi sumuko si Sapphire hanggang sa unti-unti niya nakilala si Kaiden, napagtanto niyang isa itong mabuting tao at asawa sa kanya. Ngunit dito naman dadating ang iba't ibang pagsubok na susubok sa kanilang pagiging mag-asawa. Mga lihim na akala nila ay maibabaon na nila sa lupa. Malalampasan kaya nina Sapphire at Kaiden ang mga ito? O tuluyan na magkakaroon ng lamat ang kanilang pagsasama na hahantong sa pagkawasak nito.
Romance
10571 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status