PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT
Isang gabing hindi inaasahan. Isang pagkakamali na hindi na mababawi. Akala ni Brielle, matapos ang gabing ‘yon ay wala nang balikan, walang magiging komplikasyon. Pero nagkamali siya.
Ngayon, may isang buhay sa sinapupunan niya. At ang ama? Si Matthias Castillejo—isang lalaking mayaman, makapangyarihan, at walang balak akuin ang responsibilidad. Para sa kanya, isang gabi lang ‘yon. Pero para kay Brielle, isang panghabambuhay na pagbabago.