Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance
Oceania Verity
Sa ikalawang taon ng kanyang kasal, natuklasan ni Isabel na siya ay nagdadalang-tao. Labis ang kanyang tuwa, umaasa na ang kanilang magiging anak ang magpapatibay sa kanilang marupok na relasyon ni Allen, ang kanyang asawa. Ngunit sa likod ng kanyang kaligayahan ay may takot—alam niyang ang puso ni Allen ay para kay Victoria, ang babaeng hindi niya kayang kalimutan. Sa kabila nito, umaasa si Isabel na magbabago ang lahat dahil sa kanilang anak.
Ngunit naglaho ang kanyang pag-asa nang mangyari ang isang malagim na aksidente. Malubhang nasugatan si Isabel at desperadong nakiusap kay Allen na iligtas ang kanilang anak. Subalit, tinalikuran siya ni Allen at pinili si Victoria, iniwan si Isabel sa kanyang sariling kapalaran. Habang lumalayo si Allen, parang pinipiga ang puso ni Isabel sa sakit.
Kumalat ang balita sa Laoag tungkol kay Allen Alvarez, isang lalaking lumubog sa matinding pagsisisi. Ang pangalan ni Isabel Fajardo-Alvarez ay naging simbolo ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at pighati, at walang sinuman ang naglakas-loob na banggitin ito sa harap ni Allen.
Pagkalipas ng ilang taon, nakilala ni Isabel si Luis Mendoza, isang mayamang mamamayan ng Laoag at nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya. Mabait si Luis at inalagaan si Isabel, tinuring ding parang sariling anak ang bata. Sa paglipas ng panahon, ipinakilala ni Luis si Isabel sa kanilang business partners, kasama ang pamilya nina Allen.
Sa gitna ng isang masayang pagtitipon, biglang nagwala si Allen, lumuhod sa harap ni Isabel, ang kanyang mga mata’y pulang-pula at puno ng pighati.
"Isabel, comeback to me... I’m begging for your forgiveness" aniya, humihingi ng kapatawaran, umaasang maibabalik pa ang dati nilang pagsasama.
Mapatawad kaya siya ni Isabel o mananatili nalang alaala ang kanilang pagsasama?
10218 DibacaOngoing