The Forced Bride
Betrothed by her grandparents, Zoey, despite her opposition has no way but to agree and accept her despicable fate. Pikit-mata niya itong tinanggap kahit pa man ay isang taong nakatadhang buong buhay na yata niya kamumuhian.
Francis, Anak ng maimpluwensyadong pamilya sa kanilang lugar. Lahat ng katangian nito ay kinakainisan niya na.
Pinaka-aayaw man nila'y ito naman ang pinakahihintay ng nakararami. To be able to finally tie the knot between two influential families would be one, great event in the history in their town that everyone has long been waiting.Isang matagal ng pangako na pinangarap ng dalawang pamilya na pilit tinutupad sa henerasyon nila.
Sa araw-araw ng kanilang pagsasama, walang panahon na hindi nila ipinakita sa isa’t-isa ang lantarang pagkadisguto. Ngunit sa likod ng kaniyang di maintindihang ‘di pagkakaunawaan ay nakakubli ang isang damdaming di maipaliwanag.
Damdamin na lumukob sa kanyang buong pagkatao na kailanman ay hindi matutugunan. Sapagkat, pinagmamay-ari niya man ang buong pagkatao nito, hindi naman ang puso.
Sa dumaang panahon ay tuluyan na ring nagbago at naglaho ang dating Francis na kilala niya- total opposite na ito ngayun lalo pat magkakaanak na sila.
Ngunit, sadya yatang mailap sa kanya ang tadhana. Ang dagling kaligayahan ay naglaho ng bumalik sa buhay nila ang babaeng iniirog, hanggang sa nakunan siya.
Ang minsay naging maalab na damdamin ay napalitan na ng ga-lawak na nagyeyelong lawa. Ang minsa’y matamis na mga salita ay naging isang parang nakalalasong damu na namiminsala sa gitna ng nangingintong hardin.
Nakaya pa kaya niyang panindigan ang kasabihang “Love pulls stronger than of pain and hatred”?
Paanu nga ba iyon kung sukdulang sakit na ang iyong naranasan, pikit mata na lang ba?
Tunghayan natin ang kwentong magpapa-iyak at magpapaibig sa atin, kwento ng makabagong henerasyun na nagapos sa napaglumaan nang pangako ng kahapon.
10826 DibacaOngoing