His Rebel Wife
Inbluence
Sa kagustuhang maipagamot ang kaniyang ina at matustusan ang pag-aaral ng mga kapatid, susuungin ni Chivalry Sandimar ang lahat ng maaaring pasukin; marumin man, mahirap o delikado—na siya ring naging dahilan upang makilala niya si Gavin Ladeo Ambrosia. Inalok siya nito ng isang kasunduan: ang mabigyan ito ng anak. Ngunit taliwas sa inaasahan, hindi lang isa ang nabuo kundi dalawa.
Paano niya ipauubaya ang kaniyang mga anak sa lalaking nagkaroon na ng malaking parte sa buhay niya? Lalo pa't hindi lingid sa kaniyang kaalaman na hindi na purong trabaho ang namamagitan sa kanila... 'pagkat kusa siyang nagpaubaya nang gabing iyon dahil sa lihim na pagmamahal niya para rito.
Makakaya ba niyang panindigan ang kontrata o tatanggapin niya na lang ang karampatang parusa?