Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)
Please leave a message after the tone.
"Hi. This is Julie. Si Maria Juliena Dimagiba, tanda mo pa? Nakita nga pala kita kanina. Kasama mo 'yong boyfriend mo habang sakay kayo ng auto mo. Hindi mo siguro ako napansin kasi nobyo mo 'yong umorder para sa inyo. Oo, ako 'yong nasa drive thru. Rome... I'm sorry. Ang sama-sama ko noong mga bata pa tayo. Sorry sa lahat ng mga pambubully ko. Alam mo... feeling ko kinakarma na ako ngayon. Kasi ang yaman-yaman at ang sikat-sikat mo na, e. Tapos heto ako... kahit anong kayod ko, kahit anong sikap ko, wala pa rin. Hindi ako manghihingi ng pera sa'yo ha. Tumawag lang ako kasi gusto kong mag-sorry at sabihing..." Mahal kita, Borromeo Buendia Jr. Mahal kita kahit pansexual ka pa, bakla, o ano pa.
I hung up and sent my message, leaving my confession still untold.
1015.1K viewsCompleted