Mr. Saltzman Rejected Wife
Isa sa pinakamasakit para sa isang babae ay halos ibigay mo na ang lahat sa isang lalaki, pero hindi pa pala iyon sapat.
Labis-labis ang pagmamahal na ibinigay ni Diana para kay Jeremy. Wala na siyang itinira para sa sarili niya. Kahit alam niya na hindi pa rin nakaka-move on si Jeremy sa ex girlfriend nito ay hindi iyon inisip ni Diana. Kaya naman nang alukin siya ng ama ni Jeremy na magpakasal kay Jeremy ay hindi na nagdalawang-isip pa si Diana. Pumayag siya agad.
Akala niya ay makakalimot din si Jeremy, na mahahalin din siya nito katulad ng pagmamahal nito sa ex girlfriend. Pero iyon ang malaking pagkakamali na nagawa ni Diana. Two years being Mrs. Saltzman, pero ni isang beses ay hindi niya naramdaman na naging asawa si Jeremy sa kanya.
Mas lalo pang sinampal ng katotohanan si Diana nang biglang bumalik ang ex girlfriend ni Jeremy at mag-file ito ng divorce pagkatapos niyang malaman na buntis siya.
23 viewsOngoing