Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Strangers Got Married (Tagalog)

Strangers Got Married (Tagalog)

Malaking gulo ang nagawa ni Liam na maaaring magdulot ng pagbagsak ng kanilang kumpanya at malagay ang kanyang ama sa kapahamakan. Kaya kailangan niyang gawin ang lahat upang mailigtas ito, kahit pa ang magpakasal sa isang taong hindi niya kilala. Isang hindi inaasahang pangyayari ang nagtulak kay Crystal upang makilala ang sikat na tagapagmana na si Liam Spencer. Ang lalaking nag-alok sa kanya ng kasal kapalit ng malaking halaga ng pera. Noong una ay nag-dalawang isip siyang tanggapin ang kanyang alok, ngunit nang marinig ni Crystal kung magkano ang kayang ibayad nito sakanya ay agad rin siyang sumang-ayon, dahil matagal na niyang hangad ang pamumuhay na mas marangya at komportable kumpara sa kasalukuyan niyang kalagayan. Kahit na walang alam ang dalawa tungkol sa isa't isa, at hindi isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan ng isang mahalagang desisyon, ang dalawang hindi magka-kilalang tao ay lumagda sa isang kasunduang kasal. Ngayon, kailangan nilang mabuhay bilang mag-asawa upang maiwasan na madungisan ang reputasyon ng Spencers.
Romance
1037.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Love Resurrection

The CEO's Love Resurrection

Si Marcuz Villafuerte ay isang matagumpay na CEO at mapagmahal na ama sa kanyang anak na si Spencer. Sa kabila ng tagumpay, nakagapos siya sa alaala ng kanyang yumaong asawa, na nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Ngunit isang gabi sa isang art exhibit, nakilala niya si Lennah Jane, isang gallery assistant na nagtatrabaho ng ilang part-time jobs para lamang makaraos. Agad siyang nahulog sa simpleng ganda at kabutihan ni Lennah, na may kakaibang pagkakahawig sa kanyang nasirang asawa. Habang palaging bumibisita si Marcuz sa gallery, lalong lumalalim ang kanyang damdamin kay Lennah. Ngunit hindi lang basta pagkahumaling ang nadarama niya—may misteryosong koneksyon sa pagitan nila na hindi maipaliwanag. Sa kabila ng masalimuot na nakaraan at pagkakaibang buhay, may damdaming umaalab sa puso nilang dalawa na tila may sariling daan ng pagtutuloy. Ngunit sa pag-usbong ng kanilang relasyon, napagtanto nilang maraming bagay sa kanilang mga buhay ang tila magkaugnay. Isa itong kwento ng pagmamahalan at pagkakahanap muli sa sarili—ng dalawang taong parehong may sugat sa puso na naghahanap ng paghilom. Ngunit handa bang harapin ni Marcuz at Lennah ang lahat ng pagsubok na kasama ng bagong pagmamahalan, lalo na kung ang kanilang nakaraan ang magbabanta sa kanilang kinabukasan?
Romance
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Revenge Of Mafia Queen

The Revenge Of Mafia Queen

Alarcio Mj
si Reina ay mabait at cold na klase ng babae ngunit Hindi alam ng karamihan ay sa loob loob nito ay Isa syang malupit at walang awang tao at lingid sa kaalaman ng karamihan ay ginagawa lamang nya ito ng dahil na rin sa taas ng kanyang position ngunit Ang totoo Nyan ay Isa lamang syang simpleng dalaga na naghahangad ng hustisya dahil sa murang edad ay nasaksihan ng. inocente nyang mga Mata Ang pagkawalan ng buhay ng kanyang mga magulang ng dahil sa karanasang ito ay nabalot Ang puso nya ng puot at Galit ipinangako nya sa puntod ng kanyang mga magulang na maghihiganti sya at uubusin Ang mga kalaban at babawiin nya Ang buhay na ipinagkakait sa kanya ngunit sa Hindi inaasahang pagkakataon ay muli Silang magtatampo ng lalaking ky tagal na nyang hinihintay muling mabubuo Ang kanilang pagiibigan ngunit sa Hindi inaasahang pagkakataon malalaman nya na Ang kanyang minamahal ay anak Pala ng kanyang mortal na kaaway matutupad pa kaya Ang pinangako nya sa kanyang mga magulang na uubusin nya Ang angkan ng mga Kalaban o hahayaang nalamang na mamuuo Ang naudlot na wagas na pagmamahalan ng Dalawang taong itinakdang makaaway. Tunghayan Ang pakikipaglaban nila Reina Satory Azumi at Aix Mathew montefalco sa ngalan ng pagibig at paghihigante.
Romance
3.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Hayaang Lumipas ang mga Taon

Hayaang Lumipas ang mga Taon

“Chloe, noong bata ka pa, nag-arrange ng kasal ang pamilya natin para sayo. Ngayong nakakabawi ka na mula sa sakit mo, ayos lang ba sayo na bumalik sa Kingston City at magpakasal?" “Kung ayaw mo pa rin, kakausapin ko ang tatay mo at ikakansela namin ang engagement." Sa madilim na silid, tanging katahimikan lang ang naririnig ni Chloe. Habang iniisip ng tao sa kabilang linya na hindi niya siya makukumbinsi, bigla siyang nagsalita. “Ayos lang sa’kin na bumalik at magpakasal." Ang nanay niya, si Felicia, ay napahinto, malinaw na nagulat siya. “A… Ayos lang sayo?” Kalmado ang tono ni Chloe. "Oo, pero kailangan ko pa ng kainting panahon para asikasuhin ang lahat sa Marina City. Uuwi ako sa loob ng dalawang linggo. Mom, pakiusap simulan niyo na ang paghahanda para sa kasal.” Pagkatapos ng ilan pang salita, ibinaba ni Chloe ang tawag.
Short Story · Romance
1.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Officer's Little Wife

The Officer's Little Wife

JMC
Para ma-proteksiyunan ay ipinasya ng lolo ni Azen na ipakasal siya sa isang sundalo na anak ng kaibigan nito. The cold and aloof, Commander Captain Jack Bernandino. Dahil mahal ni Azen ang kanyang lolo kaya pumayag siyang magpakasal kay Jack samantalang tumatanaw naman ng malaking utang-na-loob ang pamilya ni Jack sa namayapang ama ni Azen kaya ito pumayag na magpakasal sa dalaga. Subaybayan kung paano mahuhulog at iibig sa isa't isa ang dalawang taong magkasalungat ang ugali ngunit pinagbuklod ng isang pirasong papel. Ngunit isang kapirasong papel din ba ang sisira sa nabuo nilang pagmamahalan? Manaig kaya ang pag-ibig sa puso ni Jack o mangibabaw ang galit sa kanyang dibdib? Makakaya bang pakisamahan ni Jack ang pasaway at batam-batang asawa samantalang mapagtiisan naman kaya ni Azen ang masungit at aloof na binatang sundalo?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Between The Words

Love Between The Words

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?
Romance
106.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Baleleng

Baleleng

Denicery Marie Juaneza always feel being neglected by someone she truly loves. She had given a thought that her life is as perfect as she planned it very well. Iniwan siya sa mismong kasal niya. Hindi naging madali ang pagsulong niya lalo pa't isang dekada ang pinagsamahan nila ng taong nang-iwan sa kaniya sa altar. Then, she met again Paulo Constancia and Ynigo Romualdez—her childhood bestfriends. Hindi niya matandaan ang dalawang lalaki pero habang nakakasama niya ang mga ito, lalabas ang katotohanang pansamantalang nawala sa kaniyang batang isipan. Ang mga nararamdamang matagal na itinago ay lalabas at maisisiwalat. Sino ang totoong baleleng ng buhay niya? Gaya ng sa kantang Baleleng, matatagalan kaya ang paghihintay nila sa tamang panahon at tamang pag-ibig?
Romance
9.93.5K viewsOngoing
Read
Add to library
INDAY AND HER LEGENDARY PANTY

INDAY AND HER LEGENDARY PANTY

Mapili si Patrick Santiban sa babae. Dapat may breeding, mahinhin, etiquette, hindi malakas tatawa, hindi magaslaw, elegante at lalong hindi easy to get. Tumama naman s'ya sa huli. Ngunit sa lahat ng ayaw n'ya ay ang pagiging hindi easy to get lang ang nakuha ng dalagang si Inday. Si Melanie, o mas kilala sa palayaw na Inday. S'ya ng gusto ng mga magulang ni Patrick para maging asawa nito. Niligtas ng magulang ni Inday ang ina ni Patrick mula sa kamatayan, at halos mag buwis ng buhay ang magulang n'ya. Sa galak at awa narin sa dalawang matanda ay inalok sila ng magulang ni Patrick, at iyon nga ay ang nakatakdang pag pa-pakasal sa dalaga upang mabigyan ito nang magandang kinabukasan ng kanilang anak. Masagana sa lahat ng bagay ang binata. Ngunit mahirap itong pakisamahan, malupit ito lalo na sa taong hindi niya gusto. Baon ang pangarap, pangaral at ang tatlong legendary panty n'ya na pinag lumaan na ng panahon. Gagawin ni Inday ang makakaya n'ya para pakisamahan si Patrick, na kahit butas-butas man ang panty n'ya at wala ng garter. Sinisiguro niya na mai-inlove parin sakaniya si Mr. Patrick Santiban.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Unexpectedly Yours, Doctor

Unexpectedly Yours, Doctor

One night is all it takes. Si Celeste Ramirez ay isang nurse na tutok sa trabaho at walang oras para sa kahit anong abala—lalo na sa pag-ibig. Pero sa isang medical conference na puno ng alak, musika, at kasiyahan, nagising na lang siya sa isang hindi pamilyar na kama, walang saplot, at walang maalala,maliban sa mapusok na init ng isang gabing kasama ang lalaking hindi niya kilala. Ilang araw ang lumipas—dalawang linya sa pregnancy test ang bumungat sa kanya. Wala ito sa plano niya. Wala siyang balak maging ina. At lalong wala siyang ideya kung sino ang ama ng dinadala niya. Handa na siyang tapusin ang lahat ng tahimik at walang komplikasyon. Pero sa mismong clinic kung saan siya magpapalaglag, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya—ang bagong doktor na hahawak sa kaso niya. Ay ang lalaking kasama niya sa gabing iyon. Ito na kaya ang ama ng kanyang dinadala? O may mas higit pang rason kung bakit sila muling pinagtagpo ng tadhana?
Romance
10749 viewsOngoing
Read
Add to library
ENTANGLED ECSTASY (FILIPINO VERSION)

ENTANGLED ECSTASY (FILIPINO VERSION)

WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, an outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. Napakarami nila at silang lahat ay lumalapit sa kanya ng kusa. Dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. Subalit, paano na lamang ang reputasyon ng kanyang ama? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan gayong ang babaeng pinili niyang pakasalan ay hindi nila kauri. At ayon sa kanyang ama ay magdadala ng malaking kahihiyan sa kanilang angkan. Nakahanda ba siyang manindigan para sa nag-iisang babaeng nagpaligalig ng puso niya? Willing ba siyang kalabanin ang kaniyang ama kahit ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng lahat ng mayroon siya at lahat ng pinaghirapan niya? Susugal ba siya para kay Lara na walang alam sa tunay niyang pagkatao? Ano nga ba ang kinabukasan ng isang pagmamahalang sa simula pa lang ay puno na ng kasinungalingan at pagpapanggap?
Romance
1024.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status