Entangled Hearts
Arthemis_Aine
"I accepted everything, even your unborn child na walang ama tapos susuwayin mo ang utos ko? Akira gusto mo bang lumaki ng walang kinikilalang ama 'yang anak mo?"
Sermon, yan ang palaging bungad ng stepmother ko sa tuwing pupunta ako dito sa bahay.
Tumingin ako sa mga mukha nito, halata dito ang galit at inis. Napayuko lang ako dito sa sofa habang nakaupo. All my life I was a spoiled brat girl but in one night, in just one mistake nagbago lahat.
Nakita ko ang pag hakbang nito palayo, ngunit bago pa man siya makaalis ay nagsalita muna ito.
"You have no choice Akira, its either abort that child or marry Mr. Briar."
"WHAT?"
Sa sobrang gulat ay napasigaw ako at napatayo, napahinto naman si tita Belle. Lumingon ito sakin na parang nagtatanong kung bakit ako sumigaw.
"A-anong si Mr. Briar?"
"Yes, Mr. Reigh Briar. You know him right? Sila ang number 1 kalaban ng pamilya natin this coming election, so kung maikakasal ka sa kanya, you'll be staying there and be our spy."
"Pero—"
"No buts Akira." may diing sabi nito at tuluyan ng umalis.
Si Reigh? Sa lahat ng lalaki si Reigh pa talaga? Why him? Kaya ko nga di pinaalam sa kanila kung sino ang ama ng batang nasa sinapupunan ko ay para lumayo sa kanya tapos ngayon siya ang papakasalan ko?
PAPAKASALAN KO ANG EX KONG AMA NG DINADALA KO?
102.0K viewsOngoing