Isabella Flores
Isabella Flores, isang dalagang pinambayad utang ng sariling ama. Bunga siya ng kataksilan at siya ngayon ang nagdurusa sa kasalan na ginawa ng kaniyang mga magulang. Buong buhay niya, ginawa siyang alila sa mansyon na mga Bustamante—ang legal na pamilya ng kaniyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tiisin ang pagmamalupit sa kaniya sapagkat wala siyang ibang matutuluyan. Buong akala niya ay sapat na ang pagpapakaalila niya upang bayaran ang kasalanan ng magulang niya, subalit higit pa pala roon ang kailangan niyang isakripisyo, dahil kailangan niyang pakasalan ang pinagkakautangan ng kaniyang ama—si Maximo Castellano. Mayaman, makapangyarihan at matunog ang pangalan nito lalo na sa mundo ng negosyo, subalit wala pang nakakakita kung ano tunay na hitsura nito. Ganunpaman, ang katotohanang magpapakasal si Isabella sa taong hindi naman niya mahal ay malaking kahibangan para sa kaniya lalo na't hindi naman siya ang orihinal na ipambabayad utang kundi ang nakatatandang kapatid na babae—si Catriona Bustamente.
Ano kaya ang posibleng mangyari sa oras na malaman ni Maximo na ang pinakasalan niyang dalaga ay hindi pala ang ipinangako sa kaniya? Panibagong dagok sa buhay na naman kaya ang dadanasin ni Isabella o kabaliktaran ito sa inaasahan niya?
106.5K DibacaCompleted