Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Painful Love (Gorgeous Men Series 23)

The Billionaire's Painful Love (Gorgeous Men Series 23)

Miss Virgo
Dahil sa pamimilit ng magulang ni Griffin Zale Kellneer na ipakasal siya sa babaeng hindi naman nito minahal ay napilitan siyang pakasalan ang babaeng si Samantha Lagdamiyo.  Isang pekeng kasal kapalit ng limang milyong peso.  Sa loob ng isang buwan na nagsama sila sa iisang bubong, hindi man aminin ng dalawa ay minahal nila ang isa't-isa.  Walang sikretong hindi nabubunyag. Kaya nung malaman ng magulang ni Griffin na peke lang ang kanilang pagsasama ay lumayo si Samantha dala ang perang kapalit ng kasal.  Makalipas ang limang taon nagbalik si Samantha dala ang batang babae, ipinakilala itong anak ni Griffin.  Ngunit sa hindi inaasahan ay ito rin ang naging hudyat ng pagkamatay ng ama ng binata.  Labis ang pagsisi ni Samantha dahil kinamuhian siya ng lalaki at ito rin ang dahilan upang hindi tanggapin ng binata ang pinakilala nitong anak. Ngunit tila mapaglaro ang panahon, dahil isang pagkakamali ang ginawa na paghihiganti ni Griffin kay Samantha. Mapapatawad pa kaya niya ang babae? Maibabalik pa ba niya ang kanyang pagmamahal kay Samantha? O mananatili na lang ang kanyang pagkamuhi sa babae? Gayong kailangan siya ng babae ng magbalik ito sa kanyang buhay. 
Romance
10747 viewsOngoing
Read
Add to library
The Cursed King

The Cursed King

Elona Del Santiago, Deshe-shete anyos, palaban at palaging positibo sa buhay. Lumaki siya sa pang-aabuso at pananakit ng kanyang tiyahin sa kanya. Gusto lang naman ni Elona ng isang matiwasay na buhay kung saan kahit magkanda ugod-ugod na siya sa pagtatrabaho ay okay lang. Basta mayroon lang siyang matatawag na pamilya. Titiisin niya. Hanggang dumating ang araw na nakilala niya si Laurier, isang maginoo na lalaki. Ngunit paano kung…malaman ni Elona ang pinakatago-tago nitong sekreto? Paano kung…hindi siya pangkaraniwang tao dito sa mundo? Handa ba’ng talikuran ni Elona ang lahat-lahat at tanggapin si Laurier? O, magiging isang madilim at masayang bangungot nalang ang lahat?
Romance
8.73.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Ruthless BILLIONAIRE

The Ruthless BILLIONAIRE

Ang mundo ni Dylan Montenegro ay umiikot sa kita at kapangyarihan hanggang sa araw na makilala niya si Trixie Lopez, isang masiglang babae na ang walang pakialam na personalidad ay yumanig sa kanyang matibay na buhay. Nang hindi alam na nag-a-apply para sa isang kalihim na tungkulin sa ilalim ng kasumpa-sumpa na CEO, ang maliwanag na ugali ni Trixie ay sumasalungat sa malamig na aura ni Dylan, na humahantong sa komedya na hindi pagkakaunawaan at hindi inaasahang mga sandali ng kahinaan. Kung ano ang nagsisimula bilang patuloy na pagtatalo ay nagiging mas malalim, ngunit hindi walang mga hamon ng paninibugho, personal na mga lihim at tunggalian.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
You Are Mine, Alice (Siblings Series)

You Are Mine, Alice (Siblings Series)

After knowing that her parents arranged her marriange with her mortal enemy. Alice run away from Drei immediately and do fake her identity so her parents and Drei can't trace her. Ginawa ni Alice ang lahat upang hindi siya mahanap ng kanyang mga magulang at para hindi ma-ikasal sa mortal niyang kaaway-hanggang sa isang araw nagising na lang siya na katabi niya na ang lalakeng tinakbuhan niya limang taon na ang nakalipas. Gulat at Pangamba ang naramdaman ni Alice nang magising habang katabi si Drei. Ilang beses niyang sinubukang tumakas at mag iba ng bansa.... Makakatakas pa kaya si Alice sa mga bisig ni Drei?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Sweet Revenge (Atty. David Loyola)

Sweet Revenge (Atty. David Loyola)

“Limang milyon at proteksyon mula sa mapang-abuso mong pamilya kapalit ng anim na buwan na pagiging asawa ko?!” Isang tanong na makakapagpabago ng buong buhay ni Xyrille Himenez. Si Xyrille Himenez ay isang Room Cleaner Supervisor sa isang cruise ship na pag-ma-may-ari ng kaniyang long time boyfriend na si Tim Loyola ngunit dahil sa kasakiman sa pera ng kaniyang pamilya , sa unang araw ng kaniyang bakasyon sa Pilipinas ay magagawa siyang ibenta ng kaniyang sariling kadugo sa isang matandang mayamang matagal ng may gusto sa kaniya. Walang ibang pumasok sa isip niya kundi humingi ng tulong sa kaniyang boyfriend na si Tim ngunit laking gulat niya ng mas pinili nito ang project na inaalok sa kaniya abroad kaysa sagipin siya. Isang umaga. Matatagpuan na lang niya ang sarili niya na kasama ang pinsan ni Tim na si Atty. David Loyola sa iisang silid na hubo’t hubad. Matutulungan nga kaya ni Atty. David si Xyrille laban sa kaniyang pamilya? Matututunan nga bang mahalin ni Xyrille ang kaniyang asawa? Anong mga tinatanong lihim ang bumabalot sa pagkatao ni Atty. David? At paano nila haharapin ang pagbabalik ng pinsan niyang si Tim Loyola?
Romance
108.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Love I Tried to Hide

The Love I Tried to Hide

Noong gabi bago ang kanyang kasal, gumuho ang mundo ni Tyrra. Nahuli niya ang kanyang kasintahan sa kama kasama ang kanyang kapatid na babae. Nadurog ang puso, nakilala niya ang isang guwapong estranghero at nagpalipas ng gabi sa kanya. Pagsapit ng umaga, wala na siya. Makalipas ang anim na taon, si Tyrra ay isang single mom na may magandang karera. Hinihiling sa kanya na kapanayamin ang isang mayaman, pribadong lalaki at ang parehong lalaki mula noong gabing iyon. Ang kanyang pangalan ay Lemar Domino. Kilala niya agad. Ilang taon na niya itong hinahanap. Nag-aalok si Lemar ng deal: gumugol ng isang buwan sa kanya, at maaari siyang magkaroon ng pakikipanayam. Hindi sigurado si Tyrra. Gusto niya ang pakikipanayam, ngunit gusto niya ring kalimutan ang nakaraan. Habang nagsasama sila, nagsisimula silang maging malapit. Ngunit tinatago ni Tyrra ang katotohanan. Hindi alam ni Lemar na siya ang ama ng kanyang anak. Lalong lumala ang mga bagay nang ang seloso na kapatid ni Tyrra na si Grace ay sinubukang kunin si Lemar para sa kanyang sarili. Mawawasak ba sila ng kanilang mga sikreto at hindi pagkakaunawaan? O patatawarin ba ni Tyrra, bubuksan ang kanyang puso, at muling mahahanap ang pag-ibig?
Romance
365 viewsOngoing
Read
Add to library
One Intimate Night With A Billionaire

One Intimate Night With A Billionaire

Norine Diapen
Inimbitahan ni Monique ang kanyang mga empleyado sa kanilang farm at mansion for her post birthday celebration. During that night ay nagkaroon sila ng small drink session. Hanggang sa may dumating na dalawang lalaki sa mini bar ng mansion. One of whom was Jarred. Unang kita pa lamang ni Celia rito ay namangha na siya. Mukha itong prinsipe sa mga fairy tales. Guwapo, matikas, at mukhang mabango. Ngayon lamang yata siya nakakita ng ganito kaguwapong lalaki sa tanang buhay niya. Panakaw at palihim niya itong tinititigan. Hanggang sa panlabuan na siya ng paningin dala ng epekto ng alak na nainom. Being the virgin that she was, never in her wildest dream she had thought she would one day yield to a stranger’s advances. Sa parehong gabing nagkakilala sila ni Jarred ay kusa at buong loob niyang ipinagkaloob ang sarili rito. Which became the biggest scandal ever happened in the Sandival mansion. Pinangako niyang hindi na muli pang magku-krus ang mga landas nila ni Jarred. For he caused nothing but misery. Pero iba ang itinadhana. Dahil ang taong pinaka-pinagkakautangan niya ng loob ay may kaugnayan sa lalaki. Ba’t ba siya pinatulan ni Jarred gayong napakaganda pala ng girlfriend nito? Hanggang kailan nila maitatago ang mga lihim ng kahapon?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Nang dahil sa hirap ng buhay walang nagawa si Elyze kundi humingi ng tulong pinansyal sa kaniyang long time boyfriend na si Renz nang lumala ang sakit ng kaniyang ate Hope na asthma at nagkaroon pa ito ng komplikasyon sa puso. Kaya lang nagalit si Renz nang mag usap sila sa labas ng Hospital. Nag away silang dalawa at nauwi sa sumbatan. Naghiwalay sila dahil hindi matanggap ni Elyze na pagsasalitaan siya ng hindi maganda ni Renz. Narinig naman ni Oliverio ang pag uusap nang dalawa at nang tumakbo palayo si Elyze bumangga siya sa nakapaguwapong Bilyonaryo walang iba kundi si Oliverio, na siya ring CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Nakilala naman ni Elyze ang Boss kaya mas lalo siyang nahiya dahil naiyak siya nang mga oras na iyon. Hindi naman pinalampas ni Oliverio ang pagkakataon at inalok ng Kontrata tungkol sa kasal ang dalaga kapalit ng pagtulong nito sa problema niya. Dahil walang ibang pagpipilian pumayag si Elyze para maisalba ang kapatid. Ikinasal sila at napagamot ang kaniyang ate. Habang tumatagal nahulog sila sa isa't isa at nanatili silang in denial sa nararamdaman. Hahamakin kaya nila ang lahat para sa pag ibig?
Romance
1021.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Lucifer's Downfall

Lucifer's Downfall

MnemosyneMin
Upang mabuhay tinaggap ni Rann ang alok ng lalaking estranghero isang gabi ng kanyang pagtakas. Ginawa niya ang sinabi nito, naging asawa siya ng kanyang tagapagligtas, at handa siyang ibigay dito ang lahat. Ngunit pagdududahan ni Rann ang sariling desisyon nang matuklasan ang demonyong nagtatago sa likod ng matamis na ngiti ng kanyang asawa.
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Stranger who Loves my Twin Sister

The Stranger who Loves my Twin Sister

Sa mundo ng karahasan, matagpuan pa kaya ang tunay na pagmamahal? *** Simula pagkabata, naranasan ni Gaia ang pangungutya at pang-aalipusta dahil sa kakaibang marka na tinataglay niya. Itinuturing siyang salot na dapat layuan at iwasan. Lumayo siya sa karamihan at namuhay mag-isa, ngunit umaasa pa rin siyang magbabago ang takbo ng buhay niya. Isang araw, napili si Gaia bilang premier guard sa doom’s gate–ang pinaka-delikadong lugar sa buong kaharian. Akala niya’y simula na iyon nang pagbabagong gusto niya, pero paraan lamang pala iyon para mawala siya. Iba’t-ibang panganib ang hinarap ni Gaia, hanggang mawalan siya ng tiwala sa mga taong nasa paligid niya, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Aurus La Mier–ang estrangherong nagmamahal sa kakambal niya. Tutulungan siya nito, pero hindi para sa kaniya kundi sa kapatid niya. Paano haharapin ni Gaia ang mga bagong pagsubok sa pagdating ni Aurus? Mapigilan niya kaya ang puso na huwag umibig sa binata?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status