Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MY BOSS, MY SECRET HUSBAND

MY BOSS, MY SECRET HUSBAND

Ang maganda at masayang relasyon ni Amaya at ng nobyo niyang si Anthony ay biglang nagbago dahil sa isang gabing muntik na siyang mapagsamantalahan ng mga lalaking tila sabog sa ipinagbabawal na gamot. Lumaban si Anthony para sa kaniya, ngunit sa kasamaang-palad, may isang nagbuwis ng buhay ng gabing 'yon. Nakapatay si Anthony at nakulong dahil sa pagtatanggol sa kaniya. At bilang pagbawi, ginawa ni Amaya ang lahat para makausap si Atty. Nicholas San Martin --ang magaling na abogadong kilala niya. Hiningi niya ang tulong nito para matulungan ang nobyo na makalaya. Ngunit nabigo si Amaya, tinanggihan siya ng lalaki at umalis pabalik ng Maynila. Walang balak sumuko si Amaya para sa nobyo. Ngunit hanggang saan niya kayang lumaban para dito kung ang hinihinging kapalit ni Atty. Nicholas para sa pagtulong na gagawin ay siya mismo. "You want me to help him? Then, marry me." Nawindang si Amaya sa alok ng boss niya. Pagpapakasal dito kapalit ng tulong para sa kaniyang nobyo? Dalawa lang ang pagpipilian niya, magpapakasal kay Atty. Nicholas kapalit ng kalayaan ni Anthony o tatanggi siya kapalit ng habambuhay na pagkakabilanggo ni Anthony.
Romance
103.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Art of Destiny

Art of Destiny

Juanmarcuz Padilla
Dahil sa labis na pagkagahaman sa yaman, ang lihim pala ng pagpapakasal ni Rose Mary Gaile De La Luna Villadencio kay Kent Jino Zeke Domingo ay isang plano ng paghihiganti. Walang alam ang binata na matagal na itong pinagplanuhan ng ama ni Rose Mary na si Jonathan Villadencio at maging ang lihim na relasyon nina Rose Mary at Drax Steve Del Valle. Ang kasal ang magiging katuparan ng masamang tangka ng pamilya kay Jino at sa mga taong mahal niya. Hanggang sa nagising na lamang si Jino sa isang Isla sa Palawan na taglay ang pangalan ni Jino Favila, ang yumaong nobyo ni Naikkah Mae Miraflores. Kung sining ng tadhana ang naganap para magkita sina Jino at Naikkah, sapat na ba ang pagkikita nila para sabihin na sila talaga ang para sa isa't isa? Paano ang pagiging legal na asawa ni Jino sa kay Rose Mary? Sino kaya ang pipiliin niya? Ang dating pag-ibig na nagdala sa kaniya sa kapahamakan? O ang isang buhay na nasa sinapupunan ng babaeng hindi niya kilala pero natutunan na niyang mahalin?
Romance
102.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Me Harder, Mr. Billionaire

Love Me Harder, Mr. Billionaire

"Hindi ito isang laro lang, Vanilla. Simula noong pumayag kang maging girlfriend ko, hindi ka na makakatakas pa sa akin." salitang namutawi sa labi ni Zakari habang nakatitig sa magandang mukha ni Vanilla na nasa harap niya. Nag-umpisa ang lahat sa isang pagkukunwari at laro-laruang pag-ibig. Nag-umpisa ang lahat sa panluluko ng kasintahan ni Vanilla na so Darren. Isang pagkukunwari lang naman sana ang lahat pero bakit parang gusto yata ni Zakari na totoohanin ang lahat at tuluyang agawin sa mismong kaibigan ang sarili nitong nobya? "Bro, ipinagkatiwala ko lang siya sa iyo pero hindi akalain na totoohanin mo pala ang lahat. Vanilla is my girlfriend. I love her at pwede bang ibalik mo na siya sa akin?" si Darren na walang ibang hangad kundi ang makuha ulit ang babaeng kanyang iniibig. Oo, nagkamali siya pero sana hindi iyun maging mitsa para agawin ng sarili niyang kaibigan ang kanyang nobya. Sino ang pipiliin ni Vanilla? Ang boyfriend niyang si Darren na nagawa siyang lokohin or si Zakari na walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa kanya na pag-aari siya nito?
Romance
9.488.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita

PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita

Sa edad na labinwalong taong gulang, na-in-love si Senyorita Valeria Fuentes sa isa sa mga tauhan ng kanyang ama na si Carlos Guerrero Hindi niya alintana ang malaking agwat ng kanilang pamumuhay. Langit si Valeria, lupa si Carlos at kahit kailan hindi pwedeng magtagpo ang dalawa lalo na at alam nilang tututol dito ang ama ni Valeria na mata-pobre. Ngunit, walang sekreto na hindi mabubunyag. Pagkatapos kasing malaman ni Don Juanico na nakipagrelasyon ang anak niyang si Valeria sa isang patay gutom na si Carlos, isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan Pinapatay niya si Carlos kasama ang mga magulang nito! Paano tatangapin ni Valeria ang lahat kung ang sarili niyan Ama ang naging dahilan ng pagkadurog ng puso niya? Paano siya babangon kung isang araw, bigla na lang magpakita ulit sa kanya si Carlos, buhay at handang maghiganti sa kanyang ama pati na din sa kanya? Mananaig pa ba ang pag-ibig or galit ang mangingibabaw sa mga pusong nasaktan? Hangang saan at kailan kakayanin ni Valeria ang hagupit ng paghihiganti ni Carlos Guerrero?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Deception : Revenge Of The Unwanted Lover

The Deception : Revenge Of The Unwanted Lover

Sa isang pustahan ng mag inang Ellicia Guevara at Ellara Guevara nagsimula ang lahat. Hinamon ni Ellara ang kanyang ina sa isang pustahan, alang-alang sa panandaliang kalayaan na mahalin at paibigin si Gabriel Zerosa. Pumayag naman ang Ginang sa gusto ng dalaga ngunit kaakibat noon ang ilang rules. That once she lose the bet, babalik siya sa kanila at paninindigan ang pagiging tagapagmana. Sinimulan ni Ellara ang planong paglapit kay Gabriel kasabay ng pagtalikod sa kanyang tunay nakatauhan. From a rich, popular and happy go lucky girl. Nag-transform si Ellara bilang masunurin at mabait na babae sa paningin ni Gabriel. Nagawa ni Ellara na hindi lang basta makalapit sa lalaki kundi manatili na rin sa piling nito. Wherever Gabriel goes, Ellars is always beside her. Kahit na magmukhang desperada Ellara never leave his side. On Gabriel’s birthday, Ellara knew na talo na siya. To make things seems right. She acted the way she used to be. Pero may mga taong matalim ang dila lalo na sa ikakasira at ikakasakit ng damdamin ng iba. Nagkaroon ng pagkukumpara ang iba hanggang sa nadawit na ang pangalan ni Ellara kaya nararamdaman ng babae na dapat niyang ibangon ang kanyang dignidad. “Minsan na akong na talo. I won’t allow you again to defeat me.” Out of nowhere, as a random but smooth revenge in-announce ni Ellara na engage na siya sa anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa italya na walang iba kundi si Hector Lombardi na isa sa guest of honor ng event. Agad umahon ang mga haka-haka, walang sino man ang nakakita sa binatang binanggit ni Ellara. Dahil ilang ulit man itong imbatahan wala itong pinaunlakan. Ngunit sa isang iglap dumating ang lalaki claiming Ellara as his fiancee. Nagbago lahat sa paligid kahit si Gabriel ay hindi makapaniwala.
Romance
10301 viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Twin Heir

Hiding The Billionaire's Twin Heir

Lumaki si Louise na mulat sa panglalalaki ng kaniyang ina na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil pinili ni Louise na sumama sa kaniyang ama, naranasan niyang apihin ng mapagmataas na pamilya ng kaniyang ama. Wala na halos mapuntahan si Louise, pakiramdam niya kalaban niya ang mundo, lalo na nang mapag-alaman niyang niloloko siya ng kasintahan at matalik na kaibigan. Sa paghahangad niyang makalimot sa lahat, isang gabi ang bumago ng tuluyan sa takbo ng buhay ni Louise ng makatalik niya ang pinakamayaman at kilalang bilyonaryo sa bansa. Ang bilyonaryong ito ay matagal ng naghahangad na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit dahil sa isang sekretong napag-alaman ni Louise tungkol sa lalaki ay labis siyang natakot para sa kaligtasan ng kambal na pinagbubuntis niya. Naisipan ni Louise na magtrabaho bilang sekretarya sa kompanya para mabantayan ang bawat galaw ng bilyonaryo at masiguradong hindi sila mahahanap ng kambal. Gayunpaman, ginagawa ng bilyonaryo ang lahat at habang nakikita ni Louise kung gaano ito kapursigido na mahanap ang kambal ay mas lalo rin niyang nakikilala ang tunay na katauhan ng misteryosong bilyonaryo. Ngunit kung kailan pa naging sapat ang dahilan niya para ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito ay matutuklasan niya na ang sariling ama ang dahilan sa likod ng panganganib ng buhay ng bilyonaryo at ng kambal. Napagtanto ni Louise kung gaano kagahaman sa pera ang ama at gagawin nito ang lahat kahit mapahamak pa sila ng anak mga niya. Sa puntong ito magbabago ang kagustuhan ni Louise sa buhay — ipagkakatiwala niya ang kaligtasan ng kambal sa bilyonaryo at tutulungan itong pabagsakin ang ama at ang pamilya nitong umapi sa kaniya.
Romance
108.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Forbidden Love

Forbidden Love

Taggy
Nazli met Kyle in an accident where in the end she became his personal assistant. Sa kanilang pagsama ay nahulog sila sa isat-isa na kahit alam ni Nazli na may fiance na ang lalake. Okay na sana ang kanilang pagmamahalan ngunit isang katotohanan ang malalaman ni Nazli sa ex fiance ng kanyang lalaking mahal.
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Betraying the Heiress: TAGALOG

Betraying the Heiress: TAGALOG

Pagkatapos nang panloloko ni Stefan kay Eli dahilan nang pagkamatay ng anak niya, nagsumikap siya upang maging isang magaling na Doctor. Makalipas ang limang taon, pagtatagpuin silang muli sa pinaka-komplikadong sitwasyon. Gagawin kaya ni Eli na sagipin ang buhay ng asawa ng taong nanakit sa kaniya noon?
Romance
105.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's First Love Has a Secret Child

The Billionaire's First Love Has a Secret Child

Kapwa may inililihim ang magkasintahang Diana at Ryan sa isa't-isa. Si Diana, ang napipintong arranged marriage nito sa isang mayamang binata sa kanilang bayan. Si Ryan, ang pagtatago nito ng kanyang pagkatao bilang unico hijo ng bilyonaryong angkan. Isang taon ng pagmamahalan at kinailangan na ni Diana na umuwi upang tuparin ang pangako sa pamilya. Sa gabi ng kanilang hiwalayan, nagpakalasing ang binata at inakalang may nangyari sa kanila ni Jade, ang kaibigang matalik ni Diana. Punong-puno ito ng pagsisisi sa nangyari. Pitong taon ang lumipas at nagkrus muli ang kanilang landas. Paano na lang kung malaman ni Ryan na hindi pala si Jade ang kanyang nakasama nang gabing iyon kundi si Diana? Ano kaya ang mangyayari kapag napagtanto nito na ang isang gabi ng kalasingan at kahinaan ay nagbunga pala ng isang bibo at matalinong bata?
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Orphan Wife

My Orphan Wife

Noong birthday ng single mother na si Grace Saavedra ay hinayaan ng anak nito na si Dexter na matupad ang hiling ng ina. Ang magkaroon pa ng isang anak. Anak na babae. Sa isang ampunan, nakita ni Grace ang sampung-taong gulang na si Heather. Dinala sa bahay, at doon nakilala ni Dexter ang bagong kapatid niya. Si Heather na madalas niyang kaaway pero naging malapit sa kanya. Hanggang lumipas ang taon, ang batang si Heather ay isa ng dalaga, magandang dalaga. At iba na ang nararamdaman sa kanyang kuya na sampung taon ang agwat sa kaniya? Paano ba masasabi ni Heather ang nararamdaman para sa kapatid niya na hindi man niya tunay na kadugo ay para na niyang tunay na pamilya? Matatanggap ba kaya ni Dexter ang pag-ibig ng ampon niyang kapatid?
Romance
585 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status