Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Isang gabi sa piling ni Bakla

Isang gabi sa piling ni Bakla

PROSERFINA
Kung hindi pa malalagay sa malalang karamdaman ang ina ni Basha, hindi niya malalaman ang kanyang tunay na pagkatao. Hindi niya akalain na anak siya ng isang mayamang businessman. Sa kagustuhan na maoperahan ang kanyang Ina ay lumuwas siya ng maynila upang humingi ng tulong dito. Ngunit kahihiyan lamang ang inabot niya dahil pinagtabuyan siya nito at hindi kinilalang anak. Dahil sa kaibigan niyang si Myla nagkakilala sila ni Diego. Naghahanap kasi ito ng surrogate woman na papayag makipagtalik sa kanyang nobyo na si Thaddeus upang magkaroon ng anak at maipamana kay Thaddeus ang lahat ng ari-arian ng kanyang lolo. Pumayag siya sa isang gabi kapiling ang isang bakla upang tuluyang mapaoperahan ang kanyang ama at dalhin ang magiging anak nito. Nakipagsiping si Basha habang nakatakip ang kanyang mga mata ay patay ang ilaw kaya hindi niya alam kung ano ang anyo ng lalaking katabi niya sa kama. Simula nang makatikim ng babae si Thaddeus ay palagi na niyang naalala ang gabing angkinin niya ang babae. Hangang sa humantong sila sa kasal at kasunduan. Mapanindigan kaya ni Basha at Thaddeus ang kunwaring pagsasama nila para sa kasal at upang mailipat kay Thaddeus ang hinahangad na mana? Magawa kaya ni Thaddeus na iwan si Diego at talikuran ang ilang taon nilang relasyon upang mas maging tahimik ang kanyang buhay at maging asawa at ama sa dinadala ni Basha?
10979 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Talaarawan ni Corazon

Ang Talaarawan ni Corazon

irelle
Mahinhin, maingat sa kinikilos, mahinahon, mapagkumbaba, at mapagtimpi. Yan ang mga katangian ng isang Maria Clara. Pambahay lamang ang mga babae at hindi ito pwedeng makipagsalamuha sa mga kahit kaninong lalaki. Pero paano kapag ang babae ay magpapanggap na lalaki? Basahin natin at subaybayan ang mga isinusulat ni Corazon sa kanyang talaarawan bilang isang babaeng naging guardia civil sa panahon ng mga Kastila.
104.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Babae Sa Barko

Ang Babae Sa Barko

Bossy, strict hardworking, workaholic and still single at the age of 25 dahil sa pagiging mataray nito. 'Yan si Colleen Brylle Castro, isang Chief Engineer ng isa sa malaki at sikat na luxury cruise ship na lumilibot sa buong Europe at Asia. Isang hot at gorgeous seawoman na pinapangarap ng lahat pero tinatarayan lang nito at nilalagpasan. Sa pagiging workaholic nito ay wala itong oras na inaaksaya para lamang makipagtalo o kaya ay makipag-date sa kung sino man. Ano kaya ang mangyayari kung aksidenteng makilala niya ang 21 years okd na bubbly, playgirl at spoiled brat na 'rich kid' at isip batang si Jane Mondragon na wala nang ibang ginawa kundi ay kulitin siya? At ano ang gagawin ni Jane kung talagang parang nakababatang kapatid lang ang tingin ni Coleen sa kanya kahit 'di niya pa rin mapigilang ma-in love dito dahil sa pagiging sweet at maalaga nito? Tanggapin kaya ni Coleen ang umuusbong na nararamdaman niya para kay Jane kahit alam niya'ng mali dahil sa pagiging kapwa babae nito?
105.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ex-Husband, Hindi Mo Ako Pag-aari

Ex-Husband, Hindi Mo Ako Pag-aari

"Hinding-hindi ko na siya mamahalin!" Si Dexie Hansley ay ang nakamamangha at mapagmahal na asawa ni Luke Huxley Dawson, ang bata, kaakit-akit, at matagumpay na pinuno ng isang bilyong dolyar na kumpanya. Sa kabila ng pangako ni Dexie kay Luke Huxley Dawson, hindi niya kailanman natanggap ang pagmamahal at atensyon na kailangan niya mula sa kanya bago ang kanyang hindi napapanahon at trahedya na pagpanaw. Matapos makakuha ng pangalawang pagkakataon sa buhay, kinumpleto ni Dexie ang diborsyo at tinapos ang kanyang isang panig na relasyon kay Luke Huxley Dawson. Gayunpaman, ang desisyong ito ay nag-trigger ng pagbabago kay Luke Huxley Dawson, na ngayon ay lantarang lumalaban sa kanyang nakaraang pag-uugali. Maisasaalang-alang pa ba ni Dexie na bigyan ng isa pang pagkakataon si Luke Huxley Dawson na mabawi siya? Ano ang mangyayari kapag sinubukan ni Luke Huxley Dawson na bawiin siya?
106.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ang Hot Na Mekaniko

Ang Hot Na Mekaniko

Si Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng matipuhan ay nakukuha nya. Pero paano kung sa isang dalagang mas bata sa kanya ng labing tatlong taon sya nakaramdam ng init na katawan? Na ang turing sa kanya ay parang kuya. Mapigilan nya kaya ang pagnanasang nararamdaman sa dalaga o magpapaalipin sa nais ng katawan na maangkin ito. Pierre Allen Rosca at Anika Robles story.
108.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Lahat ay ginawa na ni Raquel para mahalin siya ng kaniyang asawa subalit wala itong ginawa kung hindi ipadama sa kaniya na hindi siya mahal ng lalaki. Nagpakaalipin siya para lang makuha ang inaasam na pagmamahal mula sa asawa subalit sarado ang puso nito para sa kaniya hanggang isang araw ay nagising na lamang si Raquel na pagod na. Pagod na siyang mahalin ito, intindihin, at magtiis sa paulit-ulit na pagtataksil kaya't nang alukin siya nito ng paghihiwalay ay kaagad naman niyang tinanggap. Umuwi si Raquel sa kanilang probinsya dala ang balitang buntis siya sa asawa at pinangakong hindi na babalik. Ikinagulat ng lahat ang bigla na lamang pagsunod ng kaniyang asawa na nagsusumamong tanggapin niya ito at siya naman ngayon ang hinahabol-habol ng bilyonaryo niyang asawa.
103.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One-night Stand Kasama Ang Bilyonaryo

One-night Stand Kasama Ang Bilyonaryo

Habang naghihilom ang kanyang puso at pag-yurak sa kanyang pride, si Abigail Marie Fuentebella Sandoval ay pumuslit sa engagement party ng kanyang ex-fiance. Mula sa isang tabi, masakit niyang pinapanood ang pagtataksil habang nagpapakalasing sa champagne. Ang kanyang boyfriend sa loob ng walong taon na ngayo’y ama ng batang dinadala ng kanyang mapanlinlang na stepsister. At napakasaya nilang magkasama. Upang makaganti, nakilala nya ang isang lalaking kapansin-pansin mula sa hanay ng mga ginoo. Na ang buong akala nya ay isang mahalagang tao. Ngunit siya naging tampulan ng katatawanan dahil nakilala nya ay isang ordinaryong tao lamang. Siya ay pinagtatawanan dahil ang nakilala nya ay hindi kahalintulad sa kanyang mayamang ex-fiance, Presidente ng F&D Group of Companies, Justin Del Castillo Mula sa milyonaryong boyfriend, ang lalaki ay hirap sa buhay na halos hindi sila makapag-date sa mamahaling hotel na pag-aari ng kanyang pamilya. Lingid sa kaalaman ng lahat, at ni Abigail, hindi siya nagkamali nang gabi yoon. Tama silang lahat. Ang lalaking nakilala nya ay hindi milyonaryo… …Kundi isang BILYONARYO. Ang business tycoon na si CEO Lucas Alexander Montes Wright. Panganay na anak ng pinakamayamang pamilya sa mundo at tagapag-mana ng Petrov Mafia.
1030.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Habol Ang Secretary Wife

Habol Ang Secretary Wife

"Talaga bang pumunta ka dito para sabihin sa akin na kasama mo ang ibang babae na nakasiping at nabuntis mo?" “Ano?” Si Travis ay ang nagsalita, ang boses niya ay ipinakita ang gulat habang nakatingin siya mula sa akin papunta kay Kian. Ang madalas na blankong tingin ni Kian ay nanatili na para bang hindi siya apektado sa sakit na dulot niya sa akin. “Wag natin itong gawin dito, Leslie. Alam mong hindi ko siya pwedeng iwan ng basta-basta.” Suminghal ako. “Kahit kailan ay hindi kita pinigilan. Alam mo? Dapat ay hindi ka na pumunta dito. Nanatili ka na lang dapat kasama niya dahil doon na ang katapatan mo ngayon at wala na ako sa buhay mo.” Kumunot ang noo ni Kian, lumapit siya at tinakot niya ako ng konti gamit ang tangkad at maskuladong katawan niya, “Anong ibig mong sabihin? Asawa kita.” "Ex-wife," binibigkas ko ang mga salita nang hindi man lang nag-iisip. Hindi ko inisip ang alinman sa mga ito ngunit wala akong pakialam dahil ang aking buong pagkatao ay tila sumasang-ayon na ito ang pinakamahusay para sa akin. “Gusto ko ng divorce, Kian.” Lumaki ang mga mata niya, hindi niya mapigilan ang gulat dahil sa mga salita ko at proud ako sa sarili ko na nakakuha na rin ako ng reaksyon na hindi galit o lamig mula sa kanya. “Ang parehong divorce papers at resignation ko ay makakarating sayo sa madaling panahon.” Ang dagdag ko bago pa mawala ang gulat niya at hindi ko siya hinintay na sumagot habang humarap ako sa gulat rin na si Travis. “Ihatid mo ako pauwi, Travis.”
105.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Gisingin ang Puso

Gisingin ang Puso

Clara Alonzo
Langit at lupa. Isang heredera si Camilla Montoya na umibig sa anak ng katiwala na si Santiago Santos. Ang pag-ibig nila'y puro at wagas. Minahal niya ang binata higit sa inaasahan at handa siyang iharap nito sa dambana. Perpekto ang lahat para sa dalaga kung hindi lamang nakialam ang tadhana. At lahat ng pangarap niya'y nasira para sa kanilang dalawa. Lumipas ang ilang taon at nagkrus muli ang landas nilang dalawa. Hindi akalain ni Camilla na mababaligtad ang sitwasyon nilang dalawa. Kilala pa siya ni Santiago ngunit wala ng pag-ibig sa mga mata nito. Ang nakasalamin sa mga iyon ay galit, pighati at kalungkutan. Batid niyang wala na siyang puwang sa buhay ni Santiago. Masakit isiping hindi na siya nito mahal. Paano niya sasabihin na wala siyang ibang lalaking minahal kung hindi ito lamang? Paano niya gigisingin ang pusong siya mismo ang nagwasak?
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat

Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat

Si Sebastian Lazarus ay tinaguriang King of Hades, mailap, at kinatatakutan ng lahat. Nagdesisyon siyang iwanan ang kanyang trabaho upang magbagong buhay kasama ng kanyang pamilya. Nag-apply siya bilang isang sales clerk sa kumpanya ng mga Villareal kung saan doon niya nakilala si Allison Villareal, ang kanyang amo na ubod ng ganda, seksi, at may mataray na pag-uugali. Akala ni Sebastian ay tuluyan na siyang matatahimik sa kanyang nakaraan pero nang dahil sa paulit-ulit na peligrong dala ni Allison, napilitan siyang gamitin ang kanyang dating pagkatao upang iligtas ito mula sa mga taong gusto siyang patayin. Hindi nagtagal ay nahulog sila sa isa't-isa ngunit dumating ang araw ay natuklasan ng bawat-isa ang mga sikretong pinakainingatan nila lalo na ang pagkatao ni Sebastian. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan pagkatapos nilang malaman ang mga sikretong bumabalot sa kanilang pagkatao? Handa ba silang tanggapin ang pagkatao ng bawat-isa o wawakasan ang namumuong pagmamahal dahil hindi sila pwede para sa isa't-isa?
9.836.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
56789
...
50
DMCA.com Protection Status