I Wanted a Divorce, Benedict!
Sa loob ng pitong taon ng kanilang pagsasama, nananatili si Benedict na malamig sa kaniyang asawa habang si Mikaela naman ay patuloy pa rin sa pagsisilbi rito bilang isang mabuting asawa. Umaasa kasi siyang isang araw ay matututunan din siyang mahalin ni Benedict ngunit hindi niya inakala na ang pagmamahal nito at pag-aalaga ay ibubuhos lang din pala nito sa ibang babae. Gayunpaman nanatili siyang matatag sa kanilang pagsasama. Hanggang sa araw ng kaniyang kaarawan, lumipad siya mula Pilipinas patungong Amerika upang makasama ang kaniyang mag-ama ngunit sinama ni Benedict ang kanilang anak upang makasama ang babae nito habang siya ay naiwan nag-iisa sa apat na sulok ng kaniyang silid. Pagod na siya kaya nagpasya na siyang isuko ang lahat lalo na sa tuwing nakikita niya ang kaniyang anak na mas gusto at mas masaya pa ang babaeng iyon na maging ina nito kaysa sa kaniya na tunay nitong ina. Masakit para kay Mikaela ang lahat ng iyon kaya naman nagpasya na siyang ibigay ang divorce agreement kay Benedict kasama ang kostodiya at bumalik ng Pilipinas nang walang paalam. Mula noon, hindi na pinansin ni Mikaela ang kaniyang mag-ama habang hinihintay na lang ang divorce certificate nilang mag-asawa. Iniwan niya ang kaniyang pamilya at muling itinaguyod ang kaniyang career. Siya na noon ay inaalipusta ng lahat ay nagawa nang kumita ngayon ng bilyon. Sa kabilang banda, sa tagal ng kaniyang paghihintay, bigo siyang makuha ang divorce certificate na hinihintay niya gayundin ang taong matagal siyang iniwasan at ayaw na ayaw umuwi ng Pilipinas ay madalas niyang nakikitang umuuwi sa piling niya. Bukod pa roon bigla itong nagbago at mas naging malapit sa kaniya. Nang malaman nito na nakikipaghiwalay na siya, kinorner siya ng dating tahimik at walang pakialam na asawa at sinabi, "Divorce? impossible."