CHAPTER 6“Cheers,” sigaw ng magkakaibigang Miguel, Wilson at Benedict sabay taas nga ng kanilang hawak na shot glass.Tahimik lamang naman si Harold sa isang tabi at itinaas na lamang nga rin niya ang kanyang hawak na shot glass at nakipag cheers sa kanyang nga kaibigan.“Ano ba naman yan bro. Para namang wala kang energy ngayong gabi. May problema ka ba?” daldal ni Benedict kay Harold ng mapansin nga niya na wala man lang nga itong kagana gana at tahimik lamang nga itong umiinom.Napabuntong hininga naman nga si Harold at saka nga siya tumingin sa kanyang nga kaibigan.“Pasensya na kayo. Sadyang pagod lang ako sa opisina at maraming iniisip kaya ganito ako ngayon,” hinging paumanhin nga ni Harold sa kanyang mga kaibigan.Nagkatinginan naman nga sila Miguel, Benedict at Wilson at agad nga silang lumapit kay Harold at agad na inakbayan ito.“Bro nandito tayo para magliwaliw. Kalimutan mo muna yang problema mo sa opisina at magrelax ka na muna ngayon dito,” sabi ni Wilson kay Harold.
Terakhir Diperbarui : 2025-04-17 Baca selengkapnya