Jean “Masama po kasi ang ugali ng alaga mo po Manang, kaya iniiwan ng babae,” huli na nasabi ko sa kaharap na manang Rosa. Bahagya akong napanguso ng matigilan si manang Rosa nakatingin sa akin. “Ahehehe…s-sorry po,” bulong ko nag-iwas ako ng tingin. Baka magalit ang Manang. Siya na nga lang ang tingin kong kakampi ko rito, at sure akong mabait ang manang sa akin sisirain ko pa. Bakit kasi hindi ko kasi mapigilang dumaldal. Mapapahamak pa ako sa walang preno kong bibig. “M-manang, k-kaya ko naman po nasabi iyon base lang po sa trato ni Kaizer sa ’kin. Sana po maunawaan mo ako manang. Nakita n'yo naman po ang ginawa niya sa cellphone ng kasama mo kahapon sa kitchen? Ganun din po ang phone ko. Sinira po niya ng walang dahilan.” Nagulat ako ng haplusin ni Manang Rosa ang balikat ko at nakangiti. “H-hindi ka po galit? Salamat po akala ko wala na akong kakampi rito,” pabiro kong sabi sa kaniya. “Nauunawaan ko at napagsabihan ko na siya. Napingot ko pa sa tainga sa ginawa niya
Last Updated : 2025-04-12 Read more