Jean “Thank you pa rin sa bagong phone,” nagawa ko pa rin niyon sambitin bago ako lumabas ng pinto sa office niya.Hindi ko na nakita ang lihim na lungkot sa mata ni Kaizer, pagsarado ko ng pinto. Nakatingin pala siya ng nakatalikod na ako sa kaniya hanggang sa ako'y nakalabas ng pinto.Hindi ako apektado sa paninigaw ngayon ni Kaizer sa ‘kin. Nakatulong pa nga dahil nakalayo ako ng tuluyan dito nakaiwas ako sa posibleng mangyari.Unti ko na rin sasanayin ang sarili ko sa kaniyang kasungitan. Sabi nga ni Mamang Rosa. Mabait daw si Kaizer wala lang talaga tiwala sa mga babae ang alaga niya. Naging malamig ang pakitungo nito sa lahat kabilang na ako roon dahil nga niloko ng babae. Mahal na mahal siguro ni Kaizer, ang fiancee' niya kaya hanggang ngayon hindi pa rin nakaaalis sa anino ng nakaraan niya. Alam ko kasi ganun. May damdamin pa siya kaya hindi pa nakamo-move-on sa nakaraan.Nang dumating ako sa living room. Mayroon akong naabutan na mga kasambahay kasama ang ate Rhona na busy s
Last Updated : 2025-04-13 Read more